Chasing 44

2.3K 73 8
                                    

A/N:

Thank you sa votes and comments ninyo! Salamat po! Thank you sa comments nina: @my_mich05, @czarmin, @iamjunaquel, at @JuanNe15. PLEASE VOTE & COMMENT PO!

___________________________________________

CHASING 44

IPINAHIYA

AFTER A FEW MORE MONTHS:

Makalipas ang ilang buwan ay successful namang naiwasan nina Lizzie at Whimper ang isa't-isa. Hindi naman naging mahirap para sa kanila kasi lagi naman silang napapalibutan ng kanya-kanya nilang followers at admirers. At kung hindi man iyong kanya-kanya nilang grupo, ay sina Rave at Dave ang kasama niya. While si Whimper, madalas si Sam ang nakabuntot dito. Kaya kung magkasalubong man sila, hanggang titigan na lamang silang dalawa.

Tulad ngayong naglalakad si Lizzie kasama ang admirers niya para mag-lunch. Pinababayaan na lamang niya ang mga ito. Nagsasawa na rin siya sa kakasaway sa mga ito, na huwag na siyang sundan ng sundan, kaya pinabayaan na lamang niya. Nagkatinginan lang sila ni Whimper ng makita niya ang grupo nito na kalalabas lang ng room ng second section. Habang siya naman at ang mga admirers niya (Paolo, Eric, Sean at Jof) ay dumaan papuntang canteen. Pero agad siyang nagbawi ng tingin at blangko ang expression na nagpatuloy maglakad.

Pagdating ng canteen ay halos magkasunod ang dalawang grupo. Naglingunan pa ang mga estudyante sa loob na para bang may mga dumating na KPOP idols.

"Whimper, ang pogi mo!" Tili ng mga babaeng humahanga dito.

"Lizzie, please be mine!!" Sigaw naman ng mga fans niya. Napasimangot na lang ang mga kasama niya.

Mabuti na lamang at pinagamit na sa kanya ng kanyang Mama ang privilage na sa aircon part ng canteen nila siya kumain. May aircon part kasi sa canteen na kinakainan ng mga importanteng officials at bisita ng school nila. Ang tanging naghihiwalay sa special part ng canteen at ang canteen ng mga estudyante ay ang glass walls at windows.

Ayon sa kanyang Mama, noong buhay pa ang ama ni Menchie, si Justine Choi, ay madalas daw itong dito pumuwesto. Dito daw lihim na pinapanuod ng namatay na ama ni Menchie ang kanilang Mama. Dito kasi sa part na ito, hindi mo na kailangang pumila dahil may waiter na lalapit sa iyo. 

"Ano pong order, Ma'am Lizzie?" Lapit nung waitress sa kanila.

Bumaling siya sa mga kasama. "Bahala na kayong magsabi ng gusto ninyo, basta ako rice at chicken curry." At isinulat naman ng waitress ang mga sinabi nila.

"Wow! Second honor ka na naman last second quarter ha. Ngayon kaya? Pangilan ka?" Nabibilib na tanong sa kanya ni Eric. Si Eric na simula ata ng first year sila ay nililigawan na siya. Natigil lang noong panahong sila pa ni Whimper.

The ChaseWhere stories live. Discover now