Napairap ako. Nilibang ko na lang ang atensyon ko sa mga taong naglalaro dito sa arcade.

"Thank you." sabi pa ni Ezekiel.

"You're welcome, sir."

"You're welcome, sir." ginaya ko ang boses nung girl pero pabulong.

Tss. Kaimbyerna!

"Tara na? Anong gusto mong laruin?" tanong niya saken pero hindi ko siya pinansin. "Shane, are you okay?" hinawakan niya ang kamay ko pero binawi ko yon. "What's wrong? Are you mad at me? What did I do?"

"Ewan ko sayo!" singhal ko sabay walk-out. Bwisit, pati sarili ko hindi ko rin alam kung bakit ako galit sa kanya eh. Don ako sa malanding babae na yon galit, pero bakit nadadamay siya sa galit ko?

Natigil ako sa paglalakad nang may yumakap saken mula sa likod.

"Don't move.." bulong niya sa tenga ko.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako! Nakakahiya sa mga tao!" sinubukan kong magpumiglas.

"Huwag kang malikot kundi makikita nila ang tagos mo."

Natigilan ako. "A-ano?"

"May tagos ka sa likod ng pants mo. Kapag binitawan kita makikita nila yan."

May tagos..ako?! Oh my gosh! Bwisit, nakakahiya! Bakit hindi ko man lang alam na may dalaw ako? Kainis na menstruation 'to! Hindi man lang ako binigyan ng signal, basta basta na lang susulpot!

"Here." biglang hinubad ni Ezekiel ang polo niya at tinali yon sa beywang ko para matakpan ang tagos sa likod ko.

"Let's go." he whispered at hinila ang kamay ko.

Pakiramdam ko lahat ng tao dito sa mall nakatingin saken. Kasi naman eh! Nakakahiya talaga!

Sinuksok ko ang ulo ko sa may likod niya para matakpan ang namumula kong mukha dahil sa kahihiyan.

Narinig ko siyang tumawa. Aba loko 'to! Pagtawanan ba naman ako! Kinurot ko ang tagiliran niya.

"Ow!" daing niya pero parang wa epek sa kanya ang kurot ko kasi patuloy lang siya sa pagtawa. Nag-eenjoy ang loko!

Pumunta kaming dalawa sa women's cr. Pumasok ako at nagulat ako ng sumama siya saken sa loob.

"Hoy, anong ginagawa mo dito? Lumabas ka! Bastos 'to!" sigaw ko sakanya. "Hindi mo ba nakikita ang sign sa labas?" pinandilatan ko siya ng mga mata.

"Nakita ko. Pero wala namang ibang tao dito." lumapit siya saken at pinapasok ako sa isang bakanteng cubicle. "Magpalit ka na. Dito lang  ako."

"Umalis ka nga! Kaya ko namang magpalit eh!" sigaw ko sa loob ng cubicle.

"May dala ka bang pad?"

Pad...PAD??? Oh bwisit! Oo nga pala, wala akong dalang pad! Aish! Bakit ba ang malas ng araw ko?! Kainis! Kainis! KAINIS!

May narinig akong tunog mula sa labas. Anong ginagawa niya? Shoot! Pano kung may biglang pumasok sa loob tapos nakita siyang nandito sa cr ng mga girls! Oh jusko! Waaaaa! Nakakahiya!

"I'm going to throw the pad and wipes to you so you better catch it." sabi niya.

"Ano?" nagulat ako nang may lumipad na napkin at wipes mula sa itaas. Buti na lang at nasalo ko ang mga yon.

"Use it. Buti na lang may Vendo Machine dito sa loob." narinig kong sabi niya.

Napatingin ako sa napkin at wipes na hawak ko. Siya ba ang bumili nito? Para saken?

"Give me your pants." sabi niya.

"Ano?! Bakit anong gagawin mo?"

"Basta akin na ang pantalon mo. Pati na din underwear mo."

Love You Like CrazyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin