Chapter Nine - confrontation

3.4K 121 7
                                    


*Richard's POV

Naalimpungatan ako dahil sa impit na iyak na narinig ko sa loob ng kwarto namin. Masakit man ang ulo ko, bumalikwas pa rin ako ng bangon ng makita kong si Maine ang umiiyak habang nakaupo sa couch. Parang kinurot ang puso ko sa nakita, ayaw kong makita na umiiyak ang asawa ko. Tumayo ako at mabilis na lumapit sa kinauupuan ni Maine.

" Maine, mahal anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"  tanong ko. Marahan ko syang kinabig para yakapin ngunit mabilis nyang tinabig ang mga braso. Gulat akong tumingin sa kanya.

" Mahal, bakit?"  tanong ko.

Hindi sya kumibo at iniwasan nya akong tignan. Napansin ko ang larawan na nasa mga kamay nya, pati na rin ang nakapatong sa mga hita nya kasama ang isang brown envelope. Agad kong kinuha ang isa sa mga larawan at tinignan.

Parang sasabog ang ulo ko sa nakita. Ako ang nasa larawan kasama si Patricia, ang nag iisang babae sa grupo namin kagabi. Nasa isang kwarto kami, parehong hubad ang aming mga katawan habang si Patricia ay nakapatong sa akin. Medyo malayo ang kuha ng mga larawan pero hindi maipag kakaila na ako nga ang lalaki. Iba't- ibang anggulo pero iisang posisyon lang. Nanlalaki ang mata ko ng tignan ang asawa ko na noon ay wala pa ring tigil sa pag iyak.

" M-mahal saan galing ang mga pictures na 'to? Wala akong alam."  naguguluhan man, sinubukan kong magpaliwanag kay Maine.

Lumuhod ako sa harapng asawa ko para magpantay ang mga mata namin. Nanginginig ang mga kamay ko habang inaabot ko ang magkabila nyang pisngi.

" M-mahal, sabihin mong hindi ka naniniwala sa mga pictures. Please, sabihin mong naniniwala ka na wala akong alam sa mga pangyayari. Please, mahal."

Marahas nyang tinabig ang mga kamay ko sa pisngi nya.

" Paano mo ako mapapaniwala na hindi totoo ang mga nasa pictures Richard? Paano?!"  nanginginig ang boses ni Maine habang nagsasalita. " Sabihin mo Richard!" sigaw nito bago ibato sa akin ang mga pictures.

" Shhhh ang mga bata mahal, maririnig nila tayo. Huwag kang sumigaw, mag-usap tayo ng maayos, please."

" Huwag mo akong gaguhin Richard!"  umiiyak na ito habang marahas na sinuklay ng mga daliri ang buhok. " Kaya kita pinayagan dahil may tiwala ako sayo, pero putangina ito ang kapalit? You're fucking this girl!"

" Shhh mahal, please don't curse. Pag usapan natin ito. Maniwala ka naman sa akin mahal."  umiiyak na rin ako habang sinusubukan ko syang yakapin. Hinawi nya ang mga braso ko bago tumayo at lumapit  sa side table.
Hinagilap nya ang cellphone at parang may tatawagan. Nakasunod naman agad ako sa kanya.

" H-hello Dean?"

"Yes ate?"  narinig kong sagot ni Dean sa kabilang linya." Teka, bakit ganyan ang boses mo? Umiiyak ka ba?"

" Nasaan ka Dean? Pwede bang pakisundo muna ang mga bata dito at dalhin mo muna sa Bulacan? " .

" Bakit ate, may problema ba?"

"Dean, please. Ako na magpapaliwanag kay Nanay at Tatay, please."  she said while sobbing.

" Okay, okay. Hindi na ako magtatanong. Actually nandito ako ngayon sa Maynila, may pupuntahan sana ako pero pwede namang i-  cancel. So expect me in half an hour."

" O-okay, salamat Dean." 

Agad na hinanda ni Maine ang gamit ng mga bata.

" Mahal, please let me explain. Makinig ka naman sa akin, Maine."

Hindi sya kumibo at patuloy lang sa pag-aayos ng gamit ng mga bata. Napaupo na lang ako sa gilid ng kama at nanghihinang sinalo ng mga palad ko ang ulo ko. Pilit kong inaalala ang mga pangyayari pero wala talagang pumapasok sa isip ko. Tanging ang boses lang ng isang babae at lalaki ang naalala ko bago ako nag passed out kaninang madaling araw.

"Tatay! Nanay!"  sigaw ng kambal habang papalapit sa amin.

" Mga babies ko good morning!"  sabi ni Maine habang papalapit sa mga bata. Pinilit nitong maging natural habang isa isang hinahalikan ang mga anak namin. " Athena, Siegfried doon muna kayo sa mga Lola Nanay at Lolo Tatay ha."

"Batit po Nanay?"  nagtatakang tanong ni Athena.

"Ahhh namimiss na kasi kayo nina Lola Nanay eh."

Napatango na lang si Athena. Si Siegfried naman ang sunod na nagtanong.

"Nanay, iiyak ka po? Tatay batit iiyak Nanay? Aaway ba kayo?" tanong ni Siegfried habang papalapit sa akin.

Hindi ako nakasagot, sa halip ay niyakap ko na lang si Siegfried at hinalikan sa noo. Kinarga ko sya at lumapit naman ako kay Athena na noon ay karga na ni Maine at hinalikan ko rin sa noo.

" Mga anak, halika na at baka dumating na si Tito Dean. Dapat makakain muna kayo bago umalis."  kinuha ni Maine sa akin si Siegfried at inakay palabas ng kwarto ang mga bata. Naguguluhang tumingin sa akin si Siegfried bago lumabas.

"Nanay diba sabi mo po masama mang away? Batit aaway kayo ni Tatay?"  narinig ko pang tanong ni Siegfried. Hindi ko na narinig ang sagot ni Maine dahil kinabig nya pasara ang pinto.

Naiwan akong gulong-guli pa rin sa mga pangyayari. Nang makalabas ng kwarto ang mag iina ko, hinagilap ko ang cellphone ko at isa-isang tinawagan ang mga kasama ko kagabi. Inuna kong tawagan si Jerald.

" Hello Boss?"

"Jerald."

"Yes Boss?"

" Ahh may itatanong lang sana ako. May napansin ka ba na kakaiba sa akin o kahit sa mga kasama natin kagabi bago tayo maghiwa hiwalay?"

" Kakaiba boss? Wala naman, kasi diba nauna kami  Rodjun dahil sumabay sya sa akin, coding kasi yung auto nya. Bakit boss may problema ba?"

" Wala, wala bro. Salamat."

Sunod kong tinawagan sina Derek at Sam. Ngunit tulad ng sagot ni Jerald, wala rin silang alam sa pangyayari. Pinakahuli kong tinawagan si Miggy.

"Miggy, hello?"

"Boss?"

"Pare may itatanong lang sana ako. Kanina bago tayo maghiwahiwalay may napansin ka bang kakaiba? I mean umuwi ba agad ako after ninyong mag paalam?

" Wala boss, noong pagsakay mo kasi ng kotse mo sumakay na rin kami ni Patricia sa kotse ko. Then, hinatid ko na sya pauwi. Bakit boss?"

Hinatid? Ibig sabihin magkasama sila pauwi? Paano nangyari yun? Sigurado akong si Patricia ang nasa picture, ang hindi ko lang alam kung paano nangyari ang lahat.

" Ahh wala pare, salamat."  tinapos ko na ang tawag. Parang lalo akong naguluhan sa mga pangyayari. Ang daming tumatakbong katanungan sa isip ko na hindi ko alam kung paano sasagutin.

- Updated na mga bes! Although lumulutang pa rin ako sa mga ganap noong kasal but kailangan kong gawin ang chapter na ito kasi un ang nasa draft ko mga bes. Sorry na agad!

-Ano kayang mangyayari sa samahan ng mag asawang Richard at Maine? Papaniwalaan ba ni Maine ang sinasabi ni Richard na wala syang alam sa pangyayari o bubulagin sya sa paniniwalang pinag taksilan sya ng asawa nya?

- tweet me up @iamlhudy87 or kindly follow @MaiDenNeyshen for more GV on your feeds. If you want to be part of our pemily just dm us.Thanks!

Betrayal (AlDub) CompletedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang