ChapterFourteen:Allergy

10.4K 239 0
                                    

Faustina's Pov

"Wooh andito na tayo" tuwang tuwang sabi ni Trina pagka baba namin ng van.

After 8 hours nakarating na din kami sakit sa likod at pwet.

"Dika naman masaya nyan dok ha" sabi ko pag baba ko ng van.

"Trina nalang Faustina napaka formal mo masyado" sabi nito.

"Okay Trina" sabi ko may asawa na sya at may isang anak pero ayaw nyang patawag ng ate kasi bata pa daw sya.

"Austin alalayan mo naman ako pag baba nahihilo ako" nag iinarteng sabi ni Abi. Napa irap nalang ako. Sa buong biyahe namin nag iinarte sya.

"Austin pwede ba akong sumamdig sa balikat mo nangangawit na kasi ako eh" maarteng sabi nya hindi pa sumasagot si Austin sumandal na sya at nag tutulug tulugan.

Kumakain kami ng sandwich na pinadala sa akin ni mama kaya ishinare ko sa kanila. Painom na sana ako ng tubig kaya lang biglang nag preno yung van kaya nagulat ako ayun natapunan ko sya.

"OMG. My gosh anong ginawa mo? Eew ano ba to" ang oa na react nya kung close ko lang to nginudngod ko na to sa putik eh.

So ayun lang ang ilan sa kaartehan nya habang nasa biyahe. Madami pang nakakairita pero ayuko ng ikwento nakaka stress lang.

"Austin tulungan mo akong mag baba ng mga gamit natin dito" narinig kong tawag ni doc Franco.

"Sige po" sabi nito at lumapit kay Franco tumingin ako kay Abi inis na inis yung itsura. Tss buti nga sayo!

"Magandang hapon po sa inyo" bati ng isang matandang lalaki

"Magandang hapon din po sa inyo kami po ay mga doctor galing sa St. John at may medical mission po kami ayos lang po ba?" Magalang na sabi ni Trina. Ngumiti ng maluwag ang matanda. Kung tatantyahin ko siguro nasa 70 na sya.

"Mapalad po kaming naparito kayo. Ako nga pala ang pinuno sa baryong ito. Madaming mga mamayan sa aming tribo ang hindi alam kung anong karamdaman nila kaya sana'y matulungan nyo kami dahil salat na salat talaga kami sa medikal" magalang na sabi nito sa amin.

"Amin pong karangalan ang makatulong sa aming kapwa" sabi ko.

"Sige halina muna kayo at kumain muna kayo at magpahinga" sabi nito sumunod naman kami. Tinulungan ng ibang kalalakihan na kunin ang mga dala namin.

Nakaupo kami sa lamesang nasa ilalim ng puno. Napaka saya talaga minsan manirahan sa gantong kapreskong lugar.

"Paumanhin kung ito lamang ang maiihain namin" sabay lapag nila ng kanin, inihaw na tilapia at nilagang kamote.

"Eww whats...."

"Stop talking Abi" inis na sabi ni Franco sa kanya. Tinignan ko din sya ng masama pano katabi nya si Austin inunahan ako sa upuan.

Katapat ko si Austin katabi ko naman si Trina at si Fanco nasa gitna.

"Naku okay lang po masarap nga po ang mga ito eh" nakangiting sabi ni Trina.

"Ohh sya maiwan muna namin kayo ha kumain kayong mabuti aayusin lang namin ang inyong tutuluyan." Sabi ng kanilang pinuno at umalis na.

Pinag masdan ko ang kabuuan ng lugar. Parang isang compound sya liblib talaga dahil napaliligiran ng puno yung tipong nasa gitna kami ng gubat. Pero madami din namang kabahayan at sa tingin ko walang kuryente sa lugar na to.

The Hottest Doctor [COMPLETED]Where stories live. Discover now