Chapter Eighteen - progress

2.9K 130 12
                                    


*Maine's POV

Isang linggo na ang nakakalipas ngunit wala pa ring malay ang asawa ko. Mistula pa rin syang lantang gulay.

Nakaupo ako sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang bawat paghinga nito. Bahagya na ring naghilom ang mga sugat nito sa mukha at braso. Sabi naman ng doktor, normal naman daw na hindi pa nagkakaroon ng malay si Richard dahil sa pagkaka bugbog sa aksidente.

"Anak,"

"Dad? " tanong ko sa Daddy ni Richard.

" Magpahinga ka muna anak, ilang araw ka ng walang matinong tulog. Ni hindi mo nga ginagalaw ang pagkaing ibinibigay namin sa iyo."  tama si Daddy, hindi ko na matandaan kung kailan ako huling kumain ng maayos. Noong nakaraang araw, kung hindi ako hinimatay, hindi mapapahinga ang mga mata ko. Ang buong pamilya ko at ang pamilya naman ni Richard ay halinhinang pumupunta dito sa ospital para smamahan ako sa pagbabantay, ayoko kasing umalis sa tabi ng asawa ko. Sina Siegfried ay Athena naman ay pansamantala munang inaalagaan nina Nanay sa Bulacan. Nakita na rin nila ang kalagayan ng  Tatay nila at nag iiyak ang dalawa.

" Anak."

"O-okay lang po ako Dad. Kumain po ako ng tinapay kanina."

" Matulog ka muna anak, kami na ni Riza ang bahala dito."

"Pero Dad, kailangan po ako ni Richard."

" Anak , alalahanin mo, kailangan ka rin ng mga anak mo. Paano na lang sila kung pati ikaw ay magkakasakit? "

Napa buntong- hininga ako bago tumayo sa upuan.

" Okay po Dad, pero please kung anuman pong movements ni Richard, pakigising na lang po ako.'

"Walang problema, anak. Pero Maine please, kung hindi pa kaya ng asawa mong magpakatatag para sa inyo, ikaw na muna ang maging matatag para sa kanya."

"I-I will Dad, thank you po."

"Riza, anak, paki alalayan si Ate Maine mo."

Agad namang lumapit si Riza. Papunta na sana kami sa isang kama ng may biglang kumatok sa pinto. Agad namang pinagbuksan ni Riza ang kumakatok.

" Good afternoon po Mam, nariyan po ba si Mrs. Faulkerson?"

Sumilip ako sa pinto. Ang mga pulis na nag-iimbestiga sa pagkakabangga ni Richard ang nasa labas.

" Sir , bakit po? May development na po ba? Pasok po kayo." sabi ko.

" Yes Ma'am, lalo pong tumibay ang hinala namin na may foul play sa aksidente, dahil po sa nakalap naming ebidensya."

" Ano pong ebidensya?"

"Ang CCTV  footage po. Buti na lang nakipag coordinate po sa amin ang establishment kung saan nag park ang asawa ninyo, na napag alaman naming negosyo pala ninyong mag-asawa."  tanong ng isa sa mga pulis.

"Opo Sir, sa Makati branch po ba?"

"Yes Ma'am. Base po sa footages, may sumabotahe po sa kotse ng asawa ninyo. Tinanggalan po ng preno. Matalino po ang suspek, alam na alam nya ang gagalawin sa kotse. Nagsuot pa ng bonnet at gwantes para maitago ang identity nya. Pero mayroon syang isang sablay  na magtuturo sa kanya na responsable sa krimen, he forgot that cameras don't lie. Nalimutan nyang iwasan ang nga CCTV sa paligid."

Bigla akong natahimik. Tila malalim ang galit ng suspek sa asawa ko. Pero sino?

"Kung hindi po ninyo mamasamain Ma'am, may nakaaway po ba ang asawa ninyo sa negosyo o kahit sa lugar ninyo? Maari pong makatulong yun sa imbestigasyon."

"Sa negosyo po, sa pagkaka alam ko wala naman po. Maayos po ang pakikitungo at pamamalakad nya sa mga empleyado."  muli akong natigilan. Bigla akong may naalala. " Ah Sir, sandali po. May picture po ba kayo ng footage?"

"Mayroon po Ma'am."  agad nitong inilabas ang folder at ibinigay nya sa akin.

Maiigi kong tinignan ang mga pictures. Naka jacket at naka bonnet nga ang suspek. Base sa tindig nito, isa syang lalaki. Parang pamilyar ang tindig ng lalaki pero hindi ako sigurado. Tinignan ko ang mas malalapit na shots, at naging solido ang hinala ko. Si Miggy!

"Sir, kung hinala lang po pwede pa rin bang makatulong iyon sa kaso?"

" Pwede po nating i consider Ma'am. May hinala po kayo?"

"Si Miggy Fernandez po. Kabulto nya po kasi ang katawan ng nasa picture."

"Paano po ninyo nasabi Ma'am? Personal nyo po ba syang kakilala?"

"Opo, manager po sya ng Quezon City branch ng restaurant namin. At hindi lang po isang beses ko syang nakita, dahil po palagi silang inimbitahan ng asawa ko sa bahay kapag may espesyal na okasyon."

"Ano po sa tingin ninyo ang dahilan nya para pagtangkaan ang buhay ni Sir?"

"I don't know. Pero a couple of weeks ago, nagkaroon po sila ng asawa ko ng pagtatalo. Umabot pa nga po sa pisikalan."

" Sa ano pong dahilan Ma'am? Pasensya na po kung medyo personal  pero kailangan po kasi nating tignan ang possible motive ng suspek."

" No it's okay Sir. Actually po nagkaroon po kami ng misunderstanding ng asawa ko that time, kaya po noong naabutan nya si Miggy sa bahay ng parents ko, nag selos po ang asawa ko. Nagsuntukan po sila. Kinabukasan, hindi na po nagpakita si Miggy sa trabaho nya."

Tumango ang pulis.

" Marami pong salamat sa mga impormasyong ibinahagi ninyo Ma'am. Sana nga po ay makatulong sa kaso. Asahan po ninyo ang mabilis na development ng kaso. Maauna na po kami."

"Okay po Sir, salamat din po."

At lumabas na ang mga pulis. Lalong sumakit ang ulo ko sa nalaman. Ang pamamahinga ko sana ay naudlot dahil sa pag-iisip.

- Ayan mga bes! Dahil love ko kayo, nag update ako kahit may trangkaso ako. Feeling ko kasi wala akong kwentang 'otor' kapag hindi ko natutupad ang promise na update. Sorry for that...😔 Ohhhh by the way OTW na ang mga bibis natin dito sa Maynila after ng vacation nila, hayy ang dami na naman nilang 'one for the books' na alaala sa mga lugar na napuntahan nila. Pagod sila pero parehong masaya.
I wish marami pa silang alaala na masayang pagsasaluhan sa future. Hayyy ang MaiChard heart ko hindi na ata titigil sa pagtibok..

- Unti unting nagkakaroon ng linaw ang mga pangyayari. Totoo nga kayang si Miggy ang responsable sa nangyaring aksidente? Abangan!

- tweet me up mga bes! @iamlhudy87 or kindly follow our fc @MaiDenNeyshen. Thank you po...

Betrayal (AlDub) CompletedWhere stories live. Discover now