Chapter Five: My Family

11.1K 241 0
                                    

Faustina's Pov

"Anak. Gising na 7 na oh baka malate ka sa trabaho mo" narinig kong tawag sa akin ni mama.

Hays sobrang inaantok pa ako bakit ba kasi night shift pa ako diko na tuloy nasisilayan ang araw.

Isang linggo na ng mag umpisa ako sa gantong shift. Naging close ko na si Keith pero medyo masungit parin sya.

Si Austin? Ayun pinipilit ko paring iwasan sya ayuko nakikita sya dahil may kakaibang sakit akong nararamdaman lalo na't madalas silang mag kasama ni Nathalie.

Si Nathalie naman kilig na kilig palagi tuwing nag kwekwento sya sa ka sweetan daw ni Austin and take note araw araw syang may boquet of flowers galing kay Austin.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin pero habang nakikita kong masaya si Nathalie dahil kay Austin parang unti unting umu usbong ang pag ka ilang ko sa kanya.

Ewan parang pakiramdam ko kasi masama akong kaibigan kasi hindi ko pa nasasabi sa kanya na ang ex ko si at yung kinakikiligan nya ay iisa.

Pero wala na akong balak pang sabihin sa kanya. Para ano pa? Eh masaya naman na siya pati nadin si Austin.

"Anak? Ano tutulala kalang ba dyan? Kilos kilos din aba" nagulat naman ako sa mama ko na hindi pa pala umaalis sa kwarto ko.

"Oo na ma~ diba pwedeng mag muni muni muna?" Biro ko sa kanya.

Naka upo sya sa kama ko.
"Ano bang minu muni muni mo dyan? Nahihirapan kaba sa trabaho mo?" Tanong nya

"Hindi naman po ma. Bakit mo natanong?"

"Tuwing uuwi ka kasi dito lagi kang naka busangot" sabi nya. Napabuntong hininga ako. Namiss ko kausap si mama.

Bigla ko syang niyakap.
"I miss you ma" sabi ko

"Araw araw mokong kasama tapus namimiss mo pa ako?" Biro ni mama at humiwalay sa pag kakayakap ko.

"Bakit nga ba lagi kang naka busangot?" Tanong nya.

"Kasi ma kasama ko si Austin sa trabaho eh" sabi ko. Wag na kayong magtaka kilala sya ni mama kasi sa sobrang close namin lahat ng nag yayari sakin alam nya.

"Austin? Yung boyfriend mo?" Gulat na tanong nya.

"EX ma EX BOYFRIEND" pag didiin ko.

" asus bitter much nak? First Love nalang mas maganda pakinggan. Oh ano naman kung mag ka trabaho kayo mas masaya yun mag kaka balikan na kayo ng FIRST LOVE MO" sabi nya na may diin sa FIRST LOVE MO.

"Wag ka ng umasa naka move on na si Austin and guess what may nililigawan na sya" kwento ko kay mama.

"Talaga nak sino naman nililigawan nya?" Tanong nya

"Nathalie" maikling sagot ko

"NATHALIE?!" gulat na gulat nyang tanong at napasigaw pa with pahawak epek pa sa dib dib.

"Oo ma uulitin ko pa ba? Kung maka react ka naman" puna ko.

"As in si Nathalie yung bestfriend kong doktora?" Paninigurado nya.

"May kilala ka pa bang Nathalie ma?" Tanong ko sa kanya.*toink* binatukan ako ni mama.

"Seryoso ako nak. Eh bestfriend mo yun bakit nya papatusin yung ex mo?" Tanong nya.

"Di nya alam na ang ex na palagi kong kwinekwento sa kanya ay si Austin" sabi ko sa kanya na ikina kunot ng noo nya.

"Bakit naman? Dapat ipaalam mo sa kanya hindi yung ganyan para kayong tanga" sabi nya.

"Maka tanga ka naman ma. Eh ayuko na ipaalam para saan pa? Ayuko naman na ako yung dahilan para hadlangan yung kaligayahan nya. Kitang kita ko kasi sa mata nya yung saya sa tuwing nakikita ko syang nag kwekwento sakin eh" malungkot na kwento ko kay mama.

"And the best martyr award goes to Faustina Sevres! Palakpakan naman dyan nak ang galing galing mo eh" sarcastic na sabi ni mama.

Kung diko lang to siguro magulang binatukan ko na. Sira ulo eh.

"Ma di ko naman pag sisihan ang choice kong to" sabi ko

"Sarap mong tampalin nak. Kung di lang kita anak tinampal na kita ng kaliwa't kanan dyan." Biro ng mama ko na may halong pag ka inis.

"Ano na namang problema ma?" Naka kunot noong tanong ko.

"Di ka lang martyr nak, plastik pa. Hindi na uso yan kung mahal mo dapat ipinag lalaban mo!" Sabi ng mama ko na intense kung makapag payo.

"Mahal? Yuck ka ma sino naman nag sabi sayong mahal ko pa sya?" Sabi ko at umacting pa akong nan didiri.

"Best actress! Grabe nak dami mo na award. Alam mo nanay moko at dahil anak kita nababasa ko na kung ano yang mga nararamdaman mo" seryosong sabi nya.

"Talaga ma ano naman nararamdaman ko?" Taas kilay kong tanong.

"Nababasa kong nag sisinungaling ka sa tuwing sinasabi mong hindi mo na sya mahal. Sobrang lungkot ng mga mata mo habang kwini kwento mo ang mga nang yayari sa love life mo. Anak alam ko kung ano nararamdaman mo at bilang ina mo nasasaktan din ako" seryosong sabi ng mama ko na walang halong biro.

"Ma ang sakit parin pala" bigla ko nalang nasabi. Ang tagal kong hindi maamin sa sarili ko na may nararamdaman pa pala ako para sa kanya.

Ang totoo kahit kailan hindi nawala ang pag mamahal ko sa kanya. Pero ayaw ko namang sayangin ang opportunity kaya kailangan ko muna syang kalimutan. Hindi ko naman akalain na bibiruin kami ng tadhana at talaga pinag tagpo pa kami

Sarili ko lang pala niloloko ko sa sinabi kong naka move on na ako at hindi ko na sya mahal.

Naramdaman ko ang mainit na yakap ni mama.

"Okay lang yan talagang ganyan ang buhay ang kailangan mo lang ay lumaban para maging masaya ka" sabi ni mama

"Huli na para lumaban" malungkoy na sabi ko.

"Ano kaba ? Tandaan mo ikaw din ang FIRST LOVE nya at ano ba yung kasabihan FIRST LOVE NEVER DIES" sabi nya at diniin pa yung qoutes.

"Mas malakas ang True Love kesa sa First love" sabi ko

"Oo nga pala he.he sumuko kana talaga nak" natatawang sabi ni mama

"Ano ba talaga ma?" Tanong ko

"Mag dasal nalang tayo nak at kumapit kay TADHANA sya na ang bahala sa napaka drama at madugong love life mo" natatawang sabi ni mama. Bigla akong napatingin sa wall clock.

"Hala ma! Anong oras na pala malelate na ako" sabi ko at nag mamadaling tumayo sa kama.

"Bakit hindi ka muna mag pahinga? Bonding muna tayo ng kapatid mo namimiss kana namin eh" pag lalambing ni mama.

Napangiti naman ako. Masaya nga yun para atleast kahit isang araw man lang makapag pahinga naman ako at ang puso ko sa torture na kinahaharap ko.

" mabuti nalang ikaw naging magulang ko." Sabi ko kay mama at kiniss ko sya pumunta na kaming sala at naabutan namin ang kapatid kong si Luke na nanonood.

"Oh ate hindi ka papasok?" Tanong nya. 19 years old na sya at kumukuha sya ng course na engeenering.

"Hindi ako papasok kasi namiss kita eh" sabi ko at kinurot ang pisngi nya.

"A-aray ko naman ate!" Sabi nya at tinanggal ang kamay ko.

"Ohh ito na pop corn tara na mag movie marathon na tayo" sabi ni mama at umupo sa gitna namin ni Luke.

Tinignan ko sila. Maswerte ako kasi napaka supportive nila sakin at ramdam kong sobrang caring nila. Kaya kung ipapanganak man ako muli sila padin ang pamilyang pipiliin ko.

"Ayun yung tv sa harap te wala samin ni mama" biro ng kapatid ko. *roll eye*

The Hottest Doctor [COMPLETED]Where stories live. Discover now