"Siyempre hindi pa. Ang aga pa kaya!"

"Good. Traffic kasi eh."

"Ha? On the way ka na? Ang aga mo!"

"Nagtaka ka pa eh ang layo kaya ng bahay niyo!"

"Ah sabagay. O sige, ingat ka ha?"

"Oo naman, magde-date pa tayo eh."

"Leche ka talaga!"

***

Andito na kami ngayon sa mall at hindi naman maiiwasan na may napapatingin kay Des, model nga kasi siya.

Oh please I am not into 'history repeat itself'. Ganito rin kasi ang nangyayari 'pag lumalabas kami ni Paula noon.

Hinayaan ko na siya ang pumili ng papanoorin namin dahil baka 'pag pumili ako ng horror isipin niya na chansingan ko lang siya. 'Di ako ganon noh. Tsaka siyempre, siya ang babae kaya siya ang pinapili ko. Rom-Com naman ang pinili niya. Okay, fine with that.

Bumili na ako ng ticket, popcorn at drinks.

Hindi ako maka-concentrate sa pinapanood namin. Mas gusto ko pang panuorin ang pagtawa niya eh.

Her laugh is the best sound and her face is the best picture.

Nang makita naman niyang nakatitig ako sa kaniya eh hinawakan niya ang pisngi ko at pinaharap sa screen.

"Sayang binayad mo kung hindi ka manunuod." pabulong niyang sabi.

"Masasabi ko lang na sayang 'yon kung hindi ka masaya."

Hinampas niya na lang ako at nanuod na ulit.

Pagkatapos namin manuod ay nag-ikot-ikot muna kami sa mall.

"You want ice cream?" I asked

The DestroyerWhere stories live. Discover now