Chapter One:Gossip

18.3K 330 3
                                    

Faustina's Pov

"Ito po ang gamot na kailangan para sa mabilis na pag papagaling ng asawa nyo po at makakalabas na kayo sa hospital" sabi ko sa pasyente ko at iniabot ang reseta.

"Salamat po Doctora" sabi nito. Tumango lang ako at lumabas na ng kwarto.

Hays salamat tapus nadin akong mag round sa lahat ng pasyente ko.

Tinignan ko ang relos ko. Ala una na pala ng hapon. Hindi pa ako nananghalian.

Dumeretso ako sa nurse station.

"Doc kamusta?" Tanong ni Suishi sa akin ang pinaka close kong nurse dito sa hospital.

"Okay lang masaya ako na madami ng gumaling sa mga pasyente ko" masayang sabi ko.

"Buti naman kung ganun doc. Tara kain na tayo" yaya nya sa akin.

"Tara gutom nadin ako eh" sabi ko sa kanya at dumiretso sa hospital canteen.

1year palang akong nagtratrabaho dito dahil pag ka graduate ko ay sa US muna ako unang nag trabaho ng dalawang taon.

Napag desisyunan ng lolo ko na dito nalang kami tumira for good.

"Doc alam mo na ba ang usap usapan sa buong hospital?" Excited na tanong ni Suishi pagka upong pagka upo namin.

"Umiral na naman pagka tsismosa mo. Ano ba yun?" Usisa ko sa kanya.

Natawa sya ng bahagya.
"Ako lang ba tsismosa ha?" Pang aasar nya.

"Kung ayaw mong ikwento edi wag" galit galitan kong sabi sa kanya.

"Hay naku Faustina siguradong mai excite ka dito" sabi nya. Close kami kaya tinatawag nya ako sa first name ko.

"Ehh ano ba yan?" Tanong ko.

"Kasi may Waaahhhh! Kinikilig ako!" Napatingin sa amin ang ibang tao dito sa canteen.
Napayuko nalang ako sa hiya at nag peace sign naman si Suishi.

"Umayos ka ng dyan Suishi ooperahan ko ngala ngala mo dyan" pabirong banta ko sa kanya.

"Sorry naman hindi ko lang mapigilan. Grabe ka kung di kita kilala at babantaan moko ng ganya iisiping kong murderer ka" sabi nya napa irap nalang ako.

"Imumurder talaga kita pag dimo pa nasabi yang sasabihin mo" sabi ko sa kanya.

"Ito na nga may bagong doctor kasi ang hospital ngayon at bukas daw sya mag uumpisang mag trabaho." Napakunot ang noo ko sa sinasabi nya.

"Ohh anong kinakikilig mo dyan?" Tanong ko sa kanya.

"Kasi balita ko gwapo at mayaman daw sya. Single at available. At take note may shares ang pamilya nila dito sa hospital" kinikilig na kwento ni Suishi.

"Mag tatayo tayo ng sariling hospital pag grumaduate tayo" masayang sabi ni Austin

"At magkasam tayong mag gagamot ng mga taong kailangan tayo" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Faustina Sevres nakikinig kaba sakin?" Biglang napatigil ako sa pag iisip ng nakaraan.

"Ano naman daw pangalan?" Tanong ko

"Ang gwapo ng pangalan. Sya si Doctor A---"

"Hi Faustina, hi Suishi pwede ba akong makisabay sa inyo?" Napalingon ako kay Nathalie ang pinaka best friend ko dito sa hospital bukod kay Suishi.

Alam nya ang tungkol sa past ko dahil madalas ko syang mapag kwentuhan pero never ko pang nabanggit sa kanya ang pangalan ni Austin. Pero kung iniisip nyong may feelings padin ako kay Austin nagkakamali kayo kasi naka move on na ako. Matagal nadin kasi yun.

"Nathalie. Upo kana dito" sabi ko at tinuro ang katabi kong upuan.

"Nakakagutom" sabi nito at nakangiti.

"Kamusta naman ang mga pasyente mo?" Tanong ko

"Okay lang kakatapus ko lang mag opera at as usual success na naman" sabi nya.

"Ang galing mo talaga Nathalie" sabi ni Suishi

"Suishi kailangan ng nurse sa room 30 bilisan mo dyan" tawag sa kanyan ng isang nurse.

"Panu ba yan mga doctora mukang kailangan ako hehe see you around" sabi nito at nag mamadaling umalis.

"Hays grabe nakakapagod" sabi ni Nathalie

"Ano bang sakit nung pasyente mo at napagod ka ng ganyan?" Nag aalalang tanong ko sa kanya

"Heart transplant" sabi nya. Kaya naman pala sa lahat ng operasyon isa ang pag oopera sa puso ang pinaka mahirap.

"Nga pala Faustina alam mo bang ang saya saya ko kasi may date ako mamaya" excited na sabi ni Nathalie.

"Lagi ka namang may date eh" sabi ko sa kanya.

"Eh ikaw kelan kaba makikipag date? Kala ko ba naka move on kana dun sa ex mo nung high school eh bakit hanggang ngayon ayaw mo padin makipag date?" Tanong nya. Bumuntong hininga ako.

"Wala kasi akong time" sagot ko sa kanya

"Naku sinasabi ko sayo wag kang mag focus dito sa hospital tatanda kang dalaga nyan. Sayang ganda te" panenermon nya.

"Hay naku ibalik natin ang usapan sa date mo. Kelan mo ba ako ipapakilala sa date mo? Isang buwan na kayong nag dedate di mo parin sya pinapakilala" naka pout na sabi ko.

Tumawa naman sya at kinurot ako sa pisngi.

"You will meet him soon. Grabe baka pag nakita mo sya gusto mo nadin syang idate" sabi nya with sparkling eye pa.

"Sira. Eh bakit pala hanggang date lang kayo? Hindi ba sya nanliligaw?" Tanong ko bumusangot naman ang mukha nya.

"Well nag paparamdam sya pero hindi pa naman nya ako tinatanong kung pwede ba nya akong ligawan. Ayuko naman mag expect" sabi nya

"Gaga. Ano yun date lang talaga?" Takang tanong ko tumango naman sya.

"Pag tinanong nya lang talaga ako kung pwede nya akong ligawan. Ayy sus sasagutin ko na sya kaagad" sabi nya na parang kinikilig. Napatawa nalang ako.

"Loka loka ka talaga! Pero sana tanungin kana nya" sabi ko sa kanya.

"Kaya gustong gusto kita eh ang supportive mo sa lovelife ko" sabi nya. Nginitian ko sya.

"Syempre friend kita at pag kaibigan ko susuportahan ko." Sabi ko sa kanya.

"Don't worry pag naging kami ikaw agad ang makaka alam" sabi nya

"Okay. Subukan nyang saktan ka tatanggalin ko bituka nun" oag bibiro ko na ikinatawa naman nya.

"Grabe naman di pa kami pero may death threat na kaagad sya" natatawang sabi ni Nathalie.

"Para alam na" sabi ko.

"Sana ikaw din mag ka love life ko na o di kaya mag kita kayo nung ex mo at magka balikan kayo. Ayhiee~" pang aasar nya at sinundot pa ang balakang ko

"Sira malabo na yata yun ako nga naka move on na sya pa kaya" sagot ko sa kanya. Nginitian nya ako ng makahulugan.

"You never can tell" sabi nya napa iling nalang ako.

Hindi ko na inaasahang mag kakabalikan kami. Masaya naman na siguro sya sa buhay nya.

At ipinag darasal ko na sana hindi na mag tagpo pa ang landas namin kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Nahihiya akong kaharapin sya. Wala akong mukang maihaharap sya pag nagka taong mag kita kami.

Sana hindi na kami mag kita dahil alam kong labis ko syang nasaktan.

The Hottest Doctor [COMPLETED]Where stories live. Discover now