Chasing 58

2.7K 93 9
                                    

A/N:

Thank you po! Last two chapters na po tayo. Paki comment naman po kung may mga pangyayari pasa dalawang story (FALLING FOR MISS PERFECT at THE CHASE) ang hindi pa nasasagot. Para po bago ko magawa ang ending ay maisulat ko na po.

May bago nga po pala akong story, iyong THE STAR nasa external link po ------>>> or http://www.wattpad.com/story/10828030-the-star. Tatapusin ko lang po ito, isusunod ko na po iyon.

Paki like na rin po iyong FACEBOOK PAGE na ANGELMELAY WATTPAD doon ko po ipopost ang ending. Thank you guys! Please VOTE & COMMENT po. 2 days akong vacation so tapos agad ito! I need 20 votes & 15 comments para maipost ko ang next chapter. Paramdam na po kayo, mag-eending na eh.

_________________________________________________

CHASING 58

BITIN

Naging smooth na ang relasyon nina Lizzie at Whimper. Wala na silang naging problema at ang lahat ay ok na. Patapos na sila ng third year at tulad ng inaasahan ay mukhang first honor overall si Whimper at second honor overall si Lizzie. Ang kanilang advance class ay maayos naman at mukhang makakapasa sila sa acceleration test ng DEPED.

Si Whimper ay purple belter na sa Muay Thai. Mukhang mabilis naman itong natuto ng nasabing self-defense, kaya hindi na ito natatakot, dahil kayang-kaya na niyang ipagtanggol si Lizzie ngayon. 

Si Dave ay ayos naman sa course nito at medyo busy kasi nakuha na itong player ng soccer ng team Philippines para sa Olympic Games. Minsan ay nakakabonding pa rin ito ni Lizzie. 

Si Rave naman ay honor din tulad ng kanyang Ate Menchie. Si Rave ay patuloy na pinaghuhusay ang pagiging varsity nito ng basketball. Samantalang si Menchie ay unti-unti ng tinetrain ni Donya Arah Cindie Choi para maghandle ng school.

Si Sam ay may bago ng kinahuhumalingan. This time ay si Rave naman ang hinahabol-habol nito. At kung papalarin, third honor overall si Samantha kasunod nina Whimper at Lizzie.

Ang lahat ay nasa ayos na. Thank God at mukhang ok na ang lahat ng mga mahal sa buhay ni Lizzie.

Katulad ngayon, busy ang kanilang tahanan sa pagpeprepare para sa wedding bukas. Ang wedding coordinator ay pabalik-balik na sa kanilang sala. Sa malaking mansion kasi ng mga Zacarias gaganapin ang wedding at dito na rin ang reception. Halos 100 chairs ata ang nakikita ni Lizzie ngayon na nilalagyan ng cover ng mga caterer. Nilalagyan din ng magenta na ribbons kasi iyon ang motiff na napili ni Lizzie. Ang mga lobo ay bukas daw ihahatid ng madaling araw at kasabay na noon ang cake.

"Masarap ba?" Tanong kay Lizzie ni Whimper pagkatapos siyang subuan ng cake. Nasa harap sila ng wedding coordinator. Halos 10 flavors ata ng wedding cake ang kailangan nilang i-taste test para makahanap ng magiging flavor para sa wedding bukas.

Kumunot ang noo ni Liizzie. Ika-limang tikim na niya ito at hindi pa rin siya makadecide. "Parang may kulang eh." Sagot niya kay Whimper na katabi niya sa upuan at kaharap nila si Miss Sheila, ang wedding coordinator.

The ChaseWhere stories live. Discover now