Chapter 22

6.3K 124 6
                                    


*Jasmine's pov.

sobrang pagod ako, ilang oras din ako nakayuko kakapulot dun sa pagkain, may sabaw pa naman yun buti nga binigyan ako ng pamunas nung secretary ni drake.

"naku maam wag na kasi kayo bumalik, baka sa susunod hindi lang yan ang abutin niyo" nginitian ko na lang siya at umalis na, sana nga ganun lang yun kadali, ang hirap kasing isipin na yung taong tinrato kang espesyal ay siya ring wawasak sayo.

pumunta muna ako ng mall, nagugutom na kasi ako di pa ako kumakain.

pumasok ako sa isang chinese restaurant at umupo, natakam ako sa menu kaya medyo marami yung inorder ko, halos di na ako makakain ng maayos, sino ba naman ang makakain sa lagay na ito diba.

maganda yung service nila ang bilis kasi, susubo sana ako ulit ng mahagip ng paningin ko sila.

nanghihinayang ako sa mga inorder ko kaya ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain, hindi ata nila ako napansin dahil dire-diretso lang sila dun sa table.

hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong i-akto sa mga oras na ito, nagsusubuan pa sila, "sana ako yun" kaso sa hindi ko malamang kadahilanan kung bakit naging ganito si drake sa akin.

wala ako sa sariling napatayo, hindi ko alam kung bakit, nakita ko na lang ang sarili ko na nasa harap nila.

"ikaw na naman? hindi mo ba kami titigilan ni drake!?" gusto kong sabihin na siya ang tumigil pero hindi ko magawa dahil maraming tao.

"please drake, mag-usap naman tayo, papakinggan kita" nagdadasal ako sa isip ko na sana pumayag siya.

"please jasmine ano ba ang hindi mo maintindihan sa salitang hindi na kita mahal, nasasakal na ako sayo" gusto kong maiyak sa mga oras na yun pero nagpapakatatag ako, hindi ako papayag na manaig ang kahinaan ko katulad ng dati.

"manager!" nagulat ako ng sumigaw si alice.

"maam?" nilapitan kami nung waiter, ano na naman ba ang ginagawa niya, gumagawa na naman siya ng eksena, dito naman siya magaling.

"yang baliw na yan ginugulo kami, asan na ba yung manager niyo!?" napatingin na lahat ng tao sa amin.

"sorry po maam wala po yung manager namin ngayon, sir hindi niyo po ba kilala itong babae na ito?" please drake wag mo akong ipahiya.

"no" parang unti-unting sinasaksak ang puso ko.

oo isang salita lang at dalawang letra pero masakit para sa akin.

maya-maya pa may mga guard na pumasok at kinaladkad ako palabas ng mall.

"please lang miss, wag mo sirain ang pangalan ng mall na ito, mawawalan kami ng trabaho" medyo napahiya ako sa sinabi nung guard.

wala ako sa mood sumakay gusto ko maglakad, nagulat pa ako ng may biglang bumusina ng sasakyan.

"ma?" yung mama ni drake, nagulat ako kasi ngayon ko na lang siya ulit nagkita.

"sakay ka na hija" pumasok naman ako sa sasakyan.

"hija, kumusta naman kayo? matagal na kayong hindi nakakadalaw samin, masyado ata kayong nag-eenjoy" sana nga ganun ang nangyayari.

"sorry po tita, busy kasi kami lagi" nginitian ko na lang siya, sobrang bait niya kasi medyo naguguily ako kasi hindi niya alam yung mga nangyayari samin ni drake.

"hija, may sasabihin ako pero sana huwag mo muna sasabihin kay drake" sumeryoso yung boses ni tita, hindi na ako sumagot at hinintay na lang ang kanyang mga sasabihin.

"nahanap na namin yung kapatid niya, nasa ibang bansa siya ngayon, nahirapan nga kaming mag-asawa kasi ayaw niyang maniwala, masaya kami at mayamang pamilya ang kumupkop sa kanya" halatang masaya si tita, nawala kasi yung kapatid ni drake pagkapanganak ni tita, mas matanda yun kay drake, matagal na yung pinapahanap ni mama actually.

gusto ko sana tanungin kung paano nila nalaman na yun nga ang kapatid ni drake pero sa tingin ko naman dumaan ito sa maraming proseso at sigurado silang yun nga ang nawawala nilang anak.

"kaya ikaw hija pag nanganak ka siguraduhin mong may bantay" bumaba na din ako ng makarating na ako sa bahay namin ni drake.

sa dami ng nangyari sa araw na ito, gusto ko na sumabog pero ayaw pa rin sumuko ng puso ko, puso kong manhid na nga ata.

"maam, kumusta po yung lakad niyo? parang ang putla ng mukha niyo" gusto kong sabihin na hindi lang 'parang'

dumiretso naman ako sa kwarto ko at doon agad na bumuhos ang mga luha ko, luha kong walang katapusan.

*Yohan's pov.

"diba sabi ko bantayan niyo siya, bakit niyo pinakawalan!" jasmine, saan ba kita hahanapin? pwede bang kusa ka na lang na lumapit.

"s-sir sorry po talaga, may pinagawa din s---"

"wala akong pakelam, ang sabi ko bantayan niyo siya!, tangina naman" nataob ko yung mesa sa sobrang galit ko, tinawagan ko naman ang secretary ko.

"uuwi na ako ng Pilipinas" yun agad ang ibinungad ko sa kanya.

"p-pero sir kakadating niyo pa lang diyan diba?" wala akong pakelam.

My Bestfriend And My Husband Love Affair (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon