Chapter Twenty - recovery

3.8K 139 9
                                    

*Maine's  POV

It's been a month since the accident. Isang buwan na rin kaming naghihintay na mag kamalay si Richard. Halos magaling na ang mga natamo nyang mga sugat sa katawan at mukha pero ang puso ko ay araw-araw na nadudurog sa tuwing pagmamasdan ko ang asawa ko. Ngunit hindi pa rin ako nawawalan ng pag asa na magigising si Richard at babalik na sa dati ang pamilya namin. Sabi naman ng mga doktor na lumalaban si Richard, kailangan lang talaga naming magdasal at maghintay.

Sa ngayon ongoing ang kaso ni Miggy. Yes nahuli na sya sa tulong ni Patricia. Malakas ang mga ebidensya laban kay Miggy kaya sigurado ang kampo namin na mabibigyan ng hustisya ang nangyaring aksidente sa asawa ko.

" Mahal kamusta ka na? Miss na miss ka na ng mga bata. Miss na miss na kita. Okay na ang lahat mahal, nalinis na ni Patricia ang mga nangyari dati. Dapat pala noong una pa lang naniniwala na ako na hindi mo magagawa sa akin na pagtaksilan mo ako, sorry for that. Sorry rin mahal sa mga masasakit na salitang nasabi ko sayo noon. Sorry sa lahat lahat mahal."  marahan kong ginagap ang palad nya bago isa isa na namang tumulo ang mga luha ko.

" Mahal, please bumalik ka na. Gusto mo pang makita sina Siegfried na nag aaral diba? Next year na yun. Tapos gusto mo ikaw ang magsasabit ng mga medals nila pag graduation nila diba? Tapos mag kakatrabaho ang mga anak natin, magkakaroon ng sariling pamilya, gusto mo ngang ikaw ang mag iisip ng pangalan ng mga magiging apo natin. K-kung naririnig mo ako mahal please pisilin mo ang kamay ko"  wala pa ring tigil sa pag agos ang mga luha ko. Naghintay ako kung gagawin ni Richard ang sinabi ko pero wala syang response. Lalo akong napaiyak  at hinigit ko ang kamay nya papunta sa labi ko.

" I love you Richard. Hinding hindi ako mag sasawang hintayin ang pagbabalik mo."  muli kong ibinalik ang kamay nya sa gilid ng kama bago tumayo. Hinalikan ko sya sa noo bago muling nagsalita. "Magsi cr lang ako mahal."  paalam ko.

Nandito naman si Dean at Riza kaya may titingin kay Richard. Tatalikod na sana ako ng mapansin kong kumikibot ang labi ni Richard. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang gumagalaw na rin ang mga talukap ng mata ni Richard, sinundan pa ng pag galaw ng mga daliri nya sa kamay.

" Oh my God! Richard??!!"  hinimas ko ang magkabila nyang pisngi.

Dahan dahang dumilat ang mga mata nya at parang nasilaw sa paligid.

" M-maine, m-mahal i-ikaw ba y-yan?"  halos paos ang boses nito habang putol-putol ang pagsasalita.

"Yes mahal ako 'to."

"Mahal, nauuhaw ako. P-parang tuyong tuyo ang lalmunan ko."

" Oh God, wait mahal." agad akong lumapit sa side table at ikinuha sya ng tubig. Agad ko itong inabot kay Richard. "Dean! Riza! Pakitawag ang doktor at nurse gising na ang kuya nyo!"  sigaw ko habang inaalalayan si Richard sa pag inom.

Mabilis na lumabas sina Riza at agad na bumalik kasama ang doktor at nurse. Agad nilang tinignan ang lagay ni Richard pati na rin ang vital signs nito.

"Riza, Dean pakitawagan naman si Daddy at sina Nanay pakisabi gising na ang kuya nyo."

"Yes Ate." sabay na sagot ng dalawa.

Makalipas ang ilang minuto, lumabas na ang doktor at nurse. Ipapatawag na lang daw nila ako mamaya para sa resulta ng check up nila kay Richard. Kailangan daw kasi malaman kung hindi naapektuhan ang memorya ng asawa ko kaya pag aaralan daw muna nila.

Mabilis akong lumapit kay Richard at kinulong sa palad ko ang mukha nya.

" Mahal kamusta ang pakiramdam mo? Wala bang masakit sayo? Yung ulo mo, hindi ba kumikirot? Hindi ka ba nahihilo? O kaya nagugutom? Gusto mo bang kumain?"

Betrayal (AlDub) CompletedWhere stories live. Discover now