Chapter Sixteen-darkness

2.8K 124 8
                                    

- Another short update.

* Richard's POV

Excited na akong umuwi, ngayon kasi ang sixth year anniversary ng kasal namin ni Maine. Nagdecide kaming sa bahay na lang mag dinner at magluluto daw sya ng something special for tonight. Hindi nga dapat ako papasok kaso kanina may emergency sa Makati branch kaya kinailangan kong puntahan.

Almost a week na simula ng bumalik sa bahay ang mga anak ko at si Maine. Hindi pa okay ang lahat pero inassure ko naman si Maine na ginagawa ko ang lahat para mahanap si Patricia. Si Miggy naman, after ng incident sa Bulacan hindi na ulit nagpakita sa restaurant. Huling balita ko sa kanya ay mag aabroad na lang daw sya.

Tinignan ko ang bouquet of flowers na nasa passenger's seat. Napangiti ako. Iyon ang regalo ko kay Maine para sa anniversary namin. Plus a well- deserved vacation sa Maldives. Off-course its a surprise. I'm sure na aayawan ni Maine yun dahil malaking gastos lang, but very memorable kasi sa amin ang Maldives doon kasi kami nag honeymoon. Kaya okay lang, everything for the happiness  my wife.
Saka 1 week lang naman. Kinausap ko na sina Tatay, pumayag naman sila na sa kanila muna ang kambal. Tutal naman daw ngayon lang kami mangingibang bansa after naming magkaroon ng mga anak.

Malapit na ako sa bahay. Nasa major road na ako at isang liko na lang at makakarating na ako sa bahay. Holiday ngayon kaya maluwang ang daan.

Nag menor ako dahil sa red light, pero laking gulat ko ng hindi kumagat ang preno.

"Shit!"  sinubukan ko ulit tapakan ang preno pero ayaw talaga. Natatarantang tumingin ako sa paligid para maghanap ng poste at doon ibangga ang kotse ko. Pero huli na dahil nasa gitna na ako ng intersection. Nanlaki ang mata ko ng makita ang isang eight wheeler truck na  dire-diretso sa kotse ko.

Napapikit na lang ako nang mariin ng marinig ko ang salpukan ng mga bakal at ang pagkabasag ng mga salamin sa paligid.

" Oh God, kayo na po ang bahala sa akin. If its your will, I will surrender my life in You. But please, paki ingatan po ang pamilya ko. Please let them know how much I love them." nasilaw ako sa liwanag na sinundan ng isang nakakabinging katahimikan.

------––-----------------------------------------------–------------------------------------------------
                             The End.










- Joke lang kasi mga bes..Pinapagaan ko lang ang feelings nyo, alam ko medyo mabigat ang chapter na ito, sorry for that. Gusto ko lang kasi ipakita na hindi puro chocolates and flowers ang buhay natin, meaning hindi puro masaya may mga trials din. Kailangan nating harapin ang mga pagsubok na ito for us to be a much more better person. Sorry kung parang roller coaster na ang emotions nyo habang nagbabasa ng story ko ako rin naman nahihirapan habang sinusulat ito. But hold on, we were half way there. Kapit lang.

-Ano kaya ang mangyayari kay Richard? Abangan!

- tweet me up @iamlhudy87 or kindly follow @MaiDenNeyshen for more GV...thanks! Mahal ko kayo!

Betrayal (AlDub) CompletedUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum