Chapter Seven- party

3.4K 124 3
                                    

* Maine's POV

Nagpatuloy ang maayos na pagsasama namin ni Richard. Araw-araw ay umaapaw sa pagmamahalan ang aming tahanan. Tahanan na pinupuno ng halakhak ng mga bata.

Mas lalo ko ring minahal ang asawa ko sa paglipas ng mga araw. Despite ng pag-aasikaso nya sa negosyo, he still finds time para maging mabuting ama at asawa sa amin. Indeed we are a picture of a happy and perfect family.

I looked at him while fixing his necktie, papasok na kasi sya sa work.

" Ahhhmm mahal.. magpapa alam sana ako."  he said.

"What it is, mahal?"  tanong ko.

" Birthday kasi ni Pareng Jerald, remember him? Branch manager ng Makati branch natin? Ini invite nya kasi ako to celebrate with them."

"Then go mahal. Matagal ka na ring hindi lumalabas kasama ang mga kaibigan mo, palagi mo na lang silang dinedecline. Okay lang na sumama ka sa kanila mamaya, mag-enjoy ka."

" Nag-eenjoy naman ako sa pagiging family man mahal kaso nahiya na lang talaga akong tanggihan si Jerald."

" Kaya nga mahal, pinapayagan na kita. Don't worry, world's greatest husband ka pa rin kahit na sumama sa kanila mamaya."  inayos ko ang kwelyo nya bago ko halikan ang ilong nya.

"You sure, mahal?"

" Oo nga, ang kulit mo."

"Okay mahal, don't worry puro kami lalaki mamaya. Saka i-uupdate kita from time to time, alright?"

" Okay mahal. Mag-iingat ka ha. Huwag kang magda-drive pag hindi mo na kaya, magpahinga ka kahit saglit."

" Yes mahal. So paano, aalis na ako? Tulog pa ang mga bata?"

"Tulog pa sila, mahal."

" Okay, ikikiss ko na lang sila."  inakbayan nya ako papunta sa kwarto ng mga bata. Isa isa nyang hinalikan ang kambal bago kami nagtungo sa garahe. Bago sumakay ng kotse, humarap sya sa akin and pulled me closer to kiss me.

" I love you, Maine."

"I love you more, Richard. Mag-iingat ka."  I gently caressed his cheeks.

"For you mahal. Mag-iingat din kayo dito ha."

"Yes mahal ko."

Nang makaalis si Richard, agad na akong pumasok ng bahay para tignan ang mga bata.

--------------

*Richard's POV

Nandito na kami sa venue ng birthday ni Jerald . Tulad ng paalam ko kay Maine, puro talaga kami lalaki. Bale lima kami dito sa music bar, si Miggy na manager ng Quezon City branch hahabol na lang daw at may dadaanan pa.

Kanina, bago kami pumasok dito, tinawagan ko muna si Maine at inalam ang lagay nila. Okay naman daw sila at kasalukuyang pinapatulog ang mga bata. Sinabi ko rin na nakarating na kami dito sa venue. Binilin ko rin sa kanya na huwag na akong hintayin kung inaantok na sya dahil may sarili naman akong susi.

------------

Ngayon ay nasa kalagitnaan na kami ng kasiyahan. Nasa pangalawang bucket na kami pero alalay lang ako sa alak dahil mababa lang ang alcohol tolerance ko. Maya-maya pa, dumating na si Miggy kasama si Patricia. I heard na mag boyfriend daw ang dalawa. Sa akin bilang superior nila ay okay lang na magkaroon sila ng relasyon as long as hindi naapektuhan ang trabaho. Magkasama kasi si Miggy at si Patricia sa QC branch, supervisor doon si Patricia.

"Mga brod ,pasensya na at medyo nalate ako, may dinaanan pa kasi kami."  paliwanag nito bago tumingin sa akin. " Boss Richard, good to see you here."

" Nahiya na akong tumanggi kay Jerald eh, upo na kayo. Patricia come, join us."

"Thank you Sir Richard. Pasensya na nasira ko ata ang boys night out nyo dahil sa pagsama ko."

" No, it's okay. We understand."

Naupo na sila sa mga bakanteng upuan sa paligid ng table namin at nagpatuloy na kami sa kasiyahan. Napuno ng ingay ang vip room namin dahil sa pagvi videoke. Makalipas ang ilang minuto, nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan.

" Ahh guys, cr lang ako ha."

" Sige lang brod."  sagot ni Jerald.

Habang nasa cr, tinignan ko ang cellphone ko kung nag text si Maine. Nagtext pala sya kaninang 11:00 pm at nag paalam na matutulog na. Nireplayan ko sya at sinabing pauwi na rin kami mayamaya. Makalipas ang ilang minuto at hindi sya nag reply kaya bumalik na ako sa table namin.

Ipinagpatuloy namin ang kwentuhan at kantahan. Nang maubos namin ang last bucket, nag decide kaming umuwi na. Ayoko rin namang magbabad masyado at baka mag- alala na si Maine.

----------

Nasa parking lot na kami at nagpapa alam na sa isa't-isa. Nang makapasok na ako ng kotse, bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Nakakapagtaka dahil hindi naman ako lasing. Napahawak ako sa ulo ko dahil parang pinupukpok sa sobrang sakit. I'll try to rest for a while kaya sumandal ako sa headrest. Pero imbes na gumaan ang pakiramdam ko, parang lalong lumala dahil nakakaramdam na ako ng numbness  na wari ay umaakyat sa katawan ko. Bago ako panawan ng ulirat, narinig ko ang boses ng isang babae at lalaki.

-Ayan mga bes, tama na muna ang harot. Dahil hindi naman pwedeng puro sarap lang ang totoong buhay may asawa. May mga trials na susubok sa relasyon nila. Ito na kaya ang pagsubok na iyon? Abangan! Bukas ang update mga bes.

- Anyways happy #ALDUB66thWeeksary!!!! Kapit lang mga bes ha...

- tweet me up @iamlhudy87 and kindly follow @MaiDenNeyshen for more GV on your feeds. Grazie!

Betrayal (AlDub) CompletedWhere stories live. Discover now