Thirty One

8.4K 366 17
                                    

Week After...

I'm at the terrace, ineenjoy ang view ng mga puno, sarap ng simoy ng hangin at huni ng mga ibon. Dito ako lagi tumatamabay ang presko kasi dito. It's been a week since magising ako mula daw sa mahabang pag tulog mga two weeks din daw yun after the accident. Kaya daw sobrang nag aalala sila sa'kin dahil ang tagal bago ako nagising.

Isang linggo na din pero ni hindi manlang ako nakakaalis sa bakuran ng bahay na 'to. Ayaw nila 'kong palabasin dahil daw kagigising ko nga lang daw mula sa two weeks na pagka comatose kaya pinag bigyan ko nalang din.

Pero sa totoo lang gusto kong gumala! Naiingit kasi ako kay Maj at Mario na laging umaalis para mamile ng mga kailangan dito sa bahay o kaya mag di-date.
Kaya pala nag mi-make up noon si Majah sa kwarto ko noong nagising ako mula sa comatose ay dapat mag di-date sila. Kwinento niya daw sa'kin yun habang natutulog ako, nag biro pa nga siya na baka na excite akong pag tripan siya dahil makikipag date na siya kay Mario kaya bigla akong gumising.

Nung tinanong ko naman siya kung bakit ko naman siya pag ti'tripan dahil lang mag di-date sila kasi nga wala akong idea sa friendship namin nun kaya din natanong. Ang sagot naman niya ay pakipot daw kasi siya noon kay Mario.

"Sweetheart.." I heard Ate called. Nilingon ko siya. Ewan ko ba pero hindi pa din ako sanay na tawagin niya 'kong sweetheart. Ang lakas kasi maka bata eh. Hindi lang yung tawag niya sa'kin ang ang lakas maka bata, pati yung pagaalaga at pag aasikaso niya sa'kin. "Parang ang lalim ng iniisip mo ah." She comments.

"Nag mumuni muni lang." Pabiro kong sagot. Tumabi siya sa'kin at ipinikit ang mga mata tsaka tila nilasap ang masarap na hangin habang nakangiti kaya di ko maiwasang mapangiti. Ewan ko pero gusto kong nakikita siyang nakangiti, siguro din dahil same kami ng smile.

"Pwede ba 'ko magtanong?" I asked.

"Oo naman."

"Pwede na ba 'ko gumala? I mean, sigurado ako sa katawan ko na ayos na 'ko kaya baka pwede naman akong lumabas ng bakuran at makakita ng ibang tao maliban sa'tin."

"O'oo, pwede naman na. Saan mo ba gustong pumunta? Sasamahan kita."

"Hindi na baka kasi mas gusto lang ng asawa mo na ikulong ka dito eh, baka mag away pa kayo. Si Majah nalang ang isasama ko."

She smiled, amusingly. "Ako lang ba nakakapansin o parang di ka boto sa asawa ko?"

"Hindi sa hindi ako boto sa kanya, mag asawa na kayo ano pang magagawa ko? Napaka istrikto niya lang kasi na akala mo anak niya lahat ng nandito."

Sa totoo lang hindi ko siya feel. I mean, yung pagiging istrikto niya ang di ko gusto sa kanya pero boto naman ako sa kanya para kay Ate kasi mukha namang mahal nila ang isat isa. Hindi ko nga lang siya pinapansin masyado, nag tatanguan lang kami pag nagkikita sa sala after nun wala na.

She laughed. "Ganun lang talaga si Albert, yun nga ang isa sa mga minahal ko sa kanya eh. Ang hot kaya niya tignan kapag nagiging istrikto siya."

I giggled. "Hindi ka masyadong obvious na in love na in love ka sa kanya. Mag tira ka pa din para sa sarili mo."

"Binibigyan mo ba 'ko ng advice?" Natatawa niyang tanong.

"Oo syempre kapatid mo 'ko. Kapag sinaktan ka niya sabihin mo sa'kin, gugulpihin ko siya para sa'yo."

Mas lalong lumakas ang tawa niya. "Wag kang magalala, hinding hindi niya 'ko sasaktan patay na patay sa'kin yun nu."

Di ko maiwasang matawa sa sinabi niya. "Kung ganun bakit hindi pa kayo mag baby? Kung patay na patay naman pala kayo sa isat isa. Bigyan mo na 'ko ng pretty na pamangkin."

The Immortal's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon