Chapter Seventeen - shattered

2.9K 133 11
                                    

*Maine's POV

Lumamig na ang pagkaing niluto ko para sa anniversary namin. Nakatulog na rin ang mga bata sa paghihintay, pero wala pa rin si Richard. Tumingin ako sa wallclock, 10 pm na. Kinakabahang naglalakad lakad ako sa sala, pilit nilalabanan ang mga negative thought na tumatakbo sa isip ko.

Inilabas ko ang cellphone ko at sinubukang tawagan si Richard. Pero puro ring lamang ang naririnig ko. Nanghihina akong napaupo sa sofa.

" Richard, anong nangyari sayo? Mauulit na naman ba ang pangyayari dati?"  bulong ko habang nakatingin sa picture nya sa cellphone ko.

Napabalikwas ako nang biglang mag ring ang cellphone ko, unregistered number? Nagtataka man, sinagot ko pa rin ang tawag.

" Hello? Who's this please?"

" Magandang gabi po. Pwede po ba kay Ms. Nicomaine Faulkerson?"

" Speaking po, sino sila?"

" Ah Misis, kayo po ba ang asawa ni Richard Faulkerson Jr.?"

"O-opo. Nasaan po sya?"  parang tinadyakan ang dibdib ko sa kaba.

" Ako po si PO2 Dela cruz from QCPD . Kami po ang nag rescue sa asawa ninyo. Nabangga po kasi ng eight- wheeler truck ang kotse na minamaneho ng asawa ninyo. Sa ngayon po, naisugod na namin sya sa ospital."

" Oh my God...K- kamusta po ang lagay nya Sir?"  isa isang tumulo ang mga luha ko.

" Hindi po namin masasabi, misis. Tanging ang mga doktor lang po ang makakapag paliwanag sa lagay ng asawa ninyo. Maari nyo pong puntahan ang ospital na pinagdalhan namin sa kanya."  at binanggit ng pulis ang ospital.

" Salamat po."  nanghihinang napaupo ako sa sofa. " Oh God, please po iligtas Ninyo ang asawa ko."

Tinawagan ko sina Nanay. Nakakahiya man na istorbuhin ko sila, pero wala akong magagawa. Wala akong pag-iiwanan sa mga bata.

" Hello, anak?"

"N-nanay. "  nanginginig ako habang nagsasalita. "Nanay, si Richard po."

"Ha anong nangyari sa asawa mo?"

" Nanay, n-naaksidente po sya. Nay, please po tulungan po ninyo ako. Gusto ko na syang puntahan sa ospital kaso walang maiiwan sa mga bata."

" Okay anak, gigisingin ko lang ang Tatay mo. Tatawagan ko na rin ang mga ate mo. Si Nico at si Dean ang mauuna dyan sa bahay ninyo dahil nasa condo sila ngayon. Ako na rin ang tatawag kay balae. Sa ngayon, magdasal ka habang naghihintay, kailangan ng asawa mo yan."

"Opo, Nanay. Salamat po."

" Wait for us anak. Keep calm. Fighter ang asawa mo, makaka survive sya."

"O-okay po."

Lumipas ang isang oras, at dumating si Dean at Kuya Nico. Si Dean ang naiwan sa mga bata, habang si Kuya Nico ang sumama sa akin sa ospital.

-------------

Agad kaming dumiretso sa nurse station ng makarating sa ospital.

" Miss, san po ang room ni Richard Faulkerson Jr.?"

"Mam, sa ngayon po nasa E.R pa sya. Pero ginagawa na po ang lahat para mailigtas si Sir. Maghintay na lang po muna tayo sa waiting area."

"Oh my God Kuya!"  napakapit ako sa braso ni Kuya Nico, parang anytime kasi ay mawawalan ako ng malay.

" Maine, umasa tayong magiging okay ang asawa mo. Huwag lang tayong makalimot na tumawag sa Kanya. Come on, maupo ka muna."

Wala akong nagawa kundi sundin si Kuya. Naghintay kami sa waiting area. Bawat minuto, mistulang napakahabang sandali ng paghihintay. Paghihintay sa pag-asang walang kasiguraduhan.

Habang nakaupo, may dalawang unipormadong pulis na lumapit sa amin.

"Mrs. Faulkerson?"

"Sir?"

"Mam, ako po yung nakausap nyo kanina sa telepono."  sabi ng isang pulis.

" Ano po bang nangyari Sir, bakit nabangga ang kotse ng bayaw ko?"

" Sir, base po sa initial investigation, si Mr. Faulkerson po ang nag violate ng traffic law. Naka stop na kasi pero tuloy-tuloy pa rin sya sa intersection."

"No! Maingat na driver ang asawa ko!"

" Iyon na nga po misis, pero naka red light na kasi noong nabangga sya ng truck. Ininspeksyon namin ang pinangyarihan ng aksidente, wala pong skid marks sa dinaanan ng kotse ng asawa ninyo. Kung sinasabi ninyo na maingat syang driver, malamang na nawalan po sya ng preno."

"Oh, God..."

" Huwag po kayong mag-alala misis, iimbestigahan namin kung may nangyari foul play. Sya nga po pala, ito po ang mga gamit na na recover po sa sasakyan."  sabay abot ng isang clear pouch na naglalamancellphone at wallet ni Richard. Pati rin ang dalawang plane ticket na may bahid ng dugo.

" Ito pa po pala misis, I assumed na para po sa inyo ang mga bulaklak na ito."  inabot sa akin ng isang pulis ang isang bouquet ng bulaklak.

Umiiyak na kinuha ko ang bulaklak at niyakap. Ni hindi ko pinansin ang mga pulis nang magpaalam na aalis na.

" Kuya, pupunta lang ako sa chapel."

" Samahan na kita, Maine."

" Wag na Kuya, pakihintay na lang sina Nanay dito."

"Are you sure?"

Tumango lang ako at naglakad na papunta sa chapel bitbit ko pa rin ang mga bulaklak.

-Inhale exhale mga bes! Updated ! Sorry medyo late ang update ko, busy lang kasi. At sorry din kung nabibitin kayo, pinaglihi kasi ako sa pabitin eh.

-Will the Faulkerson family surpassed this trials? Abangan!

-tweet me your thoughts mga bes @iamlhudy87 or simply follow our fansclub @MaiDenNeyshen.


Betrayal (AlDub) CompletedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang