Chapter Fourteen - realization

3.1K 136 13
                                    

*Richard's POV

" Nurse emergency! Paki asikaso ang anak ko!"  sigaw ko ng makapasok sa ospital. Karga ko si Siegfried na nawalan ng malay. Si Maine naman nakasunod sa amin habang karga si Athena.

"Doc please pakitulungan po ang anak namin."  sabi ni Maine sa nadaang doktor.

" Sige Mam sandali lang. Nurse pahingi ng stretcher!" sigaw ng isang may edad na doktor.

Agad namang tumalima ang tinawag na nurse at kumuha ng stretcher. Ilang sandali pa ay bumalik ang nurse at agad ko nang inilapag ang anak ko at nakitulak papunta sa E.R .

" Sir hanggang dito na lang po, kami na po ang bahala sa anak nyo."  awat ng isang nurse sa bungad ng E.R.

" Please , gawin ninyo ang lahat para sa anak ko."  pakiusap ko.

"Yes sir, we will. Doon po muna kayo sa waiting area."

Nanghihinang tumango ako. Nilingon ko si Maine at Athena na ng mga sandaling iyon ay parehong umiiyak. Mabilis na tumakbo sa akin si Maine. Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin.

"Richard ang anak natin!"  parang hindi agad naprocess ng utak ko na niyakap nya ako. Ilang segundo muna ang lumipas bago ako gumanti ng yakap sa asawa ko. Again, matapos ang ilang mala impyerno mga araw sa pagsasama namin, muli kong naramdaman ang yakap ni Maine. It felt like home. Kung hindi lang ganito ang sitwasyon namin baka napangiti pa ako. I hugged her back habang hinihimas ko ang likod nya. I kissed her temple bago ko kinuha si Athena sa kanya.

" Shhh, it's okay mahal. Everything's gonna be alright. Just trust Him."  binalingan ko si Athena at marahang pinahid ang mga luha sa pisngi nya. " Don' t cry na Tin tin, okay na si Sieg."

" Tatay, Sieg."

Hinapit ko sila ng mahigpit bago inakay sa waiting area.

" Sa ngayon, wala tayong magagawa kundi maghintay at mag dasal. Tinawagan ko na rin sina Tatay at Daddy para ipaalam ang mga nangyari, on the way na raw sila. Mahal, maupo muna kayo."

Tumango lamang sya. Hilam pa rin sa luha ang magandanh mukha ng asawa ko. I gently run my fingers on her cheeks before planting a kiss on her temple.

" I'm sorry that it had to turn out this way, mahal."

" No, kasalanan ko Richard. Pinabayaan ko lang kay Yaya Pepe ang mga bata."

" Enough na mahal, walang may gusto ng nangyari. Aksidente yun."  kinabig ko sya at isinandal sa dibdib ko ang ulo nya.

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Mayamaya pa, humahangos na dumating sina Tatay at Nanay. Kasunod nila sina Daddy at ang bunso kong kapatid na si Riza.

" Anak! Nasaan ang apo namin?"  natatarantang tanong ni Nanay.

" Nasa E.R na po Nay, inoobserbahan na."

"Ano ba kasing nangyari, mga anak?"
tanong naman ni Daddy.

" Nahulog po sya sa hagdan, Dad."  sagot ko.

" O sya amin na muna si Athena , kami na muna ang bahala dito. Kayong mag-asawa, pumunta muna sa chapel at magdasal."  sabi ni Tatay bago kunin si Tin tin.

Tumingin ako kay Maine at inakay sya papunta sa chapel.

*Maine's POV

Tumingin ako sa kamay ni Richard habang mahigpit nyang gagap ang kamay ko. Pagkatapos ay ibinalik ko ang mga mata ko sa mukha nya na nakapikit at nagdadasal. Muli, nakita ko sa harap ko ang lalaking pinakamamahal ko. Ang lalaking nangako na magsasama kami habang buhay, ang lalaking iibigin ako hanggang sa kabilang buhay.

Napapikit ako, at kinuwestyon ko ang sarili ko kung bakit ko sya pinagdudahan, kung bakit hindi ako naniniwala na wala syang alam sa mga pictures, kung bakit hindi ko muna sya hinayaang magpaliwanag. Gayong walang ginawa ang lalaking nasa harap ko kundi pasiyahin ako, ibigay ang pangangailangan namin ng mga anak nya at mahalin ako ng higit pa sa sarili nya. Napaka selfless na tao, pero mas pinili kong bulagin ako ng mga pagdududa.

Pagmulat ko ng mga mata, tears started to stream down to my eyes habang nakatitig pa rin kay Richard. Muli, nag flashback sa isip ko ang masasaya naming alaala. Ang mga ginawa nyang sorpresa para mapasaya ako. Humarap ako sa altar at nagsimulang magdasal.

" Lord, alam ko po wala akong karapatang kwenstyunin ang mga plano Ninyo sa aming mag asawa. Pero Lord sana matapos na po ang lahat ng ito. I know nangako po ako sa Inyo na isusurender ko na po ang lahat sa Inyo kung yun po ang gusto Ninyo, but  please spare me this one Lord. Please po, iligtas Nyo po ang anak ko."  hindi ko na natapos ang pag dadasal dahil umiiyak na naman ako. I was shaking really bad, pero pinipigilan ko pa rin para hindi mahalata ni Richard. Pero huli na dahil narinig na ni Richard ang pag-iyak ko. Binitawan nya ang kamay ko and gently pulled me closer.

" Richard, mahal I'm sorry sa mga nasabi ko. I know I hurt you a lot sa mga salitang nasabi ko. Mas lalo na noong pagdudahan kita. I'm sorry for not trusting your words. I'm sorry if I doubted your love. I did'nt mean it that way, binulag lang ako ng selos. Nakalimutan ko agad ang usapan natin na kung may misunderstanding man tayo, pag-uusapan natin kaagad. Nalimutan ko agad na ako at ikaw muna, tayong dalawa muna. I'm sorry mahal, I still love you."  mahigpit ko syang niyakap.

Hinapit nya ako ng mas mahigpit bago nagsalita.

" Mahal, may karapatan ka namang magalit sa akin. I know you have trust issue and I'm sorry kung nasira ko iyon. I'm sorry too about tungkol kay Miggy kanina, that was foul. Sobrang mahal kasi kita kaya nag react ako ng ganun. Pero I know na malalagpasan din natin itong mga pagsubok na ito. Ilang beses man tayong matapilok sa daang ito mahal, tiwala ako na sa dulo tayo pa rin."  hindi na rin napigilan ni Richard ang mga luha. " I love you so much Nicomaine."

"And I love you more, Richard."

"Mahal, please come back home. I know mahirap para sayo, but please habang inaayos ko ang gulo na ito bumalik na kayo sa bahay. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari pang masama sa inyo."

Tumingala ako sa kanya bago sumagot.

" Yes we wil, mahal."  then he pulled me for a kiss.

------------

*Richard's POV

"Mr. and Mrs. Faulkerson?"  tanong ng doktor ng lumabas ng E.R.

" Yes po Doc?"  sabay kaming napatayo ni Maine.

" Ligtas na po ang anak ninyo."

" Oh God! Thank you po!"  anas ni Maine.

" May mga bruises sya pero bukod doon stable na ang lagay nya. I think his guardian angel saved him, kasi diba sabi nyo medyo mataas din ang kinahulugan nya kaya medyo imposibleng gasgas lang ang tinamo ng bata. But sa ngayon, gising na sya at hinahanap nya kayo. Kailangan nyo lang syang i admit for a few hours habang hinihintay natin ang resulta sa mga test na ginawa namin sa kanya lalo na sa kanyang ulo. We just want to make sure na walang internal bleeding s brain para maprevent ang further damage."

" Yes po Doc, thank you so much."

Hinintay lang naming maitransfer ng kwarto ang anak namin bago namin nakita.
Ilang oras pa ang lumipas, bago mag umaga ay nakalabas na kami ng ospital. Nagpahinga muna kami sa Bulacan bago bumalik sa Maynila pgkatapos ng tanghalian.

Muli ay bumalik ang aking mag-iina sa bahay namin. Sa bahay kung saan kami bumuo ng pangarap at mga alaala.

Sana nga ay matapos na ang mga pagsubok na ito para muli kaming makapag umpisa.

- Ayan na mga bes! Sorry kung medyo late ang update ko ha busy rin kasi sa pag eedit ng mga AlDub pics...So this is the chapter 14, sana nag eenjoy pa rin kayo sa pagbabasa. At salamat po sa lahat, bukod kay Alden at Maine, you guys keep me going. Salamat ng marami. Susunod na agad ang chapter 15 mga bes, a very short one pero kailangan kasi sa story.

- Matapos na kaya ang mga pagsubok sa buhay ng mag-asawang Faulkerson? Abangan.

- tweet me up @iamlhudy87 or kindly follow @MaiDenNeyshen for more GV on your wall...Grazie!

Betrayal (AlDub) CompletedWhere stories live. Discover now