Twenty Five

9.4K 460 34
                                    

"A'anong gagawin ko?" Tanong ni Majah habang umiiyak kaya naibaling ko ulit ang tingin ko sakanya.

Ano nga ba? Hindi ko alam ang isasagot sakanya.

"Ililigtas natin siya pangako ko yan, sa ngayon kailangan nating umisip ng paraan kung paano." I said trying to be calm, kahit na sa loob loob ko nagpapanick na 'ko. Hindi niya dapat makita yun dahil baka lalo siyang panghinaan.

"Ako naman ang kailangan eh, kaya ibigay niyo nalang ako sakanila tutal kasalanan ko naman ang lahat nang 'to." Mario said.

"Hindi mo kasalanan, choice 'kong tulungan ka. Hindi ko lang naisip na idadamay nila yung magulang ko dito." Maj said.

"Tama si Majah, di mo kasalanan dude nagkataon lang na may sapak sa ulo si Manuel." Damon said kaya napatingin ako sakanya habang nagalalakad ito papalapit samin, naibaling ko din ang tingin ko sa magulang ko na nakatitig lang sa direksyon namin at nakikinig sa sitwasyon.

"Pero ako ang kailangan nila kaya ibigay niyo nalang ako para matapos na 'to." Mario said.

"Pero paano tayo makakasiguradong ligtas pa yung magulang ko kapag ibinigay ka nga namin sakanila?" Maj said.

Tumingin ulit ako kay Damon. "Nakasama mo sila dati, paano ba sila mag isip?" Tanong ko sakanya.

Mag he'hesitate siyang sumagot kita yun sa mukha niya. Dahil nag he'hesitate siya baka hindi maganda ang sabihin niya. "Hindi lang basta nakasama ni Damon si Manuel, mentor siya ni Damon." Pag sisingit ni Papa sa usapan.

What? Wait, hindi niya nabangit yun.

"Matagal na 'kong kumalas sakanila alam mo niyo yan!" Damon said to Papa.

"Hindi ka bumalik?"

"Hindi!" Nagtitigan silang dalawa, yung titigang sila lang nakakaalam. Haay! Dagdag problema 'to, paano kami makakabuo ng plano kung nagtatalo silang dalawa?

"Tumigil na kayong dalawa!" Mama scolded them. "Imbes makatulong kayo, lalo kayong nakakabigat sa mga bata. Kayo ang matatanda dito, kayo ang mga expert kaya kumilos kayo bilang expert! Dinaig pa kayo ng mga bata eh." Mama added.

Finally! May pumigil din.

Binaling nalang ni Damon ang tingin sa'kin. "Sigurado akong papatayin din nila yung magulang ni Majah, laman tyan din ang dugo nila para sakanila." Sagot niy niya sa kanina kong tanong. Oh fuck!

"No!" Maj cried again.

"Paano kung kaming dalawa ni Mario ang ibigay sakanila, bubuhayin ba nila sila Tita?" Despirada kong tanong. Wala na 'kong maisip eh kaya bahala na!

"Nababaliw ka na ba? Isasakripisyo mo sarili mo? Maganda ngang hindi nila alam ang tungkol sayo eh, tapos magsasakripisyo ka pa? Hindi ako makapaniwalang hindi ako matutuwang mana ka nga sa Tatay mo!" Damon said angrily.

"Yun lang naisip-"

"No!" Sabay na sabi ng magulang ko at ni Damon.

"Amber di mo kailangang isakripisyo ang sarili mo, tingin mo matatahimik ako kung ligtas nga yung mga magulang ko pero yung best friend ko wala na?" Panenermon din ng umiiyak na si Majah.

"Baby kung kailangan sugurin sila Manuel yun ang gagawin natin, walang isasakripisyo naintindihan mo!" Damon seriously said.

"I'm sorry." I apologized.

"Anong tinawag mo sa anak ko?" Papa asked. Shit! Tinawag pala ako ni Damon na baby. Urgh!

Damon sighed, frustratingly. "Wag ngayon, Albert."

The Immortal's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon