Si Miss Clumsy: Chapter 11 - Luke's New Car

Start from the beginning
                                    

“Ah, sige. Sabihin ko na lang na diyan tayo pag lunch.”

 

 

“Sige, salamat pre.”

Kokonti mga studyante dito at puro lalake. May mga nagyoyosi sa labas pero hindi ako ganun. Wala akong bisyo. Inom lang minsan.

Tapos may nakita akong pumasok na babae. Maganda din, sexy, maputi, chinita. Lumapit siya sa isang nakaupo na nakayakap sa isang babae.

“Drew?” Sinabi nung babae.

Lumingon yung lalake na ang pangalan ay Drew. Nagulat siya at inalis ang yakap sa kasama.

Pak! Sinampal nung babae si Drew. Dapat lang sa kanya.

“Michelle. Let me explain.”

Tsk. Lagi namang ganyan eh kapag nahuli eh. Let me explain o kaya hayaan mo muna akong magpaliwanag.

Ang bitter ko. Lecheeee.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi lumapit.

Aalis na sana si Michelle pero hinawakan ni Drew ang kamay niya.

“Bitiwan mo ako!” Sigaw ni Michelle.

“Hindi! Mag-uusap tayo!”

Pak! Sinampal uli si Drew.

“Ang kapal ng mukha mo! Akala mo siguro hindi ko malalaman noh! Masyado ng matagal ang pagpapakatanga ko pagdating sa’yo! Ayoko ng magbulag-bulagan. Let me go!”

Nakita kong nasasaktan si Michelle sa pagkakahawak sa kanya. Nahihirapan na akong tignan sila kaya lumapit na ako.

“Pre.” Ipinatong ko kamay ko sa balikat niya. “Bitiwan mo siya.”

“Wag kang makialam dito Buenaventura!”

 

Kilala niya ako? Iba na talaga ang sikat! Oops, teka. May ililigtas pa ako.

Si Miss Clumsy: Tripping All Over His Heart [Complete]Where stories live. Discover now