Chapter Ten -haze

3.1K 133 1
                                    

*Maine's POV

Kanina pa nakaalis ang kambal kasama si Dean. Kanina pa rin ako nakaupo dito sa sala at nakatulala. Sobra pa rin akong naguguluhan sa mga pangyayari. Gusto kong maniwala kay Richard noong sinabi nyang hindi nya alam ang mga pangyayari, ngunit sa tuwing maalala ko ang mga pictures parang lalong gumugulo ang lahat.

Muli ay umiyak ako habang salo ng mga palad ko ang mukha ko. Sobrang hindi ko mapigilan ang emosyong bumabangon sa dibdib ko kaya hindi ko napigilan ang pag alog ng mga balikat ko.

Ilang minuto akong nasa ganoong posisyon ng may maramdaman akong mga braso na yumakap sa akin mula sa likuran.

" Mahal, mag-usap naman tayo please."

Hindi ako kumilos, pinabayaan ko lang na nakapalibot sa akin ang mga braso nya. Hinayaan ko lang din na patuloy na umagos ang mga luha ko.
Napapagod akong makipag talo, nakakapagod mag isip.

Bumitaw sya sa pagkakayakap sa akin at umiikot sa kinauupuan ko. Lumuhod sya sa harap ko at hinawakan ang mga palad ko.

" Mahal, tignan mo ako. Alam na alam mo kapag nagsisinungaling ako diba? Kapag hindi ako nagsasabi sa iyo ng totoo dati diba nabubuking mo agad ako? Ngayon, tignan mo ang mga mata ko, saka mo sabihin na hindi ka naniniwala sa akin."  pinahid ng mga palad nya ang magkabila kong pisngi bago nya ako tinignan sa mata.

Hindi ako umiwas ng tingin, pinabayaan ko lang sya sa ginagawa nya. Hindi rin ako nagsalita.

" Mahal, magsalita ka naman. Maniwala ka naman sa akin."

"Paano ako maniniwala na wala kang alam sa mga pangyayari Richard  kung patuloy na naglalaro sa utak ko ang mga putanginang picture na nakita ko kanina?!"

" Mahal naman, huwag ka namang magmura. Pag uusapan nga natin ng maayos diba?"

" Magmumura ako kahit kailan ko gusto! Sasabihin ko ang mga salitang gusto kong sabihin, Richard! Naiintindihan mo?!" galit na akong tumayo mula sa sofa.

" Pero hindi tayo magkakaayos kung ganyan ka."

"So ako ang may kasalanan?! Sana inisip mo na magkakaganito tayo bago mo inaya ang putanginang babaeng yun sa kama!"

"Ganyan ba ang tingin mo sa akin Nicomaine?! Ganyan ba ha?!" sigaw nito sabay suntok sa babasaging center table namin. Nagkapirapiraso ang salamin habang ang kamao nya ay duguan.

"Sinusubukan kong magpaliwanag sayo, pero you keep on pushing me."  basag na ang boses nito ng muling magsalita. " Sinabi ko nang hindi ko  alam ang mga pangyayari. Oo ako yung lalaki sa picture, pero naisip mo ba kung paano nangyari yun kung wala akong alam? Naisip mo ba na maaring sinet- up lang ako? Naiisip mo ba yun Maine?" tuloy-tuloy na rin ang pag agos ng mga luha sa mata nya.

Hindi ako nagsalita, ngunit hindi pa rin tumitigil ang mga mata ko sa pag-iyak. Sana sinaktan na lang ako ni Richard ng pisikal kaysa ganitong klaseng kirot ang nararamdaman ko.
Dahil ang mga pasa, sugat at gasgas ay maghihilom ngunit ang sugat sa puso ay hindi.

" Limang taon Maine. Sa tingin mo kaya ko kayong ipagpalit sa isang gabi ng ligaya? Mahal na mahal ko kayo ng mga anak natin. Mahal na mahal kita M-maine."  bumaba na ang boses ni Richard. Umaalog ang mga balikat nito habang umiiyak.

Natahimik ako sa sinabi ng asawa ko. Ngayon lang umiyak ng ganito si Richard simula nang maging mag-asawa kami. Nararamdaman ko kung gaano sya kasinsero sa mga salitang binitawan nya.

Napatingin ako sa duguan nyang kamao. Gustong-gusto kong gamutin ang kamay nya ng mga oras na yun pero pinigilan ko ang sarili ko. Kailangan ko syang tiisin simula ngayon.

" Gusto kitang paniwalaan, gusto kong maniwala na hindi mo ako lolokohin. Gusto kong panghawakan ang mga pangako natin sa isa't-isa. P-pero naguguluhan ako Richard. Iwan mo muna ako, kailangan kong mag-isip. Please,nakikiusap ako sayo."

Inilang hakbang nya ang distansya sa pagitan namin bago ubod ng higpit nya akong niyakap. Naramdaman ko ang mga luha nya na tumulo sa pisngi ko habang hinahalikan nya ako sa noo.

" Maine, mahal na mahal kita. Please ayusin natin ito. Aalis ako para alamin ang totoong nangyari kagabi, para na rin makapag-isip ka muna. Pero sana sa pagbabalik ko, mag-uusap na tayo ng maayos. I love you."  marahan nya akong dinampian ng halik sa labi bago tumalikod at umakyat sa kwarto namin. Naiwan akong gulong-gulo pa rin ang isipan.

- Ayan na mga bes! Pasensya na kung naapektuhan kayo sa update ko kahapon at ngayon sabi ko naman sa inyo diba un kasi ang nakasulat sa drafts ko sinusunod ko lang mga bes. Pero kabaligtaran naman ng nga sigawan nila dito ang sweetness nila kanina sa ks diba? May i love you pa habang naghaharutan, dyosko na lip read nyo ba yun???Wahhhhhhh!!!

-Anyway, malaman na kaya ni Richard ang totoong nangyari sa pagitan nila ni Patticia noong nawalan sya ng malay? Abangan!

-tweet me up mga bes @iamlhudy87 or khit comment na lang dito. Natutuwa akong basahin ang mga comments nyo, lalo na ung affected na affected kayo hahahaha *evil laugh. Lol!

Betrayal (AlDub) CompletedWhere stories live. Discover now