Chasing 42

2.3K 72 9
                                    

A/N:

Salamat sa mga nagVOTE & COMMENT. Lalo na kina: @Juan Ne 15, @iamjunaquel, @ming07, at @czarmin.


_______________________________


CHASING 42


UNEXPECTED GUEST


KINABUKASAN:



Pagkagising ni Lizzie ay nagsisipaghanda na ang kanyang pamilya papasok sa kanya-kanyang trabaho at school. Sabay-sabay silang nagbreakfast magpapamilya. At pagkatapos mag-breakfast ay isa-isa na itong nagpaalam sa kanya.

Malungkot na pumunta si Lizzie sa may garden at umupo sa garden chair. Nakatingin siya sa kawalan ng tapikin siya ng guard nila sa balikat.

"Maam, pinabibigay po noong kaibigan ninyo kagabi." Halos pabulong na sabi ni Kuya Guard at inabot ang tsokolateng iniwan ni Rave para sa kanya last night.


"Salamat nga pala kagabi."


"Walang anuman po. Huwag ka na po kasing malungkot. Ang makita namin na nakangiti kayo, masaya na kaming mga empleyado sa mansion na ito." Magalang na sagot nito. Kung nasa bitchy mode siya, iisipin niyang nagpapalakas ito sa kanya. Sumisipsip. Pero dahil nasa very sad mode siya, nauunawaan niyang honest ang opinion ni Kuya Guard.

"Thank you!" Pasasalamat niya sa guard at pinabalik na ito sa pwesto nito sa pagbabantay.

Hindi siya mahilig sa chocolates, pero parang itong bigay ni Rave ang pinakamasarap. Sawang- sawa siya sa mga bigay dati ng suitors niya, pero itong chocolate na ito ang tanging kinain niya mula sa isang suitor. Alam niya kasi na hindi biro ang effort ng taong nagbigay nito.

Paubos na ang kinakain niya ng bumalik ulit sa harapan niya si Kuya Guard. May dala itong isang rose na parang pinitas lang sa halamanan ng kung sino. Isang white rose.

"Mam Lizzie." At inabot ni Guard ang bulaklak.

Natigilan siya sa bulaklak na bigay nito. "Kanino galing iyan? Sa iyo?" Seryosong tanong niya. Alam niyang malungkot siya, pero hindi niya ito tatanggapin kung galing sa guwardiya nila. Kahit na mukhang bata pa ang binata nilang guwardiya ay magagalit siya.

Napakamot ng ulo si Guard. "Mam, hindi po iyan galing sa akin. Bigay po noong bata sa labas pinabibigay daw noong binatilyong kasama niya." Nahihiyang sagot nito.

Parang gusto ni Lizzie na kainin siya ng lupa. Assuming ang tawag sa kanya. Ang akala niya ay galing ito dito sa kaharap niya. "Salamat. Pero sino?" Takang tanong niya.

"Hindi ko po kilala. Basta kabibigay lang po ng bata sa may gate ng bahay ninyo." Sagot ni Kuya Guard.


Agad siyang napatayo. Out of curiousity ay gusto niyang malaman kung sino kaya lalabas siya ng gate. Pinagbukas naman siya ng guard ng gate. Lumingon-lingon siya pero wala siyang matanaw.


"Nasaan iyong may dala nito?" Tanong niya sa ikalawang guwardiya nila. Ito naman ay medyo may edad na. Parang ka-age ng parents niya.


"Ayun pong kasama ng bata." Sabay turo sa tricycle na nakaalis na sa hindi kalayuan.


Tinanaw niya ang direksyong tinuro nito. Hindi na niya nakita ang mukha ng nakasakay pero nakita niya ang likod nito. Parang familiar ang batok at suot nito polo. School uniform sa school nila ang suot na polo ng nagbigay. Pero sino nga ba?

"Wala bang ibang sinabi? Nakita ba ninyo ang mukha nung lalaking nagbigay?" Tanong niya sa dalawa.

"Iyong bata lang pong lalaki ang nakita ko. Iyon pong kasama na nagpapabigay ay hindi ko nakita ang mukha sa loob ng tricycle. Tanging uniform lang po sa school ninyo ang nakita ko." Magalang na sagot ni Guard 2.

The ChaseWhere stories live. Discover now