ChapterTwentyOne: Their Story

9.3K 203 4
                                    

Nathalie's Pov

"Okay ka lang?" Tanong nya.

Nakatitig sya ng deretso sa mata ko. Nakaramdam ako ng kakaiba. Ngayon ko nalang ulit naramdaman ang pag tibok ng puso ko ng mabilis simula nung araw na yun.

Kinakabahan ako na parang ewan. Lumapit sya sa akin at sinusuri kung may sugat ba ako.

Napadako sya sa mukha ko at napa iling sya.

"Parang gusto ko pa syang suntukin kung hindi lang basag yung mukha nya dahil kay Austin eh" parang inis na sabi nya ewan ko kung sa akin o sa sarili nya.

"O-okay lang naman ako eh" sabi ko sa kanya. Nagulat ako nung bigla nya akong niyakap.

"Nag alala ako ng sobra sayo akala ko kung ano nang nangyari sayo" seryoso nyang sabi habang yakap ako.

"Bitawan mo nga ako" sabi ko sabay tulak sa kanya. Nakakainis kasi kanina pa ako parang sasabog sa ginagawa nya.

Bigla syang napa seryoso ng mukha yung tipong malapit nang mainis.

"Bakit ka ba ganyan sa akin pilit mo akong nilalayuan?" Parang may hinanakit na sabi nya.

Napa iwas ako ng tingin natatakot akong salubungin ang malulungkot nyang mata.

Nasa bar ako ngayon at nilulunod ang sarili ko sa alak. Medyo umiikot na ang paningin ko at kaunti nalang babagsak na ako.

Nakakainis kasi kahit anong gawin kong pag papaka lasing hindi na nya ako binalikan.

Ang mga sakit na iniwan nya 3 months ago heto sariwa pa din.

Tatayo na sana ako kaya lang biglang may nabangga ako at natapon sa kanya ang alak na dala ko.

Napatingin ako sa mukha nya napaka gwapo pero seryoso at inis syang nakatitig sa akin.

"Sorry" hinging paumanhin ko sa kanya. Kulay puti yung polo nya kaya nag mantsa ang strawberry flavored drink ko.

"Does your sorry can take away the stain of my polo?" Cold na tanong nya.

"Hindi ko sinasadya humarang ka kasi sa daan ko eh" iritang sabi ko ang sungit eh.

"Really? Pwede naman kasi umikot ng dahan dahan!" Bulyaw nya sa akin.

"Wag mo ng akong sigawan!" Bulyaw ko din.

"Wag mo akong utusan!" Inis na sabi nya.

"Argh! Dyan kana nga!" Sabi ko at nilampasan sya pero hinila nya ang braso ko at bigla nya akong hinalikan.

Well masarap sya humalik pero dahil naiinis ako tinulak ko sya at sinampal.

"How dare you to stole a kiss from me!" Sigaw ko sa kanya.

Sya parang nagulat sa ginawa ko nakatingin lang sya sa akin.

Argh! Problema nito nahihilo na ako. Gusto ko ng matulog.

Hahakbang na sana ako palayo kaya lang bigla akong nahilo and everything went black.

Iminulat ko ang mata ko. Napangiwi ako sa sakit ng ulo ko.

Inilibot ko ang paningin ko hindi pamilyar sa akin ang lugar.

Tinignan ko ang suot ko. Nagbago na ito naka suot na ako ng oversized shirt at pajama.

The Hottest Doctor [COMPLETED]Where stories live. Discover now