ChapterSeventeen: Ordinary Song

9.6K 212 0
                                    

Austin's Pov

7 na ng gabi ng matapus ang feeding program namin.

Naglagay ng bonfire sa gilid ang mga katutubo at bumuo kami ng malaking bilog.

Naaninag ko si Faustina nakangiti ito habang nakatitig sa apoy.

Kinabahan ako kanina nung sumigaw sya at nung nakita kong lumuluha sya nag init ang ulo ko at sinuntok yung lalaking nang babastos sa kanya.

"Magandang gabi sa inyong lahat tayo'y nagtipon tipon dito upang mag karoon ng maliit na pag diriwang upang pasalamatan ang ating mga bisita" napatuon ang atensyon ko kay mang Lando na nasa gitna ng bilog.

"Kaya sa inyong aming mga panauhin tanggapin nyo ang aming pasasalamat." Sabi pa nito at tumayo ang ibang pang taga roon sa baryo. Narinig ko ang pagkalampag nila ng parang xylophone yung tunog pero hugis takip ng mga sorbetes ang itsura hindi ko alam kung anong tawag eh.

Sumayaw sila ng pang katutubong sayaw at isa isa nila kaming hinila at pinasabay sa sayaw nila.

Muka kaming tanga kasi hindi namin alam yung step pero okay lang ganto pala pakiramdam ng kasiyahan sa baryo.

Matapos ang ilang minutong pag sasayaw ay umupo ulit kami.

"Ngayon naman nais sana naming makita ang talento nyo at kung ano ang napapanahon ngayon maaari nyo ba kaming paunlakan?" Nakangiting sabi ni mang Lando. Nag palakpakan sila kaya no choice kami kundi pag bigyan sila.

Unang nagpakitang gilas si Franco na kumanta kahit sintunado.

"I guess ka careerin ko na ang pagkanta" natatawang bulong nya sa akin pagka upo nya.

Napailing na lang ako. Sumunod si Trina at Abigail na nagpatugtug ng Twerking like miley. Nakita kong sobrang tawa ng mga katutubo dahil sa ginagawa nila. Para kasi silang nakawala sa mental. Ngayon ko lang sila nakita sa gantong kalagayan at maging ako hindi ko mapigilan ang tawa.

"Masaya ba kayo?" Tanong ni Trina sa amin.

"Oo" sagot naming lahat.

"Buti naman pinahiya namin ang sarili namin eh" natatawang biro nito at umupo na sila.

"Ngayon naman nais naman naming makita ang talento ng magandang dilag na ito" sabi ni mang Lando at pinatayo si Faustina.

Nahihiyang tumayo sya sa gitna. Napansin kong tumingin sya sa paligid at lumapit sya dun sa isang lalaki na may hawak ng gitara at bumalik ito sa gitna.

"Ehem! Hindi ito kasing saya ng mga nauna pero sigurado naman kayong mag i enjoy kayo" sabi nito at nag umpisang mag strum ng gitara. Nakatitig sya sa akin habang tumutugtug.

I wanna make you smile
Whenever you sad
Carry around when your athritis is bad
All I wanna do is grow old with you...

Napangiti ako nung marinig ko ang kanta nya hindi maganda ang boses nya pero hindi din naman masakit sa tenga.

I get you medicine
When your tummy aches
Build you fire
When the furnice break
But it could so nice growing old with you....

Ang kantang yan ang una nyang natutunang tugtugin sa gitara. Alam ko yun kasi ako mismo ang nag turo sa kanya.

"Austin please turuan mo na ako" pag mamakaawa nya habang naka upo kami sa bleachers ng school gym namin.

The Hottest Doctor [COMPLETED]Where stories live. Discover now