"Yayain sana kita lumabas or should i say mag date but don't worry hindi to romantic date"

"Sige what time?"

"Mga 10am para matagal kitang makasama, Susunduin na lang kita sainyo"

"Sige"

"Ahm sige bye na baka andyan na yung next teacher namin"

"Bye"

*Next Day*

"Hannah baby aalis ka?"

"Dad!! I'm not baby Eww, Opo aalis ako"

"Ang arte mo talaga hannah!! At san ka na naman gagala?"

"Hindi gala mommy pero let's consider it gala, Hmm somewhere i don't know."

"Here's 2k para sa pang gala mo"

"Thanks dad, ligo lang po ako"

Mag te-ten na kasi kaya naligo na ko, ayaw ko naman maging V.I.P kay terrence.

I'm wearing a simple dress and high cut rubber shoes and i'm off.

"Hannah andito na si Terrence"

Sakto ang dating niya, Bumaba na ko at binigyan naman ako ng flowers kaya inaasar tuloy ako ni Mommy, Jusko po!!

"Iwan ko na lang to dito, Mommy wag mong aangkinin ha bye"

Natawa naman si Terrence, Lumabas na kami at pumasok na sa kotse siya ang mag da-drive, bat kaya pinapayagan mag drive ito eh 3rd year pa lang siya.

"Sa mall tayo, may bibilhin kasi ako"

"Dun din ang punta natin eh, anong bibilhin mo?"

"T-shirt para kay daniel"

"Ah ganon ba? After mo bumili manood tayo ng Sine ha"

Tumango naman ako, nung nasa mall na kami eh kumain muna kami sa isang restaurant, namiss ko na kasi kumain sa restaurant after namin kumain pumunta na kami sa bench para bumili ng T-shirt kay Daniel.

Nakasanayan ko na to kasi sa tuwing pupunta ako sa Mall lagi kong bibilhan ng T-shirt si Daniel pati nung mga bata pa kami ganon ang routine ko kaya ang karamihan sa damit ni Daniel ay bili ko.

Syempre bibilhan ko si Terrence baka mag tampo mahirap na atsaka part na din siya ng buhay ko kaya binilhan ko na din siya, Dalawa ang binili kong T-shirt at tigisa pa ng paper bag.

"Ako na mag dadala"

"Wag na, ilagay na lang natin to sa kotse mo"

Bumalik kami sa parking lot at nilagay na sa kotse yung dalawang paper bag at nanood na ng sine, Ang lamig nga eh kaya hinimas himas ko na lang yung braso ko.

"Wala akong jacket kaya yayakapin na lang kita"

Natawa naman ako, Asus? Chumachansing ka lang Terrence haha.

"Bakit?"-Nag taka kung bakit ako tumatawa kaya nag tanong na.

"Ah.. W-wala"

Nanood lang kami in that position, Nakatulog pa nga ako eh tas ginising ako nung tapos na ang movie ayan sayang tuloy pero sulit sakanya dahil kayakap niya ko kanina.

Kumain ulit kami sa isang fast food dahil nagutom na naman ako, nako!! Mag da-diet na ako nito XD.

"Malapit na ang intrams ha, Anong balak mong gawin dun?"

"Hmm, Nga-nga na lang, may laro kasi sila Daniel eh"

"Hmm, Date na lang ulit tayo?"

Napapadalas na ang pag yaya ng date nito sakin ha XD.

"Haha osige"

After namin mag Date, hinatid na ko ni Terrence dahil 5pm na at baka pagalitan na naman ako ni mommy pati ni Daniel.

"Thanks nga pala Terrence ha, Sige uwi ka na mag gagabi na eh, Ingat"

"Thank you din... Sige bye see you tommorow"

Nag wave na lang ako at umalis na siya pag talikod ko eh nagulat ako dahil ang isang Daniel Montes ay nakasandal sa pader sa may gilid ng gate.

"Kanina pa kita inaantay ha!! Kundi dahil kay tita Wendy kanina pa ko umalis dito, Nga pala wala na yung parent's mo pumunta na ng Korea"

Umalis na siya without saying goodbye, Nakakainis na talaga siya ha!! Sa tuwing kasama ko si Terrence ganyang ang asal niya, Ayaw niya ba kay Terrence para sakin?

"NAKAKAINIS KA NA!! KUNG AYAW MO KAY TERRENCE, SABIHIN MO!! HINDI YUNG GANYANG ASAL ANG PINAPAKITA MO!!"

"Bakit kapag sinabi ko ba na ayaw ko sakanya... May mangyayari ba? Wala naman diba"

Argh!! Di ko na siya maintindihan, Tsk. Baka badtrip lang yan, padabog akong pumasok sa loob ng bahay, Haaay! Wala na naman sila.

*Infinity High*

"Bat hindi kayo nag papansinan ni Daniel? Kasi dinadaanan mo lang siya at ganon din siya"

"Ewan ko dyan sa lalaking yan!! Ang hirap hirap intindihin, nakakabwiset"

"Eh ano ba kasi ang nang yari?"

Kinuwento ko sakanila yung nangyari.

"Eh baka naman nag seselos, alam mo naman ang mga lalaki seloso"

"Bakit naman siya mag seselos?"

"Ay!! Tanga lang? Malamang sa ilang taon kayong magkasama at syempre nasanay siya na yung atensyon mo ay sakanya lang pero ngayon nag iba!! Kaya malamang nag seselos yun"

Napatingin naman ako kay Daniel na nakikipag kwentuhan sa mga classmates namin na mga girls kaya yung mga girls naman ay kinikilig, Mga FLIRT!!

"Jade i know that look?"

"Anong klaseng look yun?"

"Selos Look"

Napatingin ako sakanila, Epal eh!! Alam kong ako yung pinapatamaan nila!!

After class pumunta ako sa bahay nila Daniel para ibigay yung T-shirt na binigay ko, Sinadya kong after class umuwi dahil wala pa siya dito, mamaya pa ang uwi niya may training sila sa BB nag paalam lang ako sakanila umuwi.

Pinatong ko yung paper bag na may letter sa kama atsaka umalis na, umuwi na ko sa bahay at nagkulong sa kwarto, buti na lang andito na si Yaya.

Nag computer ako at nag type.

"Ang hirap naman kapag nag katampuhan kayo ng bestfriend mo, wala kang ka-kwentuhan kapag nasa bahay ka, Haaaay"

Friend ZoneWhere stories live. Discover now