ChapterEighteen: Confession

9.4K 206 1
                                    

Faustina's Pov

"Hello sa isang napakaganda at isa sa pinakamagaling na doktor sa St. John Hospital" nakangiting salubong sa akin ni Keith nung papasok ako sa hospital.

Inabutan nya ako ng boquet of white roses at may ferrero chocolates pa.

"Thank you nag abala ka pa" sabi ko sa kanya at inabot din sa kanya ang pasalubong ko prutas na galing sa Mindoro.

"Wow mukang masarap to ha thank you" sabi nya at niyakap ako.

"Ehem! pwede ba tumabi tabi kayo nakaka istorbo kayo sa daanan" inis na sabi ni Austin at naka cross arm pa.

Tss hindi pa pala kami nakaka pag usap nito simula nung nang yari samin nung isang gabi.

Pagkatapus nya akong halikan tumayo sya kaagad at nung nasa biyahe kami hindi nya ako kinakausap kaya ayun hindi malinaw sa akin kung anong sagot nya sa tanong ko.

"Pasensya na namiss lang namin ang isa't isa" naka ngising sabi ni Keith.

"Tss. Sumama ka nga sakin may pag uusapan tayo" sabi nya at hinila ang kamay ko pero hinawakan naman ako ni Keith sa braso.

Nagkasukatan sila ng tingin na para bang sinasabing bumitaw ka kung ayaw mong masaktan.

"May pag uusapan kami kaya bitawan mo sya" seryosong sabi ni Austin.

"Nag uusap pa kami kaya ikaw ang bumitaw sa kanya." Sabi naman ni Keith na hindi man lang natinag sa malamig na boses ni Austin.

"Importante ang sasabihin ko sa kanya" sabi ni Austin at hinila ako palapit sa kanya.

"Mas importante ang pag uusapan namin" sabi naman ni Keith at hinila ako palapit sa kanya. Ouch ha!

"Pwede ba parehas kayong bumitaw nasasaktan ako" inis na sabi ko sa kanila sabay naman silang bumitaw.

"Are you okay?" Sabay nalang tanong kaya nag katinginan sila

"Ginagaya mo ba ako?" Sabay ulit sila kaya bago pa man sila tuluyang sumabog ay pumagitna na ako.

"Kayong dalawa manahimik kayo okay? Austin mamaya na tayo mag usap may sasabihin din kasi ako kay Keith" sabi ko kay Austin napansin kong tumingin sa kay Keith na masama na kasalukuyang nakangisi.

"Hindi na makakapag antay ang sasabihin ko" seryosong sabi nya napapikit ako nakakainis gusto kong sumama sa kanya kaya lang gusto ko muna syang iwasan ngayon at mag open muna kay Keith.

"Austin alam kong makakapag antay pa yan okay? May importante lang talaga akong sasabihin kay Keith" sabi ko napa buntong hininga sya.

"Okay. Kung masaya ka nag paparaya na ako" seryosong sabi nya at tumalikod na.

"Austin!" Inis na tawag ko sa kanya pero hindi sya lumingon. Nakakainis kasi parang may meaning pa yung sinasabi nya.

"I think nag seselos sya sa akin" narinig kong sabi ni Keith kaya napalingon ako sa kanya.

"What do you mean?" Takang tanong ko.

"Base sa inaakto nya kanina nag seselos sya at lalaki ako alam ko kung pano kami mag selos" seryosong sabi nya.

"Tara nga wag tayong mag usap dito sa daan" sabi ko at hinila ko sya sa part ng hospital na wala gaanong tao.

"So anong sinasabi mo Keith?" Tanong ko pag karating namin sa kinaroroonan namin.

"Sabi ko nag seselos sya sa akin" ulit nya sa sinabi nya.

"Muka yatang malabo yang sinasabi mo unang una may girlfriend na sya at ni hindi nya nga masagot yung tanong ko kung mahal pa ba nya ako eh" sabi ko na may halong pag kainis.

"Mahal po ba sya gaya ng dati?" Tanong nya sa akin napasandal ako sa pader gusto ko madrama ang pag kakasagot ko eh.

"Oo at sa tingin ko mas lumalim pa" deretsong sagot ko sa kanya.

"Alam mo ba kung bakit alam kong nag seselos sya?" Out of nowhere na tanong ni Keith.

"Syempre naman hindi. Ano bang sa tingin mo kung bakit sya nagseselos?" Balik tanong ko sa kanya.

Bigla nyang itinukod ang kanang kamay nya sa gilid ko at sobrang lapit ng mukha nya sa akin.

"Dahil yun ang nararamdaman ko ngayon" mag kalungkutang sabi nya.

"B-bakit naman?" Nauutal na tanong ko

"Kasi mahal kita Faustina kaya nakakaramdam ako ng selos lalo na't harap harapan mong sinabi sa akin na mahal mo pa sya" sagot nya at ngumiti sya ng mapait.

"Ano bang sinasabi ko mo dyan Keith?" Tanong ko.

"Naging interesado na akong makilala ka nung una ka palang dumating dito at nung nakita ko na ang mala anghel mong mukha para bang tumibok ng mabilis ang puso ko at kakaiba yun sa pakiramdam ko..."

Nakatitig sya sa akin habang sinasabi nya ang mga to. Nag coconfess ba sya ng nararamdaman nya?

Anong gagawin ko? Ayaw kong mahalin nya ako kasi may mahal na ako at si Austin lang yun.

"Matagal bago ko marealize na tuluyan na akong mahulog sayo pero wala akong lakas ng loob para mag tapat sayo..."

Huminga sya ng malalim at nagpatuloy sa pag sasalita.

"Hanggang sa nakahanap ako ng tyempo nung dinala kita sa park pero broken hearted ka pala nun kaya hindi ko na tinuloy at ngayon sa tingin ko magang tyempo to para sabihin ko sayo ang nararamdaman ko.."

"Faustina mahal kita pwede bang bigyan mo ako ng chance na palitan sya sa puso mo?" Tanong nya sa akin habang nakatitig sa mga mata ko.

"K-keith..."

"Sshhh! Please bigyan mo ako ng chance kung sa tingin mong malabo talaga titigil na ako basta payagan mo lang ako" parang nag mamaka awang sabi nya.

"Keith ayaw kong umasa ka kaya wag kang mag expect" seryosong sabi ko sa kanya.

"Bigyan mo lang ako ng chance masaya na ako" seryosong sabi nya.

"Ayaw kong umasa ka at masaktan sa bandang huli kaya ayaw ko na sanang bigyan ka ng chance. Maintindihan mo sana Keith" explain ko sa kanya.

"Basta sa ayaw at sa gusto mo liligawan kita at wag kang mag alala kung masaktan man ako wala kang kasalanan dun kasi ako mismo ang pumili nito" sabi nya at tumalikod na sa akin.

What the?! Another problem ba to? Anong gagawin ko ? Sure ako sa mission kong gumawa ng paraan para mag kabalikan kami ni Austin pero panu si Keith?

Argh! So complicated (~.~)

The Hottest Doctor [COMPLETED]Where stories live. Discover now