Chapter Six: Rescue

10K 249 0
                                    

Faustina's Pov

11 na nang gabi kaya papasok na ako sa trabaho ko. Tama na muna ang pahinga. Masaya naman na ako eh dahil andyan ang pamilya ko.

Pinark ko na ang sasakyan ko sa parking lot at nasa entrance palang ako ng hospital natanaw ko na si Austin mukang abalang abala sya at nag mamadali. May pasyente na sya kaagad?

Nag mamadali akong pumasok at sinundan kung saan sya patakbo at natagpuan ko sya sa Emergecy Room.

"Dude manganganak na ang asawa ko. Asan ba ang mga babaeng doctor dito?" Rinig kong sabi ng lalaki na inis na inis.

Tinitigan ko ang lalaki. Parang kilala ko sya.

"Look Jacob ako lang ang naka duty dito anong gusto mo mamatay yung asawa't anak mo?!" Sigaw ni Austin kay Jacob. Tama si Jacob barkada sya ni Austin nung high school.

"Langya pare. Dadaan ka muna sa kamao ko bago mo mahawakan ang asawa ko" sabi nito at kwinelyuhan si Austin na tinulak naman nya.

"Kung ayaw mo edi wag!" Bulyaw nito.

Bigla syang hinila ni Jacob paharap sa kanya at hinalikan sya! O.O joke sinuntok nya si Austin agad akong nataranta at tumakbo palapit sa kanila nag gagantihan sila ng suntok.

"H-hoy tumigil kayo!" Natatarantang sigaw kaso mukhang hindi ako naririnig.

"AUSTIN!!!" Inis na tawag ko sa kanya. Napalingon silang dalawa sakin.

"Ano bang ginagawa nyo?! Kung gusto nyong mag patayan dun kayo sa labas!" Sermon ko sa kanila.

"Faustina?!" Gulat na sambit ni Jacob.

"Jacob" ganting tawag ko sa kanya at nginitian sya.

"A-anong ginagawa mo dito? Kayo ba ulit ni Austin?" Parang excited na excited na usisa nya napalingon ako kay Austin.

"Jacob nakakalimutan mo yatang manganganak ang asawa mo?!" Sabi ni Austin parang bigla namang natauhan si Jacob.

"Asan ba ang mga babaeng doctor nyo dito?" Tanong nya.

Lumapit sa akin si Austin at hinawakan ako sa kamay. Bigla akong nakaramdam ng pag daloy ng kuryente sa buong katawan ko.

"Let Faustina handle it" sabi ni Austin at hinila ako papuntang ER.

"Wait Austin papasok ka din?" Hinila sya ni Jacob.

"Damn! Jacob don't worry only Faustina can touch your wife. Kung gusto mo sumama kana din sa loob" inis na sabi nito at hinila si Jacob sa loob.

"H-hon sobrang sakit na malapit nang lumabas ang anak natin bakit ang tagal mo?" Sabi ng asawa ni Jacob.

Lumapit si Jacob sa kanya at hinawakan ang kamay ng asawa nya.

"Don't worry andito na ang mga pinakamagaling na doctor" sabi nito at lumingon samin ni Austin.

Nag madali kaming mag suot ng hospital gown ni Austin at nag suot ng guantis.

Tumakbo ako palapit sa asawa ni Jacob.

"Okay ma'am pag bilang ko ng tatlo umire ka ha" bilin ko at tumango naman sya.

Ipinasok ko ang kamay ko para hawakan ang ulo ng baby.

"1.2.3. Ire" sabi ko

"Uhmmm"

"Kunti pa hon ire pa" sabi ni Jacob.

"Photek! Ang hirap kaya umire ikaw nalang kaya mag patuloy dito ha!"

"Sorry na hon. Ilabas mo na si baby."

"Ikaw nalang kaya lumabas" galit na galit na sabi ng asawa ni Jacob.

"Congrats. Its a boy" sabi ko nung lumabas ang bata.

Ini abot ko kila Jacob ang anak nila.

"Thank you." Pasalamat ni Jacob.Tumango ako sa kanya.

Napansin ko si Austin na nakatingin kila Jacob.

"Pag nag kaanak tayo anong gusto mo girl or boy?" Tanong ko sa kanya

"Wala akong pakialam kahit ano pa kasarian ng magiging baby natin ang importante ikaw ang magiging ina ng mga anak ko" napangiti ako sa sinabi nya. Kinikilig tuloy ako.

Napatingin ako sa baby.

"Kailangan muna syang ilagay sa incuvator para masiguradong ligtas sya" sabi ko.

"Ingatan mo ang baby ko ha" bilin ni Jacob. "Magiging ninang ka nyan" dagdag pa nito.

"Wag kang mag alala akong bahala sa anak mo diko to pababayaan. Future inaanak ko pala eh" sabi ko.

"Thank you Doc" nanghihinang sabi ng asawa nya. Tumango ako.

Naglakad na ako palabas at inilagay sa kwarto ng mga new born babies.

"Sana mag kaanak din ako ng kasing cute mo" bulong ko at ng masigurado kong okay na ang baby bumalik ako sa ER.

"Asan ba ang ibang nurse?" Tanong ko kay Austin.

"Nasa baba." Sagot nya.

"Bakit wala man lang tumulong dito?" Tanong ko.

" madaming ginagawa ang mga nurse kaya hindi nila alam na may pasyente" explain nya.

"Mabuti nalang at hindi naubusan ng dugo ang asawa ni Jacob. Asan na pala sila?" Tanong ko.

"Nilipat na sa isa sa mga kwarto" sagot nya. Napansin ko ang sugat sa gilid ng labi nya na nakuha nya siguro sa suntukan nila ni Jacob kanina.

Hinila ko sya papunta sa mga lagayan ng gamot.

"May balak ka bang gahasain ako?" Nakakalokang tanong nya pagka pasok na pagka pasok namin sa lagayan ng gamot.

Tinulak ko sya para maka upo sya sa swivel chair na andun.

Tinaasan ko sya ng kilay.

"Dyan ka lang kung ayaw mong dagdagan ko yang sugat mo sa mukha" banta ko napangisi naman sya.

Napa irap nalang ako at kumuha ng cold compress.

"Ohh ilagay mo sa mukha mo" sabi ko at iniabot sa kanya ang hawak kong cold compress.

Pero imbis na abutin nya hinawakan nya ang kamay ko at idinampi ang hawak kong cold compress sa labi nya. Napalunok ako. Bakit ba ang hot nyang tinignan naka titig sya sa akin.

"Ikaw nalang ang gumawa nito para sakin" sabi nya.

"Oo na bitawan mo lang ang kamay ko!" Inis na sabi ko at iniwas ang tingin ko sa kanya. Nakakainis kasi hindi ko malabanan ang kilig na nararamdaman ko sa kanya.

Napangisi sya at binitawan ang mga kamay ko.

Marahan kong dinadampi sa labi nya ang cold compress

"Masakit pa ba?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi na. Mas masakit pa yung ginawa mong pang iiwan sakin." Seryosong sabi nya.

Napadiin ang pag dampi ko.

"Ouch" daing nya inirapan ko sya.

"Ikaw nalang mag lagay nyan" inis na sabi ko at binitawan ang cold compress at lumabas ng kwarto.

Hanggang kailan ba sya makaka move on sa ginawa ko sa kanya? Hanggang kailan ba nya ipamumuka sakin ang pang iiwan ko sa kanya?

The Hottest Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon