Chapter 46 : Revelation - Unsure

Start from the beginning
                                    

Napalingon ako kay Allen ng puno ng pagtataka, pero ganun din ang nabakas ko sa mukha niya.

Nilingon ko ulit si Jomar at tinitigan sa mata.

"Anong sinasabi mo, Par?" tanong ko sa kanya.

Bumuntong-hininga siya tapos ay tumayo siya at nagpamulsa. Nilapitan niya kami at huminto sa harap namin.

"Kailan pa? Gaano na katagal?" magkasunod niyang tanong na ipinagtaka ko lalo.

"Kung ano man yan, mukhang labas ako dyan ah? Iwan ko muna kayo, gusto niyo?" sabat ni Allen tapos ay kinuha niya ang bag niya at tumayo.

"You're not going anywhere, Allen. Kasama ka sa issue na 'to." seryosong sabi ni Jomar kay Allen kahit na sa akin siya nakatitig.

Nangingimi namang umupo si Allen habang tinititigan sa mukha si Jomar.

"Par, ano ba yun? Ano ba yang mga pinagtatatanong mo?" tanong ko ulit sa kanya.

Bumuntong-hininga ulit siya tapos ay tumingin siya sa paligid. Nandito kasi kami ngayon sa dulo ng hallway.

Nung masigurado niya atang walang tao ay nilingon niya kami.

"Gaano na kayo katagal ni Allen?" tanong niya sa akin na ikinagulat namin parehas ni Allen.

Napatayo pa si Allen tapos ay napatingin siya sa mukha ko na puno ng pag-aalala.

"Par, ano bang sinasabi mo? Hindi ka namin maintindihan." palusot ko sa kanya. Pero, in truth, natatakot na din ako. Paano niyang nalaman na kami nga ni Allen?

"Ako pa ba ang gagawin niyong tanga? Alam niyo namang sa ating apat, ako ang pinaka-observant. At sa lahat ng pagkakataon ay nakikita ko kayo. Palagi kayong magkadikit. Palagi kayong kuntento na kayo lang ang magkasama. Minsan pag badtrip ang isa, hindi pwedeng hindi din badtrip ang isa. Pag masaya ang isa, halata naman sa isa na masayang-masaya din siya. At nakumpirma ko lahat ng hinala ko nung birthday party mo, Par. Akala niyo hindi ako nakikinig pero maya't-maya mo siyang tinatawag ng 'Baby'. Tapos ang talim pa ng mga titig mo kay Jake habang kaakbay niya si Allen. Ngayon, sabihin niyo. MALI BA ANG HINALA KO?" seryoso niyang sabi pero hindi bakas ang galit sa boses niya. Parang gusto niya lang ng kaliwanagan sa mga nangyayari.

Tumayo din ako at lumapit kay Allen. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papunta sa harap ni Jomar.

"Par, we've been together for almost 10 months." sagot ko sa harap ni Jomar. Naramdaman ko ang pagpisil ni Allen sa kamay ko kaya pinisil ko rin ang kamay niya para pakalmahin siya.

Nagulat kaming parehas ng mapasigaw si Jomar ng 'Shit!'.

"Par, sorry, ayaw kong sabihin na kami kasi natatakot kami sa magiging reaksyon niyo. Hindi kami handang mahusgahan lalo na ninyo." pagpapaliwanag ko kay Jomar.

Ramdam ko yung panginginig ni Allen kaya binatawan ko ang kamay niya at inakbayan siya.

"It's okay, kung hindi nila tayo tanggapin. As long as I got you, kaya kong harapin ang lahat." mahina kong sabi kay Allen.

Biglang may bumatok sa akin kaya lumingon ako.

"Gago! Ako pa ang aakusahan mo na mapanghusga? Kailan mo ba nakitang diniscriminate ko si Allen o ang iba pang bakla? Tangna, may kapatid din akong bakla kaya anong karapatan ko para manghusga diba? Ang punto ko lang, bakit hindi niyo sinabi sa amin o kahit sa akin lang? Alam niyo namang tatanggapin ko lahat ng desisyon ninyo eh, as long as alam kong dun kayo sasaya. Hindi naman ak---" hindi na namin siya pinatapos ng pagsasalita ni Allen dahil niyakap na namin siya.

"Hindi ka galit?" tanong ni Allen.

"Hindi. Pero medyo nagtatampo ako dahil nagsikreto kayo sa akin." sagot naman niya.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now