Si Miss Clumsy: Chapter 12 - Movie Marathon

Magsimula sa umpisa
                                    

Hmp! Iinterbyuhin nila si Lester. Kaya nagmadali na ako nagpalit.

Tinuruan din ako ni Alice kung paano magmake up kaya naglagay na ako ng light na blush at eyeshadow at lip gloss. Yun lang ang mga alam kong ilagay eh. Takot ako sa eyeliner. T_T

Lumabas na ako at nakita ko si Kuya Vincent at Lester na nag-uusap sa sala. Nagmemeryenda sila ng egg sandwich at orange juice. Wala si Kuya Kyle kasi may date sila ni Alice.

Nasa huling step na sana ako ng hagdanan nung parang lumiko yung heels ko. At yun nga… BOOG! Aray…

Tumakbo agad sila sa direksyon ko at tinulungan ako tumayo.

 

“Okay ka lang, Rin?” Nag-aalalang tanong ni Lester.

Tumango ako at namula sa hiya dahil nadapa na naman ako na meron siya.

Inalis ko yung sandals at sinubukan maglakad pero biglang sumabog ang sakit sa paa ko.

Napahikbi ako.

“Rin!” Sinabi nilang dalawa ng sabay.

“Sprain lang toh.” Sinabi ko sa kanila.

“Mukhang hindi na tayo mamasyal sa mall. Ipahinga mo na lang paa mo ha?” Sabi ni Lester.

Ang clumsy ko kasi! T_T

“Stay… Please? Manuod na lang tayo dito sa bahay kung okay lang sa’yo?”

Ngumiti siya. “Oo naman. Okay lang ba kuya Vincent kung mag-stay muna ako dito?”

Tsk. Meron pa rin si kuya.

“Oh sige okay lang. Alagaan mo yang baby namin ha? May pupuntahan pa kasi ako. Kung gutom kayo, maraming pagkain sa ref. Sasabihan ko na lang sila na magluto ng lunch niyo.”

Tinignan niya yung relo niya. “Punta na ako.

Yinakap niya ako at hinalikan sa noo.

Si Miss Clumsy: Tripping All Over His Heart [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon