She faces me. "Oo naman, ano yun."

"Ano po bang pinagawayan ni Papa at nung sinasabi niyong si Damon? Kasi simula nung makita siya ni Papa parang nag iba siya."

"Nasabi na namin diba? Kilala si Damon na ginagawang pagkain ang dugo ng mga katulad mo. Concern ang Papa mo sayo, kaya siguro lagi nalang siyang seryoso lalo na't nakita pa niya si Damon."

"Hindi niyo ba naisip na baka nagbago na siya? At kung talagang yun ang plano niyang gawin sakin sigurado akong matagal na niyang ginawa yun."

"Hindi siya magbabago Sweetheart, nakilala ko din si Damon at akala ko magbabago siya pero hindi. Pinagbantaan niya kami ng Papa mo na sasaktan ka niya, at nakatingin siya sa mga mata namin nun na nagsasabing seryoso siya."

Shocks! Kailangan ko din talagang makausap si Damon about dito.

"Baka naman po nabigla lang siya nun." I sounded like defending Damon. Yun talaga ang ginagawa ko, kasi malayo siya sa Damon na kwinukwento nila sa Damon na kilala ko ngayon.

"Don't speak like you know him." We heard Papa's voice. I face him. " Hindi basta bastang nabibigla lang si Damon sa mga sinasabi niya, lahat ng sinasabi niya, ginagawa niya."

"Sorry po." I looked down.

"Uminum ka na dugo!" Utos niya tsaka naglakad paalis ng kusina. Sinunod ko nalang siya at uminum na ng dugo baka kasi mamaya niyan magalit na naman siya sakin. Ako na ata ngayon ang napagbabalingan niya ng galit niya kay Damon, dahil habang tumatagal lalo siyang nagiging istrikto.

Nang makainum ako ng dugo, lumabas na ko ng bahay kung saan naghihintay si Papa. Tulad nung huling ensayo namin ang gagawin namin ngayon kaya medyo gamay ko na.

Sa pag sisimula namin, medyo nasasabayan ko na si Papa yun dahil alam ko na rin naman ang mga kilos niya. Sa tagal ba naman naming nag eensayo, ewan ko nalang kung di ko pa makabisado galaw niya.

Pero kahit naman ganun, nagagawa pa din niya kong masugatan.

Nang matapos ang ensayo namin.. naka five sugat ako, pero luckily mabilis gumaling.

Ngayon, pagasikaso naman sa school ang gagawin ko. Mas magandang pumasok sa school dahil makakaiwas sa init ng ulo ni Papa.

Dumiretso ako ng kwarto  after ng ensayo namin ni Papa nag pahinga muna ako sandali bago tuluyang mag shower. Humiga muna ako ng kama ko dahil talaga namang nakakapagod ang training na'to.

Nakarinig ako ng katok mula sa labas kaya napatingin ako sa direksyon ng pinto. Nag bukas ito at si Mama ang nakita ko.

"Can i talk to you Sweetheart?" Mama asked.

Umupo ako mula sa pagkakahiga. "Opo."

Naglakad siya papalapit sakin at umupo ng kama tsaka hinawakan ang kamay ko. "May problema po ba?" Tanong ko.

"Wala naman, namimiss lang kita dahil sa late ka ng umuuwi hindi na tayo nakakapag bonding, kaya gusto ko sanang yayain mong idate ang Mama mo."

I giggled. "Oo naman po."

"Okay, after school?"

"After school? This day?"

"Yup, pupuntahan kita sa school mamaya." Shit! Paano yung training namin dun sa bahay ni Damon? "May activity ka pa ba after school?"

"Uh.. wala po. Sige po mamaya na tayo mag date." Ngumiti siya ng malaki kaya napangiti din ako. I really love seeing my Mom smile.

"Okay, pupuntahan kita ng school mamaya at hindi natin isasama ang masungit mong Tatay." She winks.

I chuckled. "Sige po."

She slapped my legs softly. "Mag shower ka na baka malate ka sa school."

"Opo." Tumayo na ko ng kama ko at kumuha ng towel tsaka pumasok ng bathroom at iniwan na ang Nanay kong nakaupo sa kama ko.

Hmm.. masyado na ata akong nagpapamiss kay Mama kaya bigla siyang nagyayang mag date kami, kung sabagay simula ng makilala ko si Damon lagi na kong gabing umuuwi at di na kami nagkakapag kwentuhan ni Mama ng bongga na lagi naming ginagawa dati.

Nang matapos akong mag shower hindi ko na naabutan si Mama sa kwarto ko kaya nagmadali na kong mag bihis bago pa magkatotoo yung sabi ni Mama na malate ako.

Natapos ako sa mag bihis nag madali na kong lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Papa sa sala na nagbabasa lumapit muna ako sakanya at humalik sa pisnge. "Papasok na po ako, pakisabi nalang po kay Mama umalis na ko." Pagpapaalam ko.

"Sige mag iingat ka." Seryoso niyang sabi.

"Opo." Ginamit ko nalang din yung bilis ko sa paglabas ng bahay at dumiretso sa kotse ko.

Nang makasakay ako ng kotse, sinimulan ko na agad ang byahe papunta ng school ng may kasamang pagmamadali kaya mabilis kong pinatakbo yung kotse ko.

Sa pag dating ko ng parking sa school, bumaba agad ako ng kotse. Isasara ko palang yung pinto naramdaman ko agad na may gwapong nilalang sa likod. Sino pa ba kundi si Damon.

"Lagi mo ba kong inaabangan dito sa parking?" Tanong ko sabay harap sakanya.

He suddenly touches my both cheeks and kisses my lips. Isinadal niya kami sa kotse ko at mas nilaliman niya yung halik. I slapped him on his chest kaya natigil siya. "What?" Painusente niyang tanong.

"Para kang baliw! Di ka ba makapagpigil? Nasa school tayo!" I scolded him.

"I don't care, i just want to kiss my girlfriend, passionately."

I slapped him again on his chest at this time malakas na kaya talaga namang nasaktan siya. Grabe talaga siya!

"I do care Damon and inuutusan ka nitong girlfriend mo na mag behave!"

He chuckled amusingly. "Okay, masusunod ka na po." Inakbayan niya ko at nagsimula siyang maglakad kaya mapalakad na din ako.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya.

"Bakit mo natanong?"

"Para kasong yung awra masyadong tensyon."

"Ang tensyon kasi ngayon masyado sa bahay dahil kay Papa buti nalang nandun si Mama para mag palight ng lahat."

"Bakit?"

"Dahil sayo."

"Dahil sakin?" Pagtataka niya.

"Papa still thinks na threat ka sa buhay ko."

"Hindi ko siya masisisi, masyado akong maraming nagawa at nasabi na di niya nagustuhan." Siguro yung sinabi niya noon na sasaktan niya ko yung tinutukoy niyang nasabi niya noon.

"Ngayon kita tatanungin tungkol sainyo ni Papa, kaya humanda ka na."

"Okay, one question, one kiss."

"What?" Pambihira! May kapalit pa yung tanong ko?

"Sorry, rule yun pag hindi ka pumayag.. no answer."

I rolled my eyes. "Oo na!"

--

Keep voting babies. ☆

The Immortal's SecretTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang