Bet Your Heart ♡ Chapter 48

Start from the beginning
                                    

"Wala," sagot niya kahit parang mayroon naman talaga.

Nagkibit-balikat na lang ulit ako at hindi ko na pinansin ang mga tingin niya. Baka wala lang naman talaga iyon. Baka dahil lang sa hindi na talaga matutuloy ang kasal namin kaya siya nagkakaganyan.

"Let's go," aya niya at tumayo na siya. "You owe me a date."

Napapangiting tumayo na rin ako. Kahit limang date pa ang kapalit ng ginawa niya ngayon, okay lang!

Lumabas kami ng bahay na magkahawak ang kamay. We didn't even bother na magpaalam kahit man lang sa mga kasambahay namin. Nawala na sa isip namin.

Naglakad-lakad kami sa loob ng villa. Tahimik lang kami pareho pero napapangiti ako. Parang baliw lang. Hawak lang naman niya ang kamay ko pero kinikilig ako na parang ewan. Bakit ba ganito? Ano'ng nakakakilig sa paglalakad na magkahawak ang kamay? And this is what he calls 'date'! Napaka cheap pero kinikilig ako. Inuulit ko, kinikilig ako!

Shocks! Hindi talaga ako informed na ganito pala ma-in love!

Napigil ako sa paghakbang nang bigla na lang huminto sa paglalakad si Mark. "H'wag tayo d'yan," sabi niya and he turned to the other way.

Napa-turn din naman ako sa kabilang way dahil nga hawak niya ang kamay ko.

Ano'ng mayroon sa kabilang daan? Hindi ko napigilang tingnan kung ano ba ang nasa kabilang way at ayaw niyang dumaan doon.

"H'wag ka nang lumingon," pigil niya pa sa akin pero nakalingon na ako.

I saw Ejhay! He's with a little girl na ngayon ko lang nakita. Mga ten or twelve years old yata iyon. Magkahawig sila ni Ejhay. Iyon kaya ang little sister niya? She's so cute, really!

Gusto ko sanang hilain pabalik si Mark kaso iyon nga yata ang dahilan kung bakit niya ako hinila na lang bigla. Iniiwas niya ako kay Ejhay!

Nadagdagan pa ang kilig ko dahil nakita ko siya. Oo, may boyfriend na ako at kasama ko siya ngayon pero hindi naman siguro masamang magkaroon ng ultimate crush kapag may mahal ka na, 'di ba?

"Sinabi ng h'wag nang lumingon, eh," sabi niya at inakbayan niya na ako para mapaharap ako sa unahan namin.

"Sus! Nakita mo lang si Ejhay, eh," tukso ko sa kanya na may kasama pang pagsiko sa tagiliran niya.

Tumingin siya sa akin ng masama. "Puwede bang h'wag mong sirain araw ko ng dahil sa lalaking 'yon?" halata ang pagkainis na sabi niya.

"Bakit? Nagseselos ka?" tanong ko na may halong pang-aasar pa rin.

Inirapan niya ako. "Tinatanong pa ba 'yan?"

Napangiti ako lalo sa pagseselos niya. Ewan ko kung bakit natutuwa ako ngayon sa inaasal niya, when in fact, I don't like possessive guys. Pakiramdam ko kasi, palaging may limit ako sa lahat ng gagawin ko. Pero ngayon kay Mark... hay... bumabaliktad nga talaga ang mundo kapag na-in love ka na.

"Tsaka, puwede ba? Tigil-tigilan mo 'yong mga ganoong titig sa kanya? Baka mabugbog ko siya ng wala sa oras!" iritableng dagdag niya pa.

"Ay, sorry naman! Hindi na nga ako tititig sa kanya, eh! Promise!" Then I raised my right hand.

Pero imbis na kumalma na siya ay parang lalo lang siyang nainis sa sinabi ko.

"So, now, you're protecting him from me?!" he accused.

Obvious ba masyado na ayaw kong masaktan si Ejhay?

"Of course not!" mariin kong tanggi. Siyempre, hindi ako aamin. Sino bang kriminal ang umamin sa kasalanang ginawa niya? Definitely, not me. Hahaha!

♡ Playing Love Games ♡Where stories live. Discover now