Bet Your Heart ♡ Chapter 47

Start from the beginning
                                    

Pero puwede ko pa naman sigurong ituloy ngayon ang naudlot na paghalik ko sa kanya. Kahit isa lang... or puwede ding dalawahin na para sa interest.

I moved closer to her and as I touched her lips with mine, I closed my eyes. It was only supposed to be a smack, but my lips just moved on its own, then I felt her lips moved too. Sa kabila ng pagkagulat ay hindi ko nagawang lumayo, sa halip ay mas pinalalim ko pa ang halik.

It was a slow kiss and as passionate as the kiss we shared in her room, but her response felt different. I could feel something on it that I didn't felt before. And it is something I cannot explain.

When we finally let go of each other's lips, we are both gasping for air. We stared to each other, the next moment. Then her eye looked down on my lips.

Damn! I silently cursed. Why does she look at me like she wants more?

Bago pa man ako makapag-isip ng matino at makalayo sa kanya ay hinila niya na ulit ako sa batok at naglapat ulit ang mga labi namin.

Napamura na lang ulit ako sa isip. Kailan pa siya naging ganito ka-aggressive? At bakit nagrereklamo ka pa, Mark? 'Di ba nga, sabi mo dalawang beses mo siyang hahalikan para sa interest? Siya na mismo ang nagbabayad ng interest!

At katulad nga ng inuutos ng isip ko, hindi ko ulit tinanggihan ang interest ko. How can I, if the one who's kissing me is the girl I love for a long, long time?

I let her lead the kiss since she was the one who initiated it and I am just responding to what she is doing. Then I found myself smiling between our kisses. She's a very amateur kisser, but still, I'm enjoying it.

She pushed my chest softly after some more seconds. Nakangiting tinitigan ko ulit siya at nakita ko kung gaano namumula ang mukha niya at ang pagkagat niya sa ibabang labi niya. Nang salubungin niya ang tingin ko ay parang napapahiyang nag-iwas siya ng tingin at tinalikuran niya ako.

Napangiti ako lalo. "Babe..." I tugged her shoulder.

Pero imbis na humarap siya at nagtalukbong pa siya ng kumot. Hindi ko na napigilan ang matawa. Nakakatawa na hindi siya nahiyang mag-initiate ng halik kanina pero ngayon, hiyang-hiya siya sa ginawa niya.

Parang hindi niya naman naririnig ang malakas kong pagtawa kaya lumusot din ako sa ilalim ng kumot. Nakatalikod siya sa puwesto ko, so I hugged her from the back.

"I hate you," narinig kong sabi niya. "You're making me do the things I don't want to do."

Natawa ulit ako dahil sa sinabi niya pero hindi katulad ng pagtawa ko kanina. I just laughed softly and brushed my face into her hair.

"I love you," I whispered to her ears. Napasinghap siya sa ginawa ko.

I know now why her kisses felt different this time.

"Babe..." Pinilit ko siyang paharapin sa akin pero nagmamatigas pa rin siya.

"Ano ba?" She shrugged my hand off her shoulder. "H'wag mo nga akong hawakan."

Niyakap ko na lang ulit siya ng mahigpit para hindi siya lumayo sa akin.

I promise that I will never let her go. Lalo na ngayong nararamdaman kong mahal na rin niya ako.

Hindi na siya pumalag o nagreklamo pa sa pagyakap ko sa kanya. Wala na rin kaming imikan. It's like, we're just feeling the moment... this moment that we share together.

I felt happy and contented even we are not talking, even we're just doing nothing. Just being with her like this is more than enough.

Maya-maya ay kusa siyang pumihit paharap sa akin at niyakap niya rin ako. Hindi na lang ako nagsalita at ngumiti na lang. Baka kasi mahiya na naman siya kung aasarin ko.

♡ Playing Love Games ♡Where stories live. Discover now