Forty One

7.4K 305 18
                                    

I'm with Damon. Papunta kami ngayon sa half vampire na kaibigan niya para tumulong sa plano namin patayin si Manuel. Habang sila Mama naman ay pumunta sa kaibigan nilang hunters para din sabihin 'yung plano namin.

At para din hindi mahalata ni Manuel ang plano namin, nag text na 'ko sa kanya na nag simula na si Damon mag hanap ng half vampire na iaalay sa kanya. Baka kasi pag hindi ako nagtext o mag report baka malaman niyang patay na talaga 'yung tauhan niya. Baka mag hinala pa siya pag nagkataon.

Sana lang talaga gumana 'tong plano ko. Baka kasi kapag pumalpak 'to, huli na para sa'ming lahat.

"What are you thinking?" Tanong ni Damon habang busy siya sa pagmamaneho.

"Natatakot lang akong pumalpak ang plano ko."

"Hindi mangyayari 'yun." Kompyansa niyang sabi.

"Bakit mo naman nasabi?"

"Dahil lahat tayo kamatayan ni Manuel ang gusto kaya... siguradong mangyayari 'yun."

"Sana nga." Isipin ko palang na maging ako ang dahilan ng para mapahamak sila dahil sa palpak na plano ko parang 'di ko kakayanin.

Huminga ako ng malalim at umiling. Dapat positive lang, bahala na kung anong mangyari.

"Paano mo pala nakilala 'yung half vampire na pupuntahan natin ngayon?" Pagiiba ko ng topic.

"Uh... sabihin nalang natin na iniligtas ko siya kay Manuel."

"How?"

"Plano ko na noong umalis sa grupo ni Manuel nang utusan niya 'kong dalhin sa kanya si Kelly pero dahil nga aalis na 'ko sa grupo imbes na dalhin siya kay Manuel, pinatakas ko siya."

"Kelly? Babae siya?" Tanong ko.

"Yup."

"Hindi mo naman ako ininform na babae pala yung kaibigan mo."

He chuckled. "Selos ka ba?"

I rolled my eyes. "'Di nu!"

"'Wag kang magalala. Kaibigan lang siya. Alam mo naman kung sino lang ang minahal kong iba maliban sa'yo diba?" Yah! Si Mama lang.

"Talaga bang nakapag move on ka na kay Mama?" Seryoso kong tanong. Ngayon ko lang naisip na never pa naming napag usapan ng seryoso ang about sa feelings niya noon kay Mama.

"Oo naman baby. Sigurado ako. Dati masakit pa noong nakikita ko siyang masaya kay Albert pero ngayon, hindi na. Siguro 'di mawawala sa'kin na maging espesyal siya dahil minahal ko siya noon ng sobra at dahil na din sa siya ang Nanay ng mahal ko ngayon."

"Mmm." Nag hum lang ako bilang tugon sa sinabi niya. "Tinanong ko si Mama kung nag kiss kayo ang sabi niya hinalikan mo daw siya once dati. Nag enjoy ka ba dun?"

Natawa siya ng mahina. "Paano ko naman ma-e-enjoy 'yun eh sinampal niya agad ako nung ginawa ko 'yun."

Ginawa 'yun ni Mama? Sabagay baka may gusto na siya nun kay Papa 'di nga naman siguro maganda kung halikan ka bigla ng best friend nung nagugustuhan mo.

"Nandito na tayo." Damon said. Inilibot ko ang tingin sa paligid, nasa medyo liblib na lugar kami. Ganito siguro talaga mga trip na bahay ng mga bampira.

Sabay kaming bumaba ni Damon sa kotse at direkta akong tumingin sa bahay na nakita ko.

Nag simulang maglakad si Damon papalapit sa pinto. Nasa likod naman niya 'ko at nakasunod lang sa kanya.

"Damon, what a surprise!" Dinig naming boses ng babae na nag salita mula sa likod namin. Lumingon kami para makita kung sino 'yun at isang magandang babae ang nakita ko. Siya na siguro si Kelly.

The Immortal's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon