Eighteen

10.4K 421 10
                                    

Bumalik na kami sa sala kung nasaan yung dalawa na tahimik lang na nakaupo. Mukhang medyo maganda na ang pakiramdam ni Mario mula sa pagkakatama ng baril sa tagiliran niya.

"Ano ng plano?" Tanong samin ni Majah. Sa totoo lang wala akong idea, masyado akong nag padalos dalos kanina sa pag sasabing dadalhin namin siya sa bahay dahil sa galit ko kay Damon.

Ngayon ko lang naisip pag bigla kong dinala si Majah at itong si Mario dun baka malaman na nila na may hidden activity ako maliban sa pag pasok sa school at inlove ako sa dating kaibigan ni Papa na si Damon.

Haay! Parang lalong naging komplikado lahat.

"Alam kong kakakilala niyo lang sakin bilang si Damon pero mas safe kung dito muna siya." Damon suggested.

"Wala kang gagawin ka sakanya?" Paniniguro ni Majah.

"Wala akong planong gawin sa boyfriend mo, takot ko lang sa baby ko." Sabi niya sabay tingin sakin at ngumiti ng pasweet.

"Boyfriend? Tumigil ka nga dyan!" Pagtatangi ni Majah kahit na halata naman sa pagbablush niya na type niya si Mario.

"Amber.. ano na? Anong plano?" Maj asked me. Siguro naisip niyang wala siyang makukuhang sagot kay Damon kaya sakin na siya nag tanong. Tumingin ako sa mga mata ni Damon, yung tingin na paniniguradong wala siyang gagawing masama kay Mario. Pero dahil nakipagtitigan siya sakin mukhang seryoso naman siyang wala talaga siyang gagawin.

"Mas safe nga muna sigurong nandito siya." Sagot ko sa tanong niya.

"Salamat dahil gusto niyo kong tulungan kahit alam niyong ikakapahamak niyo yun." Sabi ni Mario.

"Mas maganda kung marunong kayong ipagtangol ang mga sarili niyo, mag training tayo tulad ng ginagawa ng Papa ni Amber sakanya." Damon suggested.

"Training? Mukhang exciting yun." Maj said.

"Maniwala ka hindi exciting yun." Sabi ko naman.

"Kaya ko naman ipagtangol sarili ko, hindi ko nga lang sila kaya dahil madami sila lalo na't may baril sila na silver pa ang bala." Mario said.

"Paniguradong nakuha nila yun sa mga hunter." Damon said. Hunter? Narinig ko na tungkol sa mga hunter dati pero wala pa kong naeencouter na tulad nila.

Ang sabi lang noon ni Papa, full blooded ka man o hindi papatayin ka nila.

"Masyado palang malawak ang mundo niyong mga bampira. May hunters pa, ano sunod wolf?" Majah comments.

"I don't think na may ganun walang nabangit sakin sila Papa." I said.

"May mga sabi sabing merong Wolves pero walang kumukumpirma nun." Damon said.

"Shocks!" Maj said.

"Sa ngayon mas magandang isipin muna natin ang mawala sa bayan na to sila Manuel para makahinga na tayong lahat." Suggest ulit ni Damon. Kaya siguro siya lagi ang may suggest siya kasi ang pinaka may experience saming lahat.

"So, mag titraining nga tayo?" Excited na sabi ni Majah.

"Oo mas lalong kailangan mo ng training Majah, dahil saming tatlo ikaw lang tao at mahina." Prangkang sabi ni Damon.

"Alam ko, ayaw ko ding maging pabigat kaya looking forward talaga ako sa training." Maj said.

"Okay kailan niyo sisimulan?" I asked.

"Kasali ka, baby." Damon said making me looked at him.

"Bakit ako kasama? Tinitrain na ko ni Papa, tama na yun."

He chuckled. "Masyadong mabait sa training niyo ang Papa mo kung hindi mo na kasi itatanong pinapanuod ko kayo. Kung ako ang trainer mo, hindi ako magiging mabait sayo."

"Mabait pa siya nun? Eh paano ka pala mag training kung ganun?"

"Gusto mong ipakita ko? Bigyan na din natin ng idea si Majah kung gaano kahirap mag train."

"Sige, game ako dyan. Tutal galit pa rin naman ako sayo dahil sa pag sisinungaling mo, dun ko nalang ilalabas."

He just smirked, obvious naman na hindi siya takot sa sinabi ko. "Bring it on, Baby!"

"Anong training ang gagawin natin?" Tanong ko.

"Physical."

"Perfect!" I said smirking.

He chuckled, amusingly. "Kukuha lang ako ng weapons." Pagkasabi niya nun bigla nalang siyang nawala sa harap namin.

"Hindi naman siguro niya ko babalian nu?" Majah asked nervously.

"Don't worry, siguro nga strikto siya pero wala kang kakayahan na mabilis na paghilom kaya di niya gagawin yun." I reassured her.

Ilang sandali lang din naman bumalik na si Damon na may bitbit na isang malaking bag at mukhang mabigat yun. Weapons ba ang laman nun?

Inilapag niya yun sa sahig at binuksan at laking bigla ko na puro weapons nga ang laman. Kung ano anong armas yun, knife, ibang ibang klaseng silver knife, yung baril na parang bow na din na ginamit ni Papa noon sakin, kung ano ano pa.

"Paano ka nagkaroon ng ganyan karaming armas?" Gulat kong tanong.

"Mula to sa mga Hunters na gusto akong patayin, naunahan ko sila kaya kinuha ko yung armas nila." Ibig sabihin nun naunahan niyang patayin ang mga hunters. Shocks! Bakit ba nagugulat pa ko, normal naman na may madami na siyang napatay.

"Dahil training lang to ito ang gagamitin ko." Pinakita niya yung arnis. Seryoso ba siya dyan? Akala ko ba strikto siyang mag train? Bat arnis lang?

"Ayokong maamoy ng mga bampira ang dugo mo kaya wala akong planong sugatan ka, baby." He said sensing my thought. I see.

"Heto naman sayo.." Pahagis niyang inabot yung kutsilyo sakin. "..normal knife lang yan. Handa ka na?"

Tumango lang ako sakanya bilang pag sangayon.

Nag simula na siyang maglakad papunta sa likod ng bahay at sumunod nalang ako, siguro nandun yung training ground niya.

Sumunod din samin sila Mario at Majah para manuod sa plano kong pag gulpi kay Damon. Sa pag labas namin ng bahay, mas malawak pa tong bakuran niya sa likod kesa sa harap pwedeng pang training ground nga.

Pumwesto na kaming dalawa, hinigpitan ko ang hawak ko sa knife dahil seseryosohin ko tong training na to dahil tulad nga ng sabi ko ilalabas ko yung galit ko sakanya dito dahil sa pag sisinungaling niya.

"Ready?" I asked him. Hindi siya sumagot at naramdaman ko nalang na may tumama sa binte ko na talaga namang masakit kaya napaluhod ako.

"Ready!" Sabi niya habang nakapatong yung arnis sa balikat niya, nasa gilid ko na siya ngayon at nakatingin lang siya sakin.

Shit! Seseryosohin nga din pala talaga niya to.

--

Keep voting, babies.

The Immortal's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon