CHAPTER 2- AGAIN?

Mulai dari awal
                                    

"Bes, mag bake na lang kaya tayo ng Cookies" suggest ni Kian.

"Sige. Wait lang ah kukuha lang ako ng mga kailangan natin." Kinuha ko yung mga ingredients sa ref at saka bumalik sa kitchen.

Si Kian na rin ang nag bake kasi di rin ako marunong. Tinulungan ko na lang sya sa pag pe-prepare, nag timpla din ako ng juice para may panulak.

"Oh ayan bes tapos na tayo. Yey" masayang sabi ni Kian

"Ayiie, thank you bes. Apir"

Pag ka apir namin ni Kian agad namang may nag doorbell baka si Kuya na yun.

"Oh Hi Kuy-- anong ginagawa mo dito ha?" Masungit kong tanong. Akala ko si Kuya na. Yung masungit na yon lang naman pala.

"Niyaya ako ni Clarence dit--"

"Anong niyaya, bakit kaibigan ka ba ny--"

"Yes baby sis, kaibigan ko si Harris" singit bigla ni kuya na kakapasok pa lang ng gate at kasama nya pa si Tyler.

"Ano ba yan Kuya, pipili kana nga lang ng kaibigan, yung masungit pa" sabi ko sabay irap sa masungit na yun.

"Oh Hi Tyler" nakangiti kong bati sa kanya.

"Hello Danna" sagot niya sabay ngiti.

"What? BabySis di kaya masungit si Harris. Ang bait bait nya nga eh" natatawang sabi ni Kuya.

"Anong hindi eh binangga nya nga ako nung first day eh, tapos ako pa ang sinisi nya. Dyan na nga kayo, I hate you Kuya. Mas kinakampihan mo sya"

"Danna" tawag ni Kuya pero diko sya pinansin.

Pumunta ako kay Kian kasi ihahatid na namin yung pagkain nila. Dala ko yung cookies at dala naman ni Kian yung Juice at baso.

"Oh ayan na ang pagkain nyo. Mabulunan sana kayo" sabi ko sabay alis. Agad naman akong bumalik ng marinig ko ang sigaw ni Kian.

"Hoy Kian ang ingay mo. Bakit ka ba sumisiga--"

"Bes nandito pala si Tyler bat di mo naman sinabi agad" bulong nya sakin. Buti na lang at di nila yun narinig.

"Baliw ka talaga. Tara sa kwarto ko may sasabihin ako sayo" yaya ko kay Kian.

Umakyat kami at saka pumunta sa kwarto ko. Nakakainis si Kuya.

"Aaaahhhh! Bes nakakainis si Kuya. Alam mo ba na mas kinampihan nya pa yung masungit na yun kesa sakin"

"Hayaan mo na bes, alam ko naman na mas mahal na ng kuya mo kesa dun hahaha"

"Kian abnormal ka talaga. Tara mag movie marathon tayo"

"At bet ko yan bes, tara"

Bumaba na kami, wala sila kuya sa salas? Asan yun? Dumiretso kami ni Kian sa Movie room. Binuksan ko yung pinto at

"Waaaaahhhhh. Hahahahahaha" sigaw ko pano ba naman nandito pala silang tatlo nanonood ng power rangers.

"Bakit ka ba sumigaw?Ang ingay mo"

"Hoy sungit bahay ko to at pwede kong gawin lahat ng gusto ko." Sigaw ko sa kanya.

"Kayong dalawa para kayong aso't pusa. Kelan ba kayo magkakasundo? Sige una na ko hinahanap na daw ako ni Mommy. Bye guys" nagbeso kami at saka sya umalis.

"Nanonood kami oh. Ang ingay mo" pagsusungit nya.

"Okay fine. Dun na lang ako kay Kian."

"Hoy hoy anong kay Kian. Bawal ka ng umalis. Gabi na oh" singit ni Kuya.

"Ganyan pala kahigpit sayo ang Kuya mo, Danna. Sige mauna na ko may dinner daw kami nila Mommy. Thank you bye" sabi ni Tyler.

"Ako rin aalis na. Salamat. Bye Danna" sabi naman ni Sungit at saka ngumiti. Inirapan ko lang sya. Tsk! Kala mo naman close kami.

"Sige ingat" sabi ni kuya at saka sila umalis.

"I'm home" sigaw ni Mommy Stella.

"Tara Mommy kain na tayo" yaya ko sa kanya.

"Sige. Wait anak magbibihis lang ako."

"Mommy di po ba uuwi si Dad?" Tanong ko

"Busy daw anak eh. Tara kain na tayo"

Pagkakain namin umakyat nako ng kwarto ko. Naglinis ng katawan ko at saka humiga. Pipikit na ko ng biglang may mag text. Unknown number.

From: 091672*****
"Good night, sweet dreams Danna."

At dahil wala akong load. Diko na sya nireplyan. Tutulog nako. Goodnight.

My Long Lost Boyfriend (ON GOING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang