Chapter 9

12.7K 199 5
                                    

*Yohan's pov.*

"sige lang miss, iiyak mo pa, alam ko namang di mo yan maiiyak kapag kaharap mo na yung asawa mo eh" tama kayo, nakakapagsalita na ako medyo naging kumportable na rin kasi ako sa kanya simula ng ikwento niya sa akin ang problema niya.

"a-aalis na ako" nginitian ko na lang siya

magkikita din tayo...ulit

*jasmine's pov.*

tama siya, di ko ito maiiyak kung nasa harap ko si drake, nagpapanggap ako na malakas pero ang totoo sobrang hina ko.

sa dinami-dami ba naman kasi ng kabit niya, bakit yung kaibigan ko pa? bakit yung tao pa na hindi ko inaasahang manloko sakin.

"DRAKE BUNTIS AKO, PLEASE NAMAN PANAGUTAN MO AKO!" nahuli ko silang nagsisigawan halos hindi na nila ako napansin at halos mawalan na ako ng dugo sa narinig ko.

Kahit hindi na dapat ako magulat na may nangyari na sa kanila ang sakit la rin, ang sakit kasi hindi ko matanggap.

"d-don't worry maghihiwalay na kami, actually ilang beses na ako kinukulit ni drake na makipaghiwalay, k-kaso ayoko kasi manhid ako, nage-expect pa rin ako na mahal niya ako" pinilit kong hindi pumiyok kaso hindi ko kaya, sobrang nasasaktan ako sa nangyayaro at hindi ko kayang umakto na malakas.

"hon..." si drake umiiyak? magaling pala siya'ng umarte, atleast nalaman ko na isa pala yan sa passion niya, ang tagal niya nga akong napaikot at ganun siya kagaling, mga hayop sila! pinagmukha nila akong tanga!

Umakyat na ako habang tumutulo ang luha ko. Agad ko namang inayos yung mga gamit ko, wala na siguro akong dahilan para tumira pa dito, dahil wala na rin naman akong space sa bahay nito.

Bakit ang bilis kong sumuko kahit may karapatan ako? dahil wala namang magandang mangyayari kung ipipilit ko pa yung sarili ko sa kanya.

"please wag mo akong iwan!" nakakainis siya, sobra!

"sana naisip mo yan bago mo gawin yung mga katarantaduhan niyo!" lumabas na yung galit ko sa kanya, ang kapal ng mukha niyang sabihing huwag ako umalis pagkatapos ng mga nagawa niya, hindi man lang ba siya nahiya?

"pananagutan ko na lang siya pero please wag mo akong iwan" nanghihina ako, mahal ko si drake, sobra...kaso hindi ko kaya sirain yung kinabukasan ng anak niya ng dahil lang sakin.

"sana maging masaya na kayo" sabi ko at lumabas na ng kwarto

nakita ko pa si alice na nakaupo lang, si drake naman pababa na

"i'm sorry..." rinig kong bulong ni alice.

"sorry din, ang selfish ko pala, hindi ko alam na nagmamahalan kayo, pero wag kang mag-alala wala na kaming relasyon simula ngayon pirma na lang namin ang kulang" binitbit ko na ang mga dala ko at lumabas na, hindi man lang ako nakapagpaalam kila manang.

hahawakan ko na sana yung bukasan ng gate ng may yumakap sakin

"please wag mo na akong i-iwan hon" umiiyak na sabi ni drake, nanghina lalo ang mga tuhod ko dahil sa pagyakap niya, pero pag nagpadala ako maraming masasaktan.

"i'm sorry" sabi ko at lumabas na.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, nasa ibang bansa ang parents ko, nandun kasi sa australia ang main branch ng restaurant namin.

"MISS!" nagulat naman ako at dahil sa sobrang bilis ng nangyari hindi ko na alam parang nag black out na lang yung paningin ko.

Yohan's pov.*

"ma'am may nabangga ngang babae" sabi ko sa aking boss, may nabangga yung driver, medyo kinakabahan ako sa nagyari pag nagkataon baka madamay pa kami ni boss.

"ako na lang yung titingin" sabi ko sa kanila at bumaba ng sasakyan, pagkakita ko pa lang ng mukha niya kinabahan na ako.

" manong tulungan niyo ako!" bumaba naman agad yung driver.

Agad naman naming dinala sa sasakyan yung babae kanina, pinatawag kasi ako kanina ni boss dahil may trabahong nakalimutan.

"kilala mo siya? naku, buti hindi masyadong nagalusan pero dumudugo yung ulo niya!" kinuha ko agad yung panyo ko para ilagay dun sa ulo ng babae, kinabahan ako sa pagdugo ng ulo niya.

"nakausap ko po kasi siya kanina bago ako pumunta sa inyo bossing"

"kamukhang-kamukha niya si darlene" si darlene yung namatay na anak ni boss last month and yeah kamukha nga ni beautiful stranger si darlene.

-not edited-

My Bestfriend And My Husband Love Affair (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon