Chasing 10

2.9K 72 16
                                    




A/N:



Thank you po sa lahat nagVOTE at nagCOMMENT. Next chappy ko na po kayo iisahin. Sobrang busy today e.




__________________________________________




CHASING 10





DREAM







KINABUKASAN:







"Are you sure pwede kitang iwan dito?" Nag-aalalang tanong ni Papa Tope kay Lizzie. Nilagnat kasi si Lizzie dahil sa pagkakababad sa ulan kagabi. Monday pa naman at first day of the week para sa office at school.










"Opo, Papa. Kaya ko na, nandyan naman si Yaya." Sagot niya habang nakahiga sa kanyang kama. Ang kanyang Ate Menchie ay nasa school na. Samantalang ang kanyang Mama Ria ay nauna na ospital na pinapasukan nito.











Hinalikan siya sa noo ng kanyang Papa. Napaka-swerte nila at mapagmahal sa Pamilya ang kanilang Papa Tope. "Tawagan mo lang ako kapag tumaas ang lagnat mo, ok?" Bilin pa nito.







"Opo, huwag kayong mag-alala at lagnat lang po ito." Sagot niya na may ngiti sa mga labi.








Lumabas na ang kanyang Papa para magbilin sa mga kasambahay bago pumasok sa opisina. Habang siya naman ay pilit ipinikit ang mga mata. Kahit kasi mataas ang lagnat ay hindi siya nakatulog halos. Palaging sumasagi sa isip niya ang eksena kahapon. Ang eksenang naging dahilan para magkasakit siya ngayon. Ang nakita na naman niyang magkasama si Whimper at Sam. 








"Whimper." Huling bigkas niya bago tuluyang hinila ng antok.








(Later.)








"Whimper, ano na namang ibig sabihin nito?" Lumuluhang tanong niya.









"Sorry, Lizzie. napagpustahan ka lang namin." Walang expression na sagot sa kanya ni Whimper.









Hinawakan niya sa kamay si Whimper. Wala na siyang pakialam sa mga taong dumadaan. Ang nasa isip niya lang ay magmaka-awa sa pagmamahal nito. "Whimper, please? Parang awa mo na." Pakiusap pa niya na ang mga mata ay binubukalan na ng luha.










"I'm sorry, Lizzie. Si Samantha talaga ang nasa puso ko." Pilit itong kumawala sa kapit niya at tumalikod na.








"WHIMPER!!!" Pilit na sigaw niya pero walang lingon likod na itong umalis sa harap niya.














"Lizzie.... Lizzie....."








Humihingal na napabangon siya. Mabuti na lamang at ginising siya ni Dave. Kung hindi ay baka hindi na siya nagising mula sa bangungot na iyon.








"Nanaginip ka." Masuyong sabi ni Dave at hinaplos ang kanyang likod para mapatahan siya. Nagising kasi siya na totoong may luha sa mga mata.









"Bakit naandito ka?" Tanong niya habang inaayos nito ang unan at sasandal siya sa headboard.








Pero nagulat ito ng mapadikit ng bahagya sa katawan niya. "Ang taas ng lagnat mo! Mahiga ka na lang ulit." Inalalayan pa siya nito para muling makahiga.









"Salamat, Dave. Pumasok ka ba?" Tanong pa niya.







"Isa lang ang subject ko kanina. Mabuti na lang at nakita ko si Menchie sa library at nasabi niyang maysakit ka daw." Sagot nito habang inaayos ang kumot at unan niya.









"Ganoon ba? Ah...eh...pumasok ba si...."








The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon