Chasing 38

2.4K 66 8
                                    

A/N:

Thank you po sa inyong lahat. Salamat sa mga nagvovote at nagcocomment. Thank you kina: @JuanNe15, @cocobash, @BheybichingCanales, @Riiinnn, @czarmin, at @my_mich05 sa inyong comments.

Sorry po sa late update. Nagdate kasi si Author ninyo kahapon. Tapos gomora sa bday party. Madaling araw na kami nakauwi. Then halos maghapon hangover. Sorry talaga guys!

Please VOTE & COMMENT po!

_________________________________

CHASING 38

SANA AKO NA LANG


Hinanap ni Lizzie si Dave daladala ang t-shirt na pinahiram sa kanya. Mabuti na lamang at naabutan niya ito na pabalik na ng gym ng college. Halos takbuhin niya ito at hinatak niya agad ang braso.


"Dave, sandali." Sabi niya ng iharap niya si Dave sa kanya. Hingal na hingal si Lizzie sa pagtakbo para maabutan lang ito.

"Oh?" Tanong nito sa malamig na tono. First time na maging ganito si Dave sa kanya kaya parang kinabahan tuloy siya.


"Bakit... Ka umalis?" Tanong niya habang hinihingal pa din at hawak pa rin ito.

"Ah.. Wala." Simpleng sagot nito na hindi makatingin ng diretso sa kanya.

"Wala daw? Sus!" At nagpaikot-ikot siya sa harap nito habang hinuhuli ang tingin nito.


Nagtagumpay naman siyang hulihin ang paningin nito. "Ano.. Ah.. Ano kasi.. magsisimula na ata kami sa parada." Sagot nito sa kanya.


"Ganun ba? Tara na!" Yaya niya dito at uuna na sana siyang papasok ng court.

Pinigilan naman nito ang kamay niya na nakahawak pa din dito. "Saan ka pupunta?" Kunot noong tanong pa nito.


"Hindi ba't awarding ninyo ngayon? At ngayon din tayo paparada? Ako muse ninyo di ba?" Nakangiting tanong niya.


"Hindi mo na kailangang gawin ito. Baka busy ka..."


Itinakip niya ang kanyang hintuturo sa labi nito. "Sshh! Umoo na ako. Kaya halika na." At hinatak na niya muli si Dave papasok. Sumunod na ito sa kanya.

Lumapit sila sa teammates nito. "Guys, this is Monaliza. Siya ang kinuha kong muse natin." Pakilala nito sa kanya.


Napabitaw na siya kay Dave at isa-isang naki-pagkamay. "Hello po!" At bumati pa siya sa coach nina Dave.

"Miss Zacarias, okay lang bang maging muse ka namin?" Alanganing tanong ng coach.


Ngumiti naman siya sa coach nina Dave. Tantiya niya ay nasa 30's na si Coach. "Opo, Sir! Walang problema. Basta po para kay Dave." Magalang na sagot niya.

Medyo natigilan siya ng mapatingin siya sa katabing si Dave. Pulang-pula ito. Ngayon niya lang nalaman na nagba-blush din pala ito?


"Ok. Teka, anong isusuot mo?" Tanong ni Coach.


"Ito pong intrams shirt ni Dave na pinahiram sa akin." Sagot pa niya sabay pakita ng damit.


"Oh sige. Halina kayo! Pwesto na at paparada na tayo." Sabi ni Coach sa buong team nito.


Nagsisunuran naman ang mga soccer members sa kanilang coach kasama si Lizzie. Ang dami pa nga niyang naririnig na bulungan ng mga college students na nakapila na para sa parada.

"Maganda talaga ang taga-pagmana ng school." Girl 1.

"Girlfriend ba siya ni Dave?" Girl 2.

"Pwede bang manalo sya as muse eh ang bata pa niya? Sana si Menchie ang kinuha." Girl 3.

The ChaseWhere stories live. Discover now