Twenty One

9.8K 415 9
                                    

Nakarating ako ng bahay at yung kaba ko sobrang lakas. Kahit masaya ako sa ideang boyfriend ko na si Damon hindi parin naman mawawala tong kaba ko dahil sa galit ni Papa.

Sinubukan ko munang makinig ng mabuti kung naguusap ba sila sa loob para mabalanse ko naman yung mood nila.

"Siya na yun, calm yourself okay?" Boses yun ni Mama.

"I can't promise you that, honey." Boses naman yun ni Papa. Haay! Maghanda ka ng masermunan Amber. I told to myself.

Nag simula na kong maglakad papasok at naghanda na sa galit kong tatay, pag ganitong galit siya gusto kong bumalik nalang sa matres ng nanay ko.

Nakita ko ang mga magulang ko na nasa sala, si Papa nakaupo lang habang si Mama nakatayo at nakahawak sa balikat ni Papa para siguro pakalmahin si Papa.

Naglakad ako papalapit sakanila at hinalikan sila sa pisnge nila. "Bakit ngayon ka lang?" Papa asked, blankly.

"Uh.. may ginawa lang pong project." Seriously? Amber, anong palusot yan? Anong project yun?

"Bakit hindi ka manlang tumawag dito? Nagaalala kami ng Mama mo sayo, alam mong delikado ngayon sa labas lalo na't nasa paligid lang si Damon."

"Sorry po." I sincerely apologized. Tama si Papa na delikado na nga sa labas pero hindi dahil kay Damon kundi dahil kay Manuel.

Naglakad papalapit sakin si Mama at hinawakan ako sa magkabilang pisnge. "Ayos lang Sweetheart, mag pahinga ka na mukhang pagod ka na."

"Opo." Okay, hindi ito ang ineexpect haharapin kong sermon nila. Mas malalang sermon pa yung pumasok sa isip ko pero salamat nalang din at nandito si Mama kaya medyo kalmado si Papa. "Goodnight po."

Nag simula na kong maglakad paakayat ng kwarto ko at sa pagpasok ko ibinagsak ko sa kama yung katawan ko tsaka ipinikit ang mga mata ko. Siguro nga bumalik na yung lakas ko dahil sa paginum ko ng gamot kanina pero ewan ko ba parang bigla akong napagod.

Siguro dahil nakakakonsenya na din na nabibigyan ko na ng sama ng loob sakin si Papa at lagi na kong nagsisinungaling sakanila.

Haay! Dapat siguro sabihin na namin ni Damon ang tungkol samin sakanila para matigil na tong pagsisinungaling ko at para nadin malaman nilang nagbago na si Damon, na hindi na siya yung kilala nilang kumakain ng dugo ng katulad ko.

Nagising ako mula sa pagkakatulog at ang una agad ma pumasok sa isip ko ay si Damon.

Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto na naging dahilan din naman para mawala sandali sa isip ko si boyfriend.

Umupo ako mula sa pagkakahiga at nagsalita. "Pasok po."

Nagbukas ang pinto at si Papa ang pumasok. "Mag bihis ka na, mag titrain pa tayo." Pagkasabi niya nun lumabas na siya ng kwarto ko. Haay! Sa totoo lang namimiss ko na yung malambing kong tatay.

Bumangon nalang ako ng kama at inayos ito. Nag hilamos muna ako para magising ng tuluyan dahil another pagpapahirap na naman tong training na gagawin ni Papa. Kahapon si Damon, ngayon si Papa. Haay! Kailan ba matatapos tong training na'to?

Nag bihis lang muna ako dahil, itong suot ko ngayon ay yung suot ko pa kahapon. Ni hindi manlang ako nakapag palit dahil nakatulog agad ako.

Sa paglabas ko ng kwarto, dumiretso ako sa kusina para uminum dugo pangpa buhay. Naabutan ko sa kusina si Mama na nagluluto.

"Morning po." I greeted her.

"Good morning, Sweetheart." She greeted back.

"Ma, pwede po ba akong magtanong."

The Immortal's SecretWhere stories live. Discover now