ChapterThirtyFour: Wedding I

8.8K 171 0
                                    

Faustina's Pov

"Ma'am wag ka na kasing umiyak nabubura yung make-up eh" sabi nung make-up artist.

Kasalukuyan akong inaayusan para sa kasal namin ni Keith :(

"Ikaw kaya ikasal sa taong di mo naman mahal!" Inis na sabi ko sa kanya.

"Anak wag mo naman sungitan yang nag me make-up sayo" sabi ni mama na biglang dumating sa kwarto ko.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na andito sya o maiinis kasi wala man lang syang ginawa.

Nakatingin lang ako sa kanya ngayon diko kasi alam kung kakausapin ko sya o hindi.

Naramdaman kong niyakap nya ako.

"Anak maintindihan mo sana si mama." Malungkot na sabi nya.

"Bakit hindi ka man lang gumawa ng paraan para mapigilan to?" Naiinis na tanong ko.

"Ang lolo mo kasi ang nag desisyon at para din sa atin to. Malaki ang mawawala sa atin kapag hindi pumayag ang lolo mo" paliwanag ni mama.

"May trabaho naman ako ma kaya ko kayong buhayin" sabi ko.

"Malaki ang impluwensya ng pamilya nila at kaya ka nilang tanggalan ng trabaho, gusto mo bang makitang nahihirapan kami?" Sabi ni mama.

Ganun pala kayaman sila Keith. Nakakainis man pero di na ako tutol para sa pamilya ko.

Aaminin kong mahal ko si Austin pero diko kayang makitang nahihirapan ang pamilya ko.

"Ayaw kong mahirapan kayo ma kaya kahit mabigat sa pakiramdam okay na ako wag lang kayong mahirapan" sabi ko.

Napansin ko ang pag ngiti ni mama.

"Thats my girl. Napaka buti mo talaga anak maraming salamat" sabi nya at hinalikan ako sa noo.

"Mahal ko kayo ma kaya lahat gagawin ko para sa inyo" sabi ko at niyakap ko sya ng mahigpit.

"Pwede ko po ba kayong ma istorbo?" Napatingin kami ni mama kay Keith na kakapasok lang sa kwarto ko.

"Keith ikaw pala" sabi ni mama

Nagmano sya kay mama.

"Nakapantalon ka lang?" Takang tanong ko.

Naka pantalon kasi sya at white long sleeve

"Oo gwapo naman ako kahit anong suot ko" sabi nya sabay wink.

"Ang hangin naman po pala" sabi ko

"Maiwan ko na muna kayo ha. Faustina wag ka ng umiyak okay?" Sabi ni mama tumango ako bilang tugon.

At ayun umexit na sya.

"Iyakin ka pala talaga" naka ngising sabi ni Keith.

Inirapan ko lang sya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Wala lang gusto ko lang makita kung gano kaganda ang mapapangasawa ko" nakangiting sabi nya.

Argh! Gusto ko kay Austin ko marinig yan eh.

"Maganda ako kahit anong ayos ko. Okay na?" Nakataas ang kilay na sabi ko sa kanya.

Napangiti naman sya.

"Okay na okay." Sabi nya.

Lumapit sya sa akin at nasa likod ko sya ngayon.

The Hottest Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon