Chapter Three: Her Date

12.4K 279 3
                                    

Faustina's Pov

Nag mamadali akong nag lakad nasa pasilyo ako ng hospital ng makasalubong ko si Nathalie

"Hoy babae anyare sayo? Bakit ganyan itsura mo saang gyera kaba sumabak?" Nakakunot ang noong tanong nya.

"Ugh! Nakakainis kala ko sasabog na ako kaba" sabi ko

Natawa sya sa sinabi ko.
"Mukang matindi nga yang gyerang pinang galingan mo may pasabog sabog pa eh" biro nya natawa naman ako.

"Pero seryoso anong nangyari?" Tanong nito.

"Nakita ko kasi yung ex ko" deretsong sagot ko. Nanlaki ang mata nya.

"Talaga? Kyaaah~ may chance na ang love life mo." Tuwang tuwa nyan sabi. "If ever your in my arms again ayhie~" kinikilig pa nyang kanta.

"Gaga! Tigilan mo nga ako" sabi ko. Bigla syang napatigil sa pang aasar sakin nung mapatingin sya sa likod ko at parang namula sya. Kaya naman napatingin din ako.

At nakita ko si Austin papalapit sa kinaroroonan namin. Sh*t tatakbo na ba ako?

"Hey!" Bati nya ng makalapit sa amin.

"What are you doing here?" Gulat na tanong ni Nathalie. Huh? Magka kilala ba sila?

"Im a new doctor here. Are you surprised?" Naka ngiting sagot nito kay Nathalie. Okay naguguluhan ako. Kilala pala ni Nathalie ang ex boyfriend ko?

"Yah totally surprised! Does it mean mag katrabaho na tayo?" Masayang sabi ni Nathalie. Yuhoo Im still here folks.

"Absolutely" sagot ni Austin at lumingon sya sa akin.

"Ahh I forgot Austin this is my bestfriend Faustina" pakilala nya at kumapit ito sa braso ni Austin. "And Faustina this is Austin yung kwinekwento ko sayong kadate ko." Abot tenga ang ngiti nya.

"HA?!" Hindi ko napigilan ang pagka gulat ko. Biglang kumunot ang noo nya.

"Bingi lang sabi ko sya yung kadate ko isang buwan na" sabi nya."kilala mo ba sya?" Tanong ni Nathalie.

Kilala ko? Oo naman argh.

"Yuhoo Faustina Sevres" hindi ko namalayang nanigas ako sa kinatatayuan ko.

"Ha?"

"Ano bang nangyayari sayo? Kilala mo ba sya?" Tanong ulit nya.

Tumango ako "Yah I mean kakakilala lang namin kanina sa confference room kanina" medyo nauutal kong sagot. Pakiramdam ko hindi na ako makahinga.

"Nice meeting you again Dr. Galves" sabi ko. Napangisi sya.

"Same here" sagot nya.

"Ah- I need to go na bye-" nauutal ako hindi ko alam kong bakit. Pag talikod ko sa kanila at tumama ako sa Muscle? Eh?! iniangat ko ang ulo ang nakita ko ang gwapong mukha ni Doc Keith.

"Uhm ~ sorry Doc" sabi ko.

"Okay lang" nakangiting sabi nito waah ang gwapo nya ngayon ko lang sya nakitang ngumiti.

"By the way guys after lunch punta ulit tayong conference room dahil may importanteng sasabihin si Dr. Park according to the changes of shift" sabi nito.

"Doctor Sevres yung pasyente mo po sa room 7" nagulantang ako sa pag tawag sakin ni Suishi.

"Anong nangyari?" Natatarantang tanong ko.

The Hottest Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon