Chapter 20

6.5K 132 6
                                    


*Jasmine's pov.

dalawang linggo na ang nakaraan pero wala pa ring drake na umuuwi, kahit sila manang hindi alam kung kailan uuwi si drake baka nga hindi pa nila alam na nasa davao si drake.

"maam yung cellphone niyo po may tumatawag naiwan niyo po kanina sa garden" hindi ko alam pero bigla ako na-excite dahil umaasa ako na baka si drake na iyon.

"hello" hindi maiiwasan sa boses ko yung pagka-excite.

"hello po maam, ako po yung secretary ni sir drake" parating na si drake? pero di pa siya umuuwi.

"nandiyan na ba siya?" halo-halo yung nararamdaman ko na di ko mapaliwanag.

"wala pa po maam pero tinawagan niya ako kanina na ngayon daw po yung uwi niya, sa company po yung diretso niya" natuwa naman ako sa balita niya gusto ko ng magtata-talon sa sobrang saya.

"salamat" sa sobrang saya ko di ko napigilang yakapin si manang.

"manang mag-aayos na po ako, ngayon daw po yung uwi ni drake" nginitian naman ako ni manang, natutuwa ata siya sa reaksyon ko.

"o sige, magluluto na kami ng marami" pagkasarado ni manang ng pinto nagmamadali kong binuksan yung cabinet ko at naghahanap ng masusuot, pinili ko yung simpleng dress kulay puti.

matapos nun dumiretso na ako sa company ni drake, lahat sila nakatayo ng maayos at nakita ko na din si drake, kahit likod niya alam ko.

*Yohan's pov.

"yohan, hindi pa ba kayo nagkikita ni darlene" gusto ko mang ipahanap si darlene sa mga tauhan ko, gusto ko muna siyang makapag isip-isip, hindi naman malabo na naaalala niya na ang lahat dahil sa kahit anong oras alam ko naman na pwede na siyang makaalala.

"please yohan, ipahanap mo si darlene, nag-aalala na ako sa kanya" tumango na lang ako kahit pa hindi ko siya susundin.

"salamat yohan" umalis na ako pagkatapos nun, baka kung ano pa ang mga kasinungalingang mapangako ko sa kanya.

darlene nasaan ka na ba kasi? alam ko namang darating din yung araw na iiwan niya ako pero sana huwag muna ngayon, hindi pa kita kayang pakawalan darlene, hindi ko kaya lalo pa ngayong masyado na akong nahulog sayo at sa sobrang lalim hindi ko na alam kung kakayanin ko pa.

*Jasmine's pov.

nakapasok ako ng mabilis sa loob wala kasing nagbabantay na guard nasa loob din, ano kayang meron?

hindi na ako pumunta sa pinakagitna ayoko kasing may makakita sa akin, pagkatapos nito isusuprise ko si drake, kalahating buwan ko din siya hinintay sobrang namiss ko siya

*Yohan's pov.

"sir, si maam darlene ba yun?"  napatingin naman ako sa tinuro ni manong, nagulat akong makita si darlene papasok siya sa loob ng company ni drake

naaalala niya na ba ang lahat? ang tagal ko siyang hindi nakita

"sir, late na po kayo" napamura ako ng mahina, gusto ko mang puntahan ngayon si darlene hindi ko magawa dahil sobrang importante ng pupuntahan ko

"fine, bilisan natin, tawagan mo rin si mang kardo sabihin mo bantayan si darlene"

*Jasmine's pov.

"welcome back sir" bati ng mga empleyado niya

"thankyou and everyone please lend me your ears" pagkasabi niya nun tumahimik bigla, tanging ang ingay lamang sa labas ang maririnig, humarap naman siya sa mga empleyado niya, nakaharap na siya sakin ngayon pero hindi pa rin ako makikita dahil nasa dulo ako kita ko ang pagseryoso ng kanyang gwapong mukha

"I want you all to meet my wife..." tama ba yung narinug ko? mali lang ata ako ng narinig, hindi niya naman alam na nandito ako or alam niya? sinabi ba ng secretary niya na pupunta ako dito? hindi ko maintindihan yung emosyon ko

ito siguro yung pinaghahandaan niya for two weeks, bigla naman ako na-excite sa naisip ko

"...alice, please respect her she will be my P.A again" bigla 'siyang' dumating, si alice, tama ba itong nakikita ko? b-bakit at paano? lalong lumakas ang bulungan at ako nandito lang sa kinakatayuan ko na tila nakalimutan ko na kung paano ang maglakad

"d-drake!" pasigaw na sabi ko, napatingin ang lahat sakin kita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha pero agad din itong nawala tatalikuran niya na sana ako pero pumunta ako papalapit sa kanya at hinawakan siya sa kanyang kamay

"d-drake, ano ba itong sinasabi mo?"                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                    

My Bestfriend And My Husband Love Affair (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon