Chapter 28

7.4K 146 0
                                    


*Jasmine's pov.

hindi naman pwede na habang buhay na akong magtago sa restaurant kaya naisipan kong umuwi na para hindi mag-alala si glaiza, isang linggo din kasi akong hindi umuwi, sa office ako natutulog at ganun din si harold, para daw may kasama ako

"thankyou harold, sobrang saya ko"

"wag kang ganyan, basta bukas pumasok ka, tandaan mo restaurant natin yun" tinawanan ko na lang siya bago bumaba ng sasakyan, binuksan niya pa yung window at sinabing pumasok ako bukas

hinintay ko munang makaalis siya bago pumasok

"ohmy jasmine!, sa wakas naisipan mo ng umuwi" nginitian ko na lang si glaiza, halatang pinag-alala ko siya

"sorry na, at least nakauwi na ako diba, tsaka busy ako sa work" halatang nagulat siya ng banggitin ko ang salitang 'work'

"seryoso ka? may trabaho ka na? ang bilis naman, kailangan ba talagang mawala ka ng isang linggo para sa trabaho mo, aba nag-artista ka ba?" tinawanan ko na lang siya sa mga tanong niya

"ang tagal mong nawala, dahil diyan dapat samahan mo ako sa—" naputol ang pagsasalita niya ng narinig naming may kumakatok

"jasmine, mag-usap tayo! let me explain please" boses ni drake napatingin naman ako kay glaiza

"isang linggo na din siyang pabalik-balik, kausapin mo kaya?" napailing naman ako agad sa sinabi niya

"fine, sasabihin ko na lang na wala ka" tumango naman ako at pumunta sa gilid para hindi ako makita ni drake pag binuksan ni glaiza yung pinto

"i'm sorry drake pero hindi pa rin siya bumabalik" nagagalit pa din ako sa mga ginawa niya sa akin, ang lakas ng loob niyang pumunta dito!

"h-hindi mo ba talaga alam kung nasaan siya?" ayaw ko siyang pakinggan, dahil nanghihina ako kapag naririnig ko ang boses niya

"i'm sorry talaga, sa tingin ko, pinagtataguan ka niya ngayon masyado siyang nasaktan drake sa mga nangyari sana maintindihan mo yun" pagkatapos nun narinig ko ang pagsara ng pinto

"thankyou glaiza"

*Drake's pov.

hindi ko alam kung wala ba talaga siya dun, pero malakas ang kutob ko na andun siya, sana pagbigyan niya ako

pumunta ako sa company nila yohan, kailangan kong makita si yohan

saktong pagkapasok ko nakita ko siyang naglalakad, agad ko naman siyang pinuntahan

"Anong ginagawa mo dito!?" kahit galit na galit siya sa akin hindi ako magpapadala

"kailangan ko ng tulong mo" tinawanan niya lang ako sa narinig niya, sino ba namang hindi matatawa diba? ako, humihingi ng tulong sa karibal ko

"mali ka ata ng pinuntahan"

"nasaan si jasmine?" diretsong tanong ko dahil alam kong lalagpasan niya lang ako

"hindi ko alam, bakit hindi mo itanong dun sa harold" napakunot noo naman ako, tama ba yung narinig ko?

"harold? saan mo naman nakuha yan?" isang harold lang ang kakilala ko at imposible naman yun dahil ang tagal ko na siyang hindi nakikita matapos niyang magresign sa company

"oo bakit?, kilala ko ba yun?" ibig sabihin talagang may gusto si harold kay jasmine? hindi lang kaibigan ang tingin niya kay jasmine sa mga panahon na yun? kaya ba siya din ang nagsabi kay jasmine ng tungkol sa amin ni alice?

"pwes, sabihin mo sa harold na yan i-uwi niya na si jasmine!" mukhang kailangan ko din ng tulong ni harold

My Bestfriend And My Husband Love Affair (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon