Chapter 6

13K 213 1
                                    


***Jasmine's pov.***

i don't have any idea kung saan siya pumunta kagabi kasi hindi na rin siya naka-uwi, hindi ko na lang siya syado dinadakdakan kasi baka mainis siya.

"ah sige manong diretso na po tayo sa work" pinaandar niya na naman yung sasakyan.

________

Pagkatigil naman ng sasakyan nakita ko si Alice at si Drake na nagtatawanan, pinagdadasal ko nga na hindi makita ni manong pero ano pa ba yung maagawa ko hindi naman bulag si manong para hindi niya makita lalo na't nasa gitna silang dalawa.

"ma'am si sir po ba yan?, sino yung babae?" sige jasmine isip pa, diyan ka naman magaling ang magpalusot kahit ang totoo hindi mo pa rin alam ang nangyayari sa relasyon niyo ni Drake.

"ah hindi yan si drake, m-may kamukha kasi siya dito" gusto ko na lang sabunutan yung sarili ko dahil sa nakakahiyang excuse ko.

"ah, wow ah ang astig naman kamukha talaga ni sir, buti ma'am hindi niyo napapagkamalhan" nginitian ko na lang siya kahit gusto kong isigaw na si Drake nga yan pero syempre hindi ko yun kaya.

"sige po manong ingat na lang" sabi ko at sinara na ang pinto.

"drake!" napatingin naman sila sa akin, hindi ko na pinansin yung mga tingin ni Alice dahil ayoko siyang pag-isipan ng masama lalo na't kaibigan ko siya.

"jasmine, I told you to call me sir" halos pabulong na sabi niya sakin habang tumitingin-tingin sa paligid, sir na pala ang endearment ko sa kanya, nakakainis ilang araw na ako naghihintay kung ipapakilala niya ba ako pero hindi pa rin.

"jasmine"

"harold" nginitian ko naman siya lumapit naman siya sa akin, naalala ko na ang dami ko pa palang tatapusin kaya siguro sasama na lang ako sa kanya para makapagsimula na.

"ah sige una na kami" paalam ko sa kanya, araw-araw tambak yung trabaho ko, minsan nga iniisip ko kung normal pa yun.

"ah n-no!" napakunot-noo naman ako, ano daw? no?

"hah?" tumingin naman ako sa kanila ng naguguluhan.

"m-may ipapagawa ako sayo, sumunod ka sa akin sa office" nakakaloka ang aga pa may bago na naman akong gagawin, kahit mag-over time ako hindi ko matapos-tapos lahat ng pinapagawa niya.

"samahan na lang kita, tapos na yung gagawin ko kahapon pa eh" ewan ko ba kung matutuwa ako o maiinggit, buti pa siya tapos na.

"ah s-sige, ano ba yung ipapagawa niyo sir?" tanong ko kay drake na mas naging promal na ngayon dahil nakapasok na kami sa building.

"madali lang naman, kayang-kaya yun kahit mag-isa ka lang" sumunod na lang kami ni harold sa kanya at hindi pinansin yung sinabi niya dahil iniisip ko kung paano ko tatapusin yun lahat.

Tumalas naman ang mata ko ng makita kong hinawakan ni alice yung kamay ni drake pero agad rin itong tinanggal ni drake

"si jasmine lang yung sinabi ko" nakatingin siya kay harold kaya pati ako napatingin na rin kay harold.

"tapos na po lahat ng pinagawa nito sa akin kahapon pa, tutulungan ko na lang po si jasmine"

"fine" binagsak niya naman yung mga papers kahit siya nagulat kaya nagkandahulog-hulog lahat ng papers dahil hinangin, pinulot ko naman yun isa-isa at tinulungan ako ni harold.

"jasmine bayaan mo na si harold, your skirt is too short" tiningnan ko naman si harold

"okay lang" bulong niya

Tumayo naman ako ng nakayuko, ayaw ko kasi silang makita ewan ko kung bakit, parang kanina lang gustung-gusto ko na makita si drake.

"ito na jasmine, halika tulungan kita ah"'tumingin naman ako sa kanilang dalawa pero agad ko ring iniwas yung tingin ko.

"ah sige po sir, isusunod ko na lang po itong papers" sabi ko at lumabas na kami.

***Drake's pov.***

"oh, did she know already?, sinabi mo na ba sa kanya yung meron sa atin?" alam niya na kaya?, nakakahalata na ba siya?

"no, hindi ko pa sa kanya sinasabi and i don't have any idea kung bakit siya ganun sa akin" honestly gusto ko na patalsikin yung harold na yun eh masyadong pabida

"kung ganon isa lang yung ibig sabihin nan and that's a good sign" kumunot naman yung noo ko sa sinabi niya

"i think, she likes harold" pagkasabi niya non hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.

***Jasmine's pov.***

"pwede ba tayong mag-usap jas?" nagulat ako ng biglang nagsalita si harold, ang seryoso kasi eh tapos bigla siyang magsasalita.

My Bestfriend And My Husband Love Affair (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon