Chapter 30 (Last chapter)

9.8K 163 2
                                    


*Yohan's pov.

maaga akong pumunta dito sa tapat ng condo nila jasmine gusto ko na kasi siyang makita, kumatok naman ako, ewan ko ba kung bakit pero parang kinakabahan ako.

"yohan" halatang kakaligo niya lang, basa pa kasi yung buhok niya.

"pwede ba tayong lumabas ngayon? ang tagal nating hindi nagkita kaya marami ka sa aking utang" nginitian niya naman ako at tinawanan.

"sige pasok ka muna magbibihis lang ako" nakita ko naman si glaiza nginitian niya ako yung ngiting alam kong naawa siya sakin, alam ni glaiza ang lahat.

"goodluck" sabi niya, nakita ko namang pababa na si jasmine.

"di mo man lang sinabi sa akin na may date ka ngayon" pangloloko ni glaiza kay jasmine kahit na alam kong alam niya naman ang mga nangyayari, nagpapasalamat ako sa pag-akto niya ng normal.

"ah h-hindi ko din naman alam" nahihiya pang sabi ni jasmine, tinulak tulak pa kami ni glaiza sa labas at sinabing mauna na kami.

"saan tayo pupunta?"

"sa bahay ko, hindi pa kita nadadala dun" gusto kong makilala niya ako, gusto kong makatapak siya sa bahay ko kahit minsan lang, gusto kong mag-iwan siya ng ala-ala sa akin kahit sa maliit na bagay lang.

gusto kong lakarin lang namin yung bahay ko tutal malapit lang naman at gusto ko rin hawakan ang kanyang kamay.

"natatandaan mo ba itong daan na ito? dito kita unang nakita" dito ko siya unang nakilala, lagi lagi ko itong pinupuntahan kapag wala akong magawa, kapag namimiss ko siya.

"nakakahiya naman yung una nating pagkikita, wag mo na ipaalala" natawa naman ako sa sinabi niya, kung alam niya lang na yun ang pinakahindi ko makakalimutang araw sa buong buhay ko.

narating din namin agad ang bahay ko.

"ikaw lang ba mag-isa ang nakatira dito? ang laki naman" gusto kong sabihin na ipinatayo ko ito ng dahil sa kanya, malapit sa lugar kung saan una kaming nagkita.

"may gusto lang sana ako ibigay kaya kita dinala dito" inilagay ko sa kamay niya ang isang kahon na may laman na necklace na may susi na design, design kamukha ng susi ng bahay, hindi ko man siya makakasama dito sa bahay at least nabigay ko sa kanya ang simbolo ng aming ala-ala.

*Harold's pov.

napatingin naman ako sa orasan, isang oras na akong naghihintay ang tagal, lagot talaga sa akin ang yohan na yun kapag hindi siya sumunod sa kasunduan.

"sorry pre kung natagalan" napatayo naman ako ng makita ko sila.

"hah? si harold ba yung sinasabi mo?" naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko masagot abg mga tanong ni jasmine, alam kong naguguluhan na din siya sa mga nangyayari pero ako din naman naguguluhan.

"ah oo jasmine, sige una na ako kailangan na kasi ako ni tita sa work, itago mo yung binigay ko ah" iniisip ko sa oras na ito kung magiging ganyan din ba ako manaya katulad ni yohan? pero ayoko muna yun isipin.

"ah saan tayo pupunta harold?"

"obvious pa ba, ilang araw ka na kayang wala sa trabaho"

"hala oo nga pala, ikaw naman kasi hindi mo na ako sinusundo, akala ko tuloy ayaw mo ako pumasok" kung alam mo lang jasmine...

"halika na nga, ikaw ah tamad ka magtrabaho" natatawa na lang ako sa pagproprotesta niya

kinekwentuhan ko siya habang nasa byahe ayoko kasing makatulog siya, medyo madali lang yung byahe namin, pinagbuksan ko naman siya ng pinto

"anong meron, bakit walang tao?, ganito ba talaga pag linggo?" hinawakan ko yung kamay niya buti naman hindi siya tumutol

"pinasarado ko muna ngayon para masolo kita" hinampas niya naman ako sa balikat tinawanan ko na lang siya at dinala sa kitchen

"anong ginagawa natin dito?" binigay ko naman sa kanya yung cook book kung saan nakalagay lahat ng ginawa kong dish

"maiksi lang ang oras at hindi ko kakayanin ituro ang lahat ng nandiyan kaya gusto ko itabi mo yan jasmine" kita kong naguguluhan siya

"halika na, punta tayo sa rooftop" buti na lang madilim na hindi nakikita ang pagtulo ng luha ko, ang hirap...sobrang hirap

"jasmine..." tawag ko sa kanyang pangalan

"mhh?, bakit?" tinibayan ko ang loob ko para masabi sa kanya ang dapat kong sabihin

"pupunta na ako sa London..." napatingin naman siya sa akin at alam kong nagulat siya kahit pa hindi ko maaninag ang mukha niya

"gusto ko alagaan mo itong restaurant, wag mo itong papabayaan hah? gusto ko pagbalik ko mas gumanda pa itong restaurant...mahal na mahal kita" inilagay ko naman sa kamay niya yung susi, susi ng H&J restaurant, ang tangi kong alaala sa kanya

My Bestfriend And My Husband Love Affair (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon