Chapter Twelve - agreement

3K 138 8
                                    

*Maine's POV

I know na mali ang ginawa kong pag alis sa bahay namin but sa ngayon, iyon lamang ang alam kong paraan para makaiwas muna kay Richard. Mas lalo lamang kaming masasaktan ng mga salita namin sa isa't-isa kung hindi muna ako lalayo.

Sa ngayon nandito ako sa bahay nina Nanay sa Bulacan. Nandito rin ang mga bata. Napilitan na rin akong sabihin sa mga magulang ko ang mga nangyari kanina, no choice na kasi. Sabi ni Tatay dapat daw pinag usapan muna namin ang lahat bago ako umalis. Hindi na ako nangatwiran, alam kong may mali rin ako.

Nagkulong ako sa kwarto ko, dinalhan ako ni Nanay ng pagkain kanina pero hindi ko man lang nagalaw. Ang daming gumugulo sa isip ko kaya wala akong ganang kumain. Ang mga bata nasa baba at naghahapunan, kasama sina Nanay, Tatay at Dean.

Gusto ko nang matulog para kahit papaano malimutan ko kahit saglit lang ang mga problema, pero ayaw talaga nila akong layuan. Napabalikwas ako ng may kumatok sa pinto.

" Ate Meng,"

Tumayo ako at pinagbuksan si Dean ng pinto.

"Bakit Dean?"

"A-ate Meng nasa baba si Kuya Richard."  atubiling sumagot si Dean.

Napabuntong hininga ako, alam na alam talaga ni Richard kung saan ako hahanapin.

" Sabihin mo Dean tulog na ako, o kahit anong alibi basta huwag ko lang muna syang makausap ngayon."

"P-pero Ate Meng sabi ni Tatay mag-usap daw kayo ng maayos. Saka nakiusap si Kuya kanina kay Tatay, umiiyak nga eh.".

Mangiyak-ngiyak na napasabunot ako sa buhok ko.

" Alam ba ng mga bata?"

"Hindi Ate, nasa dining room kami nung kumatok si Kuya. Nakiusap si Kuya Richard na kung pwede huwag na lang sabihin sa mga bata na nandito sya baka humabol pa daw sa kanya kapag umalis sya."

Tumango ako.

" Susunod na ako Dean."

"Are you sure?"

"Yes, salamat Dean."

" Okay Ate Meng, baba na ako."

Nang makababa si Dean, nagpunta muna ako sa cr. I looked like hell sa itsura ko. Naghilamos ako at nagtali ng buhok. Mayamaya pa, bumaba na ako.

Parang nilamukos ang puso ko sa nakitang itsura ng asawa ko. Nakaupo ito sa bench sa garden, nakayuko ito habang sapo ng mga palad ang mukha. Ganoon pa rin ang damit nito simula nang mag away kami kaninang umaga. I bet tulad ko, wala pa rin syang matinong kinain ngayong araw.

Gustong-gusto ko na syang yakapin pero muli kong naalala ang mga pictures kaya pinigilan ko ang sarili ko.

Isang malalim na buntong-hininga muna ang hinugot ko bago ako lumapit. Marahan akong umupo sa tabi nya na ikinabalikwas ni Richard.

"M-mahal.."  walang salitang niyakap nya ako, mas mahigpit kaysa sa yakap nya kaninang umaga. Naramdaman ko ang pag alog ng balikat nya habang umiiyak, but I didn't hugged him back.

" Mahal, please pag usapan na natin ito ng maayos."  bumitaw sya sa pag kakayakap sa akin habang pinupunasan ang magkabila kong pisngi. " Nagtanong na ako sa mga kasamahan ko kagabi pero wala din daw silang alam, dahil mas nauna silang umalis. Si Miggy rin pinuntahan ko kanina and I asked him about Patricia hindi nya daw alam kung nasaan ang girlfriend nya. Si Patricia lang ang may alam ng mga pangyayari.".

" You lied, Richard. Unang- una pa lang, sana sinabi mo na may kasama kayong babae."

" Hindi ko alam na isasama sya ni Miggy, mahal. Saka ang alam namin girlfriend sya ni Miggy kaya kampante ako.

" Hindi ko alam kyng maniniwala ako Richard. Ang hirap kasing i- justify na hindi totoo ang mga pictures, ano yun edited?"  muli ay napabuntong hininga ako.

Marahas nitong sinuklay ng mga daliri ang buhok.

"Hindi ko na alam kung paano pa ipapaliwanag sayo ang lahat  Maine dahil ako mismo maraming mga tanong. Gulong- gulo na ako."

Tahimik lang ako habang nakatingin sa kanya.

" Mahal, anong plano mo?"  pukaw nya sa pananahimik ko. Nagtama ang aming mga mata at muli kong nakita ang kalituhan sa mukha nya.

" R-richard , gusto ko muna sanang dito muna kami mag stay ng mga bata."

"Pero mahal-"

" I hope you understand where I'm coming, Richard. It's not easy. You know how much I love you and it's hurting me a lot. But for now, please respect my decision."

Wari ay pinagbagsakan ito ng buong mundo sa narinig. Muli nitong sinalo ang mukha nito ay umiyak.

" Mahal, I respect your decision. But please,tell me that I'm not gonna loose you. Please promise me na after kong maayos ang lahat ng ito, magiging okay na tayo, please."

" Yes, basta malaman mo kung ano talagang nangyari sa pagitan nyo ng babaing yun."

"Yes, I will."

"Hindi na muna kita maihaharap sa mga bata, hindi pa ako nakakaisip ng dahilan kung bakit kami umalis sa bahay. Ayokong pumangit ang tingin nila sayo."

" Naiintindihan ko, pero pwede bang bumalik ako bukas?"

Tumango ako.

Muli ay niyakap nya ako marahang nyang idinampi ang labi nya sa labi ko, nalasahan ko pa ang alat ng nga luha nya.

" Sana lagi mong isipin na hinding-hindi ko magagawa na pagtaksilan ka. Mahal na mahal kita, Maine. And I'm sorry kung nasasaktan ka dahil sa akin pero pangako babalik ako at aayusin ko ang lahat ng ito."  tumayo na ito at dire-diretso nang naglakad papunta sa kotse nya. Naiwan ako at umaasang bangungot lang ang lahat.

-Chapter 12 mga bes! Salamat sa suporta mga bessy! Mahal ko kayo kahit na hindi ko kilala ang karamihan sa inyo. Salamat sa vote, read at comments!

- Medyo sabaw na update ba? Kapit lang dahil ang mga next na chapter ay nakakakaba. Beware....

- tweet me up @iamlhudy87 and kindly follow our fc @MaiDenNeyshen for more GV!! Grazie molto mga bes.

Betrayal (AlDub) CompletedWhere stories live. Discover now