Chapter Seven: Broken

10.4K 226 1
                                    

Faustina's Pov

Day off ko ngayon kaya naman naisipan kong mamasyal sa mall.

Alas dose na din ng tanghali kaya naisipan kong kumain.

"Faustina?" Narinig kong may tumawag sa pangalan ko habang kumakain kaya naman agad akong lumingon at nakita ko si Nathalie kasama si Austin.

"Nathalie kayo pala" matipid kong bati. Ewan ko ba bakit parang ang bitter ng dating ng pag kakabati ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya.

"Nag dadasal simbahan to eh" pilosopong sagot ko sa kanya.

*toink* binatukan nya ako.

Tinignan ko sya ng masama.

"Obvious naman kasi kung anong ginagawa ko" sabi ko sa kanya. Natawa nalang sya at umupo sa bakanteng upuan na nasa lamesa na kinalalagyan ko.

"Pa upo kami okay lang ba?" Nakangiting tanong nya. Napairap nalang ako.

"May magagawa paba ako kung sinabi kong ayaw ko?" Sarcastic na sabi ko sa kanya.

"Thank you" natatawang sabi nya.

Tumingin ako kay Austin na nakatayo lang.

"Oh ano pang tinatayo tayo mo dyan? Upo kana dito?" Medyo inis na sabi ko.

"Is it really okay if we join you?" Tanong nya.

"Oo naman ano bang problema?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

"Baka kasi mag selos ka I mean mainggit ka sa ka sweetan namin" naka ngising sabi nya tumingin ako sa kanya ng sobrang sama yung tipong nilibing ko na sya ng buhay.

"Don't be so hard to Faustina, c'mon upo kana dito hindi yan maiingit kasi inlove naman yan" makahulugang tumingin sa akin si Nathalie at ngumiti.

Umupo nadin si Austin at sa harap ko sya pumwesto.

"Talaga at sino naman ang lalaking yun?" Naka ngising tanong nya.

"Wala kang pakialam" sabi ko sa kanya.

"Chill lang kayo. Parang ang init ng dugo nyo sa isa't isa" komento ni Nathalie na naka kunot ng noo.

"Pangit nya kasi" bulong ko.

"Mas pangit ka" bulong nya pero naririnig naman. Natawa nalang si Nathalie.

"Alam nyo kayong dalawa kung di ko lang kayo kilala iisipin kong mag kasintahan kayo na may LQ" sabi nya habang natatawa.

"Tumigil ka nga dyan. Yan magiging boyfriend ko? Wag nalang" sabi ko na umarteng parang nan didiri hahah remember best acress here.

"As if gusto din kitang maging girlfriend" sabi nya.

"Enough guys. Kumain na nga lang tayo para kayong sira dyan" sabi nya kaya nag patuloy nalang kami sa pag kain habang tinititigan ko si Austin ng masama.

"Ayy oo nga pala Faustina maalala ko I though you meet your ex boyfriend again" biglang sabi ni Nathalie. Muntikan na akong masamid.

"Ahem" pekeng ubo ko para ayusin ang pananalita ko. " ha? Anong ex?" Patay malisyang tanong ko. Napansin kong nakatitig sa akin si Austin na parang inaabangan ang sasabihin ko.

"Your ex? Sino paba ex mo ha? Meron ka pa bang ex bukod dun sa high school boyfriend mo?" Parang nag tatakang tanong nya. Napangisi si Austin.

The Hottest Doctor [COMPLETED]Where stories live. Discover now