Magre-reply pa lang sana ako nang mag-text ulit siya.

From: Desiree

Okay! Pick me up at 3pm.

Nahampas ko naman 'tong unan ko sa tuwa.

To: Desiree

Thanks! See you later, pretty!

Agad-agad akong naligo at nagpagwapo. Ano ba, tshirt, polo, magdya-jacket ba 'ko?

Tangna naman Henry. Parang first time mo naman makikipag date eh. Kalma.

At dahil movie date naman iyon ay nag-tshirt na puti ako at checkered na polo, black jeans at vans shoes.

Pagbaba ko naman ng hagdanan eh nabigla ako nang makita ang parents ko. Ba, bihira 'tong ganito, 'yung maaabutan ko sila sa bahay.

"May lakad ka, anak?" tanong ni Mommy.

"Date mom." I kissed her cheek.

"O nagkabalikan ba kayo ni Paula?" tanong naman ni Daddy.

"Paula? Tch. Nabulok na ata sa Amerika 'yon." tunog ampalaya.

Natawa naman si Daddy. "Bitter mo naman, anak. At kelan mo naman balak ipakilala 'yang bago mong girlfriend sa'min, aber?"

I smiled. "'Pag kami na."

At umalis na nga ako. Malayo ba ang lalakbayin ko papunta kanila Desiree noh! Siyempre 'pag weekends umuuwi siya sa bahay nila at after din ng movie date namin eh ihahatid ko na siya sa dorm.

Lakas sa gas netong babaeng 'to buti na lang naabutan ko sila Daddy kanina, nabigyan ako ng pera.

At traffic. Sunday na Sunday traffic. Haaaaay. Ang tagal pa tuloy bago ko makita si Des.

Naisip kong tawagan siya, naglagay na lang ako ng earphones alam niyo naman bawal 'pag nagda-drive.

"Hey, you ready?" I asked.

The DestroyerWhere stories live. Discover now