Chasing 31

2.5K 71 9
                                    


A/N:

Thank you sa VOTES! Thank you sa comments nina: @ming07, @JuanNe15, @iiamdannah, @czarmin, @jecdungan, @my_mich. 

______________________________________


CHASING 31

INTRAMS - SOCCER

Naandito sila ngayon sa field. Kasama niya si Ate Menchie niya. Manonood sila ng soccer game ng college students. Tulad nila sa highschool department, nagcecelebrate din ng intrams sina Dave kasabay nila. Rumingin sila sa paligid, parangsilang halos magkapatid ang nanonod na highschool dito. Pero deadma siya. Ang importante, masuportahan nila si Dave.


Although, first year pa lang si Dave, isa siya sa kinatatakutang soccer players ng higher year dito sa college department. Palibhasa ay isa ito sa mga varsitarian ng school nila. Kaya nga napapag-aral ito ng nanay nila kahit sabay sila ni Whimper, dahil sa bukod sa matatalino ay varsity parehas ang dalawang Becher.


"Ang gwapo ni D. Becher."

"Oo nga,"

"MARRY ME, DAVE!"

"Wala na daw iyang gf."


"Sino kayang nililigawan? Sana ako na lang!"


Nagkatinginan sila ni Menchie sa naririnig na bulungan ng fan girls ni Dave. May mga sumisigaw pa ng pangalan nito, nagpopropose ng pasigaw, at ang malakas na pagtili sa bawat galaw ni Dave. Talagang head-turner ang kaibigan niya.

Kumaway ang nakangiting si Dave. Marahil ay napansin sila ni Menchie, habang nag-iis-stretch ito sa gitna ng field kasama ang team mates. Ngumiti lang silang magkapatid. Syempre, ayaw nilang pagkaguluhan din sila ng fans nito sa soccer.

"AYYY!! TUMINGIN SA ATIN! KUMAWAY! WE LOVE YOU DAVE!" Nakakabinging sigaw ng pulutong ng mga babae sa likod nila. Ang akala ata ay sila ang nginitian ni Dave.


At dahil 10 mins. before the game, lumapit muna ito sa kanila.

"Ahhh! Papunta sa atin si Dave." Tili na naman ng mga babae sa likod nila.


"Buti nanuod kayo, Lizzie, Menchie..." Nakangiting sabi ni Dave pagkalapit sa kanila. Ang dami tuloy matalas ang tingin sa kanila.

"Ahhh! Kilala nila? Girlfriend ba ang isa sa kanila?" Narinig ni Lizzie na bulong ng babae sa gilid nila.

"Syempre naman. We will support you eh." Sagot ni Menchie.

"Oh sige, balik na ako doon. I-cheer mo ako, Lizzie ha." Nakangiti pang sabi ni Dave.

"Oo. We will cheer for you." Sagot naman niya. Nakipag-high five pa ito bago umalis.


"Ayyyi!!!! BECHER! BECHER!" Tili ng mga fans ni Dave. May mga supporters din naman ang ibang player pero iba talaga ang sigaw kay Dave.

Halos patapos na ang game ng mapansin ni Lizzie ang pagdaan ni Whimper. Naka-sunod lang siya ng tingin dito hanggang makaupo ito.


"Iyan ata ang kapatid ni Dave. Cute din, ano? Pero ang baduy!" girl 1. Marahil ay nabasa ang initial ni Whimper sa likod ng shirt nito... W. BECHER.

"Ang galing niya kaya sa tennis." girl 2.

"May itsura, pero mukhang lampa." girl 3.


Pinisil ni Menchie ang kamay ni Lizzie. Ang lakas naman kasing magchismisan ng mga bruha sa likod. Napatingin si Lizzie. Naniningkit na ang mata sa mga babae sa likod.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon