Chapter 8

12.9K 207 3
                                    


***Drake's pov.***

Gusto ko na tapusin lahat ng meron samin ni alice after ng anniversary namin, oo inaamin ko, nakaramdam ako ng takot kay Harold at hindi ko hahayaang makuha niya sakin si Jasmine.

Hindi ko na kayang lokohin si jasmine at hindi ko rin kayang lokohin ang sarili ko na hindi ko mahal si jasmine kasi mahal ko siya, masyado lang siguro akong nadala kay Alice, tumunog naman yung cellphone ko.

"sir okay na po sa park" medyo kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni alice, ayoko namang saktan siya pero wala ng ibang paraan.

***jasmine's pov.***

Nagising ako dahil sa inalarm ko 11:30 na, wala si drake sa tabi ko at hindi na ako nagulat dahil madalas naman siyang abutan ng umaga kapag umuuwi.

so, dun kami pupunta sa pinuntahan niya?

Hindi na ako nagpalit ng damit naglagay lang ako ng bra, naka-short shorts at loose shirt lang ako sinuklay ko na lang yung buhok ko, nakapambahay lang ako.

Agad naman akong bumaba, madilim tulog na kasing silang lahat, tahimik akong bumaba sa mahabang hagdan hanggang sa makalabas.

"harold" paano ba naman kasi tulog na si harold dito sa tapat ng gate buti hindi siya nakita ng mga katulong kanina.

"sorry, kanina pa kasi akong after work eh" hala seryoso ba siya? ang dami pa namang lamok dito pag gabi puro halaman kasi. Ewan ko kung bakit imbes mainis ako natawa ako sa itsura niya.

"hintay!, ang laki kaya ng paghakbang mo"sabi ko sabay habol sa kanya.

"sure ka bang maglalakad lang tayo?" malay ko ba kung gaano kalayo.

"nagkamali nga ako eh dapat dinala ko na lang yung sasakyan, ang iksi ng suot mo jasmine" pinatungan niya naman ako ng jacket sa balikat ko.

"wala namang tao" gabi na kaya, kaya wala na talagang taong gumagala sa ganitong oras, siguro yung mga galing na lang sa trabaho na pauwi na.

"ah so hindi ako tao?" sana ganito din si drake, yung nakakausap ko siya ng walang ilangan.

"tago jas" bulong niya sabay hila sa akin papunta sa puno.

"today is their anniversary, ri-nent ni drake itong buong park" hindi ko alam pero naiinis ako sa sarili ko, naiinis ako sa di ko malamang dahilan, imbes na magalit ako kay drake naiinis ako sa sarili ko

samantalang nung anniversary namin mag-isa lang akong nag celebrate, hinintay ko pa siya nun pero sa huli umuwi siya ng lasing, na-excite pa naman ako noon nung narinig ko ang sasakyan niya akala ko kasi natagalan lang siya para sa pag-aayos ng anniversary namin hindi ko naman alam na masama na pala ang umasa

nakita ko naman silang dalawang papunta sa table, may piring pa si alice, si alice na akala ko kaibigan ko, paano niya sa akin ito nagawa?

"you like it?" tanong ni drake

"sobra, hindi ko ito ineexpect" sabay halik niya sa asawa ko, tuluyan ng tumulo yung luha ko, luha kong hindi pa rin matuyo-tuyo kahit ilang beses ng bumagsak, tinalo pa ang ang ulan na akala mo'y walang katapusan ang pagbagsak

hindi ko mapigilang humikbi ng malakas tinakpan ko ang bibig ko pero hindi na talaga kaya, kaya agad akong umalis at nakasagi pa ako ng lata kaya napatingin sila sa akin

sorry for ruining their anniversary

"jasmine!" sigaw ni drake

ayaw ko na dito, bakit ba kasi kailangan ko pang magmahal ng sobra, gusto ko lang naman yung mahalin ako pabalik, mahirap ba yun?

napaupo na lang ako sa hindi ko kilalang lugar, wala ng tao ngayon halos mga sasakyan na lang ang dumadaan at iilan na lang ang palakad-lakad na siguro'y pauwi na sa kanilang bahay

"ewan ko ba kasi kung bakit ang lakas niyo magmahal, ang hina niyo naman harapin yung totoo" naiinis ako sa boses ng lalaki na halatang ako ang pinaparinggan, ganito pala ang magmahal nakakalimutan mo na yung sarili mo

"alam mo mi--" napatingin naman ako sa kanya nakita ko pa yung pag-awang ng bibig niya ng makita ako

"pwede ba? wala kang alam" 

"uh-uhmm---" ang gulo niya naman magsalita

***Yohan's pov.***

bakit ba ang daming bitter?, katulad ngayon may umiiyak na naman ng dahil sa pag-ibig na yan

"ewan ko ba kasi kung bakit ang lakas niyo'ng magmahal, ang hina niyo naman harapin yung totoo" eh bakit totoo naman diba?

"alam mo mi--" ah kaasar bakit ganito yung reaksyon ko ng dahil lang nakita ko yung mukha niya?

"pwede ba? wala kang alam" malungkot na sabi niya sa akin pero walang lumalabas na salita sa bibig ko

"uh-uhmm---" hindi talaga ako makapagsalita kainis.

My Bestfriend And My Husband Love Affair (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon