Chasing 27

2.6K 76 12
                                    

A/N:

Please help me plug my story to your friends. Thank you po! Hit vote & comment po agad. Salamat po!

____________________________________________

CHASING 27

IPAGLALABAN

AFTER A WEEK:


One week na ang nakakaraan. Busy si Lizzie sa school works at sa practice ng gymnastics team para sa padating na intrams. 


Kahit magkatabi lang ang classroom nila ni Whimper, ay hindi na sila nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap muli. Magaling sila kapwa umiwas. Pero magkagayunman, minsan ay nagkakahulihan pa rin sila na nakatitig sa bawat isa. Pagka dumadating ang ganoong pagkakataon, automatic nang umiiwas agad ang isa. Pero tulad ng kasabihang, KAPAG NAHULI KA NG CRUSH MONG NAKATITIG, HUWAG KANG MAHIHIYA. IT ONLY MEANS NA NAKATITIG DIN KASI SIYA SA IYO KAYA KA NAHULI!

Pauwi na siya mula sa practice. Sakay na siya ng kotse. Palabas na sana sila ng school nang biglang kumatok ang humahangos na si Dave. Huminto kasi sila dahil iyong nasa unahan nila, ibinabalik ng guard ang I.D. ng driver. Pinagbuksan naman iyon ni Lizzie at isinabay na nila pauwi.

(Later..)


"Pasok ka muna." Yaya sa kanya ni Dave nang maihatid na nila ito.

"Hindi na." Pagtanggi niya. 


"Natatakot kang baka naandito si Whimper?" Tanong nito sa kanya. Nakatingin sa kanyang mga mata. Parang binabasa ang nasa isip niya.

"Hindi naman sa ganoon." Nag-iwas siya ng tingin.


"Wala si Whimper. Nasa court. Nagpapractice ng tennis para sa intrams." Nakangising sabi nito sa kanya.


"Loko. Wala naman akong pakialam kahit naandiyan pa siya!" Mahinang hinampas niya ito sa braso.

"Kunyari ka pa." At humalakhak ito ng tawa.

Lokong Dave! Lakas mang-asar! Kaya ang ginawa ni Lizzie ay kinurot niya ang tagiliran nito. "Inaasar mo ako ha." At kinurot niya pa muli.


Napangiwi naman si Dave. "Awwe! Sakit!" Daing nito habang iniinda ang kurot niyang pino.

"Asarin mo pa ako, at tatadtarin kita ng kurot!" Napipikon na sabi niya.


"Si Hipag naman!" Pang-aasar muli nito.


Naiinis na talaga siya. "Ano kamo?" At piningot niya ang tenga ni Dave.

Tawa naman ito ng tawa habang hawak-hawak ang kamay niyang nakakapit sa tenga nito. "Aguyyy naman.... Eh di Honey na lang!" Nakuha pa nitong mang-asar muli.

"Hindi mo ba ako titigilan?" Masama na ang titig niya.

"Galit na si Honey ni Bayaw.." At humahalakhak itong umikot sa kotse para maiwasan ang magantihan niya muli.


Napangiti na siya sa kapilyuhan ni Dave. Actually, ang nakapagpaiba ng mood niya ay ang salitang bayaw. Bayaw daw niya ito. That means asawa niya si Whimper. At kinikilig siya dun.


Hinabol niya ang paikot-ikot sa kotseng si Dave. "Honey, come here..." At nakisakay na siya sa biro nito.

"Ayoko, Honey!" At humahalakhak itong nagpapahabol sa kanya. Baliw talaga!

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon