Chapter Eighteen: Behind the Hurricane

Start from the beginning
                                    

"What the whats did just happened?" Tanong nito sa sarili

Para saan naman itong susing to?... isip pa nito. At para namang sinagot siya ng hangin dahil bigla hinangin ng mahina ang mukha niya patungo dun sa kahon na para bang pinahaharap siya dun. Sakto namang pagkaharap noya ay nakita niya ang susian.





Lub. Dub.




Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya. Halu-halong kaba, takot at pagtataka. Sa una ay nagdalawang isip pa siya kung bubuksan niya ba o hindi. Pero natalo siya ng kuriosidad kaya naman ay dahan-dahan niyang inabot ang kahon, ang gaan talaga ng pakiramdam niya sa kahon, na para bang pag-aari niya kaya naman ay agad din niyang ipinasok ang susi at binuksan ito. Sa loob nito ay may isang kwintas na kulay pilak. May pendant itong bilog. Pero ang bilog na iyon ay nasa gitna. Sa paligid ng bilog ay parang may mga gumagapang na veins na para bang frame ng mismong bilog. Yung veins kung titignan ay may maliliit na rosas na pula at imbis na thorns ang nasa veins ay mga diamante itong violet. Sa mismong bilog naman ay may naka burdang maliliit na sequins kaya di niya gaano makita kung ano ba ang binibuo nitong imahe. Pero lahat-lahat maganda iyo at elegante. Kakaiba at higit sa lahat may kakaibang aurang inilalabas.







SCARLET's POINT OF VIEW.




Kwintas? Okay so.. I don't really know what's happening right now. Alam ko naman hindi normal ang buhay ko simula't sapul pero hindi ko naman kasi inaakalang magiging ganitong kagulo ang lahat.

Okay moving on... kusang gumalaw katawan ko kanina... tapos kaya pala mukhang susi ang maliit na kamay ng aking mga orasan ay dahil susi pala talaga iyon. Ngayong nakuha ko ang susi nabuksan ko naman ang isang kahon na kakaiba sa kwartong kinaroroonan ko ng hindi ko naman alam kung kanino nga ba ito. Ano bang nangayayari...

Bago ko pa suriin ang kwintas ay inilagay ko muna ito sa aking kanang kamay dahil pumikit muna ako saglit at bumuntong-hininga


*CHIICK*

May narinig akong tumunog sa aking kamaong nakasara.... yung kwintas! Hala baka nasira ko. Agad ko din namang ibinuka abg kanang kamao o ko para makita ang kwintas, pero imbis na matakot ako dahil nasira ko ay nagulat ako dahil yung bilog na may maliliit na detalye ay nakabukas at parang may hologram na inilabas ito. May imaheng lumabas. Imahe ng isang pamilya ng... anghel...?

Yung babaeng anghel ay may pakpak na puti. Maganda siya at maputi... parang kilala ko siya bgunit di ko maalala kung saan ko siya nakita.... may akay-akay siyang sanggol na nakabalot sa telang kulay puti na may halong pula, itim at violet. Yung lalaki naman ay nakaakbay sa mag-ina. Ang pakpak naman niya ay kulay itim... mukha silang masayang pamilya. Sino kaya ang mga ito... nagsimulang umikot ang 3D na pigura ng pamilya at nagsimula naman ding tumunog..

~~Que sera sera...

Whatever will be, will be...

The future's not us to see...

Que sera sera...~~



Napatitig naman ako sa mukha ng babae. Pamilyar talaga eh... para bang nasa dulo na ng dila ko ang pangalan niya ngunit di ko lang masabi. Ano ba naman iyan. Tumitig pa ako ng maya-maya pa'y... saglit lang...

Lub. Dub.

"Ina?" Sa sobrang pagka-gitla ay nahulog ako sa aking kinauupuan

Aray ko po huhu. Hinawakan ko naman ang aking likuran at tumingin sa taas.

"Dyus ko po ano ba pong nangyayare sa akin. Kalurkey ah. Este ay ewan hehe sorry po" okay....that was so not like me.

Iginala ko naman paningin ko pababa ng mapadako tingin ko sa ibabaw ng tukador....

May litrato.... litrato ni mama....

Bahay niya ba ito? Dito ba kami dapat titira kung buhay pa siya? Tinitigan ko pa ang litrato at... ang ganda mo talaga ma...siguradong mas maganda ka kung sa personal kita makikita...

Napahawak naman ako sa mukha ko... kamukha ba kita? Sino ba ang ama ko ma? Ang gulo ng lahat. Habang patayo ako ay hawak-hawak ko parin ang pisnge ko ng napadako naman ang tingin ko sa salamin ay

"AY MUKHA KANG MUKHA!" Napatalon naman ako sa sobrang gulat. Paano ba naman pagkaharap ko sa salamin ay nakatayo si Lucifer sa likuran ko habang nakangiti. Hindi yung ngiti na nakakatakot. It was a sweet genuine smile...--wait, Lucifer?!

"Lucifer!"

"Haha woah chill. Hotheaded ka din pala haha" he then chuckled. Wait, anong 'din pala'

"How can I chill down when the person who killed my parents is right in front of me!" Pagkasigaw ko nun ay nakita ko naman ang.... sakit? Sa mata niya..? Bakit naman? Baka namalikmata lang ako..

Pero anyways, back to my business, ang dahilan kung bakit nandirito ako ngayon sa harap niya.

"Totoo ba? Totoo bang ikaw ang pumatay sa magulang ko? Bakit? Ano bang atraso nila sa iyo na pati ang buhay nila ay kinitil mo?!" Hindi na ako nakapaghintay at napalabas tuloy ako ng hinanakit ko

Pero imbis na sagutin ako ay lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Natulala ako sa ginawa niya. Bakit ganun... kahit gusto ko siyang itulak palayo ay hindi ko magawa... at para bang napaka gaan ng loob ko sa kanya. Mali ito! Dapat magalit ako sa kanya dahil siya ang dahilan kung bakit di ko kasama aking magulang ngayon

Sinubukan ko siyang itulak ngunit mas malakas siya sa akin. Pero hindi ako tumigil sa pag pupumiglas.

"Di mo alam kung gaano ako kasaya na makasama ka.." sabi niya. Ramdam pa sa voses niya ang.... pagka-ulila..?

"Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito.."

" ngayong nasa piling na kita ay hindi na kita pakakawalan." Inantay ko nan ang susunod niyang sasabihin

" Mahal mahal kita..." a-ano?! At dahil dun sa sinabi niyang yun tinulak ko siya ng mas malakas at iyon nga nagkahiwalay na kami.

Para akong kinilabutan sa sinabi niya. Kaya nung tinignan ko siya ay sa tingin ko'y nahalata niya ang pagka-kilabot ko sa kaniya.

Pero ang sumunod na ginawa niya ay nagpatigil ng oras ko. Lumuhod siya dahan-dahan sabay sabing

"Anak.. patawarin mo ako kung hindi ko kayo naprotektahan ng ina mo. Binaliktad nila tayo." Hindi ko alam ang gagawin. Para akong napako sa kinatatayuan ako.

"A-anong ibig s-sabihin m-mo?"

Ang bigat bg pakiramdam ko ng hindi ko alam kung ano ang dahilan. Pero para akong pinagsakluban ng langit at lupa ng humarap siya sa akin..... humarap siya na may luha sa kaniyang mga mata. Mali, luha sa buong mukha. Hindi ko alam kung bakit pero para bang kusang bumigay ang katawan ko. Napaiyak na ako ng tuluyan kasabay nun ay niyakap ko siya. Hindi ko pa man alam ang buong storya pero susundin ko na muna ang tibok ng puso ko.

"Wag ka na pong umiyak....



Pa"

Awakened Casualty: The Prince Of HellWhere stories live. Discover now